"Ayos ka na ba Prelle? Ano ba naman 'yan. Bakit bigla ka na lang nagwala kanina?" Tanong ni Ennel na teacher din dito. Kaibigan ko.
"Ayos naman na. Ah--wala. M-Masama lang pakiramdam ko kanina." Pagdadalhan ko na lang saka nagpilit ng ngiti.
"Kaloka ka gurl ah. Sabi ng mga estudyante kanina para ka lang daw nakakita ng multo dahil sa reaksiyon mo."
"Hindi. Masama lang talaga pakiramdam ko." Sana na gano'n lang.
Pero kung sila man siguro ang nasa posisyon ko at makita nila iyon ay siguradong magiging ganoon din ang reaksiyon nila.
"Mabuti pa siguro ay dito ka na muna---"
"Hindi! Ah---I mean. Babalik na ako sa klase ko tutal ay ayos naman na ako." Pagdadahilan ko pero ang totoo ay natatakot ako. Dalawa lang kami ngayon ni Ennel dito sa office namin dahil may klase pa ang iba. At kapag umalis si Ennel ay maiiwan akong mag-isa. At doon ako natatakot. Ayaw kung makakita o nakaramdam ng kakaiba.
Bakit ba biglang naging ganito ang buhay ko. Noon ay halos normal at wala namang ganitong nangyayari ah.
Siguro pagod lang talaga ako kaya nakakakita ako ng mga bagay-bagay na hindi naman totoo. Oo, tama. Iyon lang ang dahilan.
Hindi totoo ang nga nakikita ko. Hindi totoo. Ako lang naman ang nakakakita at nakakaramdam ng mga ganoon kaya siguro ay imagination ko lang lahat ng iyon.
Tama. Tama. Kailangan ko lang talagang magpahinga para matigil na ang lahat ng weird na nangyayari.
Kakausapin ko na lang mamaya si Marco at sasabihan siya na magbakasiyon kami sa kahit saang resort. Basta makapagrelax ako.
Nang makabalik na sa room ay agad ko ng inayos ang sarili at nagpatuloy na sa pagtuturo at naging maayos naman ang lahat. Ipinaliwanag ko na rin sa kanila na medyo masama lang ang pakiramdam ko kanina. Naiintindihan naman siguro nila iyon dahil malalaki na naman ang estudyanteng tinuturuan ko.
Lahat ng naging klase ko ay naging maayos na rin. Natapos lahat iyon ng walang nagiging problema.
Pero naputol lang rin lahat ng iyon ng papauwi na ako. Kagaya ng dati ay naglalakad na naman ako sa hallway ng third floor at nararamdaman ko naman na may nakasunod sa akin. Meron akong naririnig na mga batang naglalaro sa kung saan man iyon.
Pero...
Walang ng mga batang naririto ngayon dahil kanina pa ang uwian. Kahit meron man ay bakit sila maglalaro dito eh malalaki na itong mga nag-aaral dito kagaya ng sinabi ko kanina.
Tinatagan ko na lang ang loob ko at hindi lumingon. Kahit minsan ay hindi ko tinangka.
Nang tuluyang makababa ay agad na akong napahinga ng malalim dahil parang kinakapos na ako ng hangin. Napahinga na ako ng maluwag ng makitang may ibang tao na akong kasama. Doon na ako tumingin sa likuran ko at tanging isang tahimik na hallway lang ang naroroon at walang katao-tao.
Dali-dali na lang akong lumabas ng paaralan saka pumara ng pwedeng masakyan at sandali lang ang hinintay ko at agad naman akong nakasakay.
BINABASA MO ANG
Kill me, Daddy! [COMPLETED]
HorrorSome killing content. If you don't want to read some bloody scenes, drop this. I don't want you to be scared. [A SHORT STORY]