06

347 9 0
                                    

Prelle's POV

Nakatitig ako ngayon sa singsing na hawak-hawak ko. Alam kung kay Merna ito. Hindi ako pwedeng magkamali dahil palagi ko itong nakikita na nasa palasingsingan nito.

Pero bakit nasa dinuguan? Nalaglag ba niya ng hindi napapansin habang nagluluto? Pero paggising namin ay wala na si Merna doon sa bahay ah?

Nagulat naman ako ng biglang may humawak sa balikat ko kaya napatingin naman ako kung sino iyon at nakita si Dina na nakakunot ang noo. "Kanina pa kita tinawag. Napapano ka ba at parang tulala ka diyan sa singsing na hawak-hawak mo? If I'm not mistaken eh suot-suot mo na 'yung singsing mo, diba?" Tanong nito.

"A-Ah. Wala. Wala. Sa katulong ko itong singsing, nalaglag niya ata kanina." Sagot ko saka tumayo na.

Hapon na at tapos na rin naman ang oras ng pagtuturo ko at tapos ko na rin naman ang mga gawain ko.

"Mauuna na ako. Mag-iingat ka mamaya kapag uuwi ka na." Paalam at habilin ko sa kaniya.

"Bakit kasi ako pa ang kailangang matira dito. Walang awa si Dean sa akin ang daming pinapagawa. Daig ko pa gumagawa ng thesis nito." Natawa lang naman ako sa kanila saka nagpaalam pa ulit bago tuluyang lumabas ng room.

Habang naglalakad ay naisipan ko namang tawagan si  Marco at agad naman nitong sinagot ang tawag. "Hey, papauwi ka na ba?" Tanong nito kaagad.

"Yeah. Ikaw?" Balik ko naman na tanong sa kaniya at agad na napatingin sa likod ng may mapansing parang may tao sa likod pero ng tumingin ako ay wala naman.

Napakunot naman ang noo ko saka nagpatuloy na ulit sa paglalakad at ikinalma na ang sarili.

"Papauwi na rin. In two minutes, andiyan na ako sa school. I'll wait for you outside." Rinig kung saad pa nito.

"S-Sige. Pababa na rin naman ako. Bye." Pinatay ko na ang tawag saka agad na nilagay ang cellphone sa bulsa habang nakahawak ako sa bag ko at sa loob ay may dala akong pepper spray.

Habang naglalakad ay nararamdaman ko talagang may nakasunod sa akin mula sa likod na nakakapagpalakas ng tibok ng puso ko pero tinapangan ko ang loob saka agad na humarap sa likod pero walang tao, kagaya kanina.

Magsi-six na kaya wala ng estudyante at tanging kunti na lang rin ang natitirang mga teachers dahil hanggang four-thirty lang naman ang klase.

Mas binilisan ko na lang ang paglalakad pero dahil nasa ikaanim na palapag pa lang ako at hagdan lang ang meron ay medyo matatagalan pa ako bago makababa.

Napasinghap naman ako ng may marinig na talbog ng bola mula sa may locker room pero hindi ko na pinansin iyon at hindi na nag-abalang alamin kung sino ang andoon.

Mga basketball player lang iyon. Tama. Mga players lang iyon----pero nasa Cebu sila ngayon. Shit! Tinakbo ko na agad pababa dahil sa sobrang kaba.

At mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko ng may maramdaman na namang sumusunod sa akin pero ng tuluyan na akong makarating sa first floor ay agad akong may nakitang mga estudyante ko. "May humahabol ba sa inyo, Maam?" Tanong ng mga ito ng makita akong habol-habol ang hininga ko.

Napatingin naman ako sa likod pero walang tao doon. Tahimik ang lugar at kami lang ang tao.

Ngumiti naman ako saka umiling. "Kayo bakit andito pa kayo?" Iniba ko na lang ang usapan.

Pinakita naman nila ang dala-dala nilang project. "Dito na namin ginawa para hindi na hassle bukas sa pagdala pa ulit dito sa school." Napatango-tango naman ako.

"Good job. Siguradong mataas ang makukuha niyong score sa Arts niyo." Nakangiting saad ko pa saka naisipan ng magpaalam. "Mauuna na muna ako at may pupuntahan pa ako." Iyon lang at umalis na ako roon at dumeritso palabas at agad na nakita si  Marco na nasa kotse nito.

"Kanina ka pa ba naghihintay?" Tanong ko sa kaniya pero umiling naman ito.

"Kakarating ko lang rin. Wait, bakit pawis na pawis ka?" Tanong nito bigla.

"A-Ah, may hinabol kasi akong isang estudyante ko kanina dahil naiwan niya ang notebook niya sa loob ng room. Tara na." Wala na akong nagawa kung hindi ang nagsinungaling.

Hindi ko naman pwedeng sabihin ang mga napapansin ko dahil baka kung anong isipin nito.

Bago tuluyang makaalis ang kotse ay napatingin naman ako sa  building at nanlaki ang mga mata ng makita ang isang batang walang ulo na nasa fifth floor pero agad ring naglaho sa paningin ko ng humarurot ang kotse.

I-Is this really true? Or hallucinations again? Mula pa kanina nangyayari ang mga weird na mga bagay na ito.

Siguro ay talagang stress lang talaga ako kaya naiisip ko ang mga ganitong bagay. Things that didn't even exist in real world.

"Nakauwi na kaya si Merna?" Tanong ko habang nasa biyahe kami. Nakapikit lang ang nga mata ko at kinakalma ang sarili.

"Ewan ko. Baka may importanteng nilakad lang kaya bigla-biglang nawawala." Napatango-tango na lang ako sa sinabi nito.

Makaraan ang ulang sandali ay nakarating na rin kami sa bahay kaya bumaba na kami at pumasok na. "Kids? Merna? We're home!" Anunsiyo ko saka naupo sa sofa at tinanggal na ang suot na sandals.

Agad namang nagsitakbuhan ang mga bata papunta sa amin saka yumakap at humalik sa pisngi kaya napangiti naman ako. Sila talaga 'yung stress reliever ko.

"Andito na ba si Yaya Merna niyo?" Tanong ko sa kanila at nagkatinginan naman silang tatlo saka umiling.

"Hindi pa po siya namin nakikita since umuwi kaming tatlo eh. Nasaan na kaya si Yaya?" Nakangusong tanong ni Flow.

"Miss ko na si Yaya." Saad naman ni Alex.

"Maybe, Merna is just busy that's why she's not here. Wait, titingnan ko nga muna kung may pagkain. Nagugutom na ako eh." Ayon at dumeritso na sa kusina si Marco.

"Tara na mga babies ko. Kakain na tayo." Nakangiting aya ko sa kanila at sumunod naman na ang mga ito.

Iniwan ko na muna 'yung mga bata sa hapag at sumunod na kay Marco sa kusina. "Anong ulam natin?" Nakangiting tanong ko sa kaniya.

"Meat loaf and corn beef 'yung andito." Sagot nito na ikinakunot ng noo ko ng may marealize.

"Akala ko hindi nakauwi si Merna? Bakit may ulam tayo? May kanin na rin dito." Saad ko habang binubuksan ang rice cooker.

"Baka nakauwi na bago pa dumating 'yung mga bata kaya hindi nila napansin. Siguro ay may importanteng ginagawa lang talaga si Merna ngayon kaya paalis-alis siya. Pero tingnan mo naman oh, hindi niya nakakalimutan ang trabaho niya dito." Tumango na lang ako. Siguro nga ay tama siya. Baka ako lang talaga itong madaming iniisip.

Bumalik na kami sa pagkainan dala ang mga pagkain saka sabay-sabay ng kumain. Si Flow ay bawal rin sa meat loaf at corn beef kaya gulay na naman ito kahit na nagsasawa na siya sa gulay. Si Alex naman ay ganoon rin. Ayaw niyang malungkot ang kapatid kaya gulay rin ang kinain niya.

Gustong tumikim ni Flow pero sinusuway siya ng kapatid kaya hindi ito natutuloy sa pagkuha ng ulam.

Habang si Sam naman ay tahimik lang. Kagaya pa rin ng dati. Kain lang ito ng kain.

Kill me, Daddy! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon