GEORGE
Pagmulat ng mga mata ko, nakita kong tulog pa rin ang asawa ko. Asawa. Natatawa na lang ako pag naiisip kong may asawa ako. Parang kailan lang, nag-wish ako sa isang balon para sa isang lalaking sasalba sa akin sa gulong pinasok ko. Now there he is lying next to me. He really conventional. Diretso lang ang katawan niya, hindi ko siya naramdamang gumalaw kagabi. Pero hindi ko siya gustong katabi dahil sinisira niya ang pagtulog ko. Humiga siya bandang alas-tres at hindi na ako nakatulog. Dinalaw lang ako ng antok ng mga alas-kwatro ng umaga. At bandang ala-sais, gising na naman ako. Anak ng baka, hindi ako magkakaroon ng eye-bags—pero luggage.
Tinignan ko ang katabi ko. Para siyang isang anghel kapag tulog. Ang gwapo niya tignan kahit nakapikit ang mga mata niya. Hindi rin siya magulo matulog. Iisang posisyon lang siya kapag tulog.
Hindi kagaya ko. May unan ako sa mukha lagi. Kung saan saan napupunta ang paa o kamay ko kapag natutulog, kaya kapag nagising ako, parang bruha ako sa buhok ko. Kaya siguro hindi ako makatulog dahil kulang ang unan ko.
Nakakatawang isipin na kasal na kami ng lalaking katabi ko. I am married to this handsome billionaire? Minsan gusto kong kurutin ang sarili ko. Totoo ba ito?
Pero hindi ako dapat ma-overwhelm sa mga pangyayari. Ayon sa agreement namin, maghihiwalay din kami matapos ang isang taon. Linsiyak, bakit feeling ko, magiging masalimoot na naman ang magiging ending namin?
Biglang pumasok sa isip ko si JB. Natatawa na lang ako na nag-effect sa akin ang spell. Wala akong nafeel sa kanya noong makita ko siya. Walang kaba, walang panghihinayang, walang kahit ano. To think na two years naging kami. Ayon nga kay Sara ang munting prinsesa magbalat na lang ng patatas. Tama. Mas mabuti pa yun kaysa alalahanin o isipin ang taong wala namang kwenta.
Napatingin ako sa katabi ko. Ang ganda ng ilong, cute ng lips. Napakagat ako ng labi ko… Ano kaya kung magnakaw ako ng halik? George! Nakakahiya ka! Nababahiran ka na naman ng kamanyakan mo! Sigaw ng utak ko.
Pero isang kiss lang naman. He looked so tempting. Lumapit ako sa kanya, tinititigan ang mga lips niya, walang panis na laway—good.
Ipipikit ko ba ang mga mata ko?
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Habang papalapit lumalakas ang tibok ng puso ko.
Bigla akong natigilan. Huwag na lang kaya? Narinig ko siyang umungol. “Georgie…” Gising na si sleeping handsome.
“H-Hi!” Nauutal na bati ko sa kanya. Nangangamatis na naman ako sa pula. Ano ba naman yan. Bakit ko pa kasi naisipang halikan siya?
“Georgie, I thought you are going to kiss me.” Sabi niya habang nakapikit. Lamunin nawa ako ng earth!
“H-Ha?” Kunwari inosente ako. Linsiyak na naman!
“Carry on, George, kiss me. You were about to kiss me, if I am not mistaken,” he said with a smug on his face. Paging earth, lamunin mo na ako… please lang!
“H-Hindi. Hindi. Tinitignan ko lang kung—”
“Oh come on, George, kiss me. That is an order from your husband.” Napangiwi ang mukha ko.
“Sari-sari ka.” Tatayo na sana ako, pero hinila niya ako sa tabi niya. He went on top of me and pinned my arms. He lookes so rugged and sexy—oh my goodness.
“Kiss me, Georgie, I know you want to.” Umiling ako.
“I know you want to. You rubbed me off of my sleep since last night. Do you want to do it? Have you missed it so much?” His eyes are filled with fire—they are so hot. He is so hot. Ano nga ulit ang tanong niya?
BINABASA MO ANG
A Wife for a While
General FictionIf you have read The Savage Casanova, you would meet Pavlo Vera-Perez, and this is his side story. Annoyed at his grandmother’s medieval scheme to claim his inheritance, Pavlo Vera Verez—the most sought bachelor needs to find a wife—fast. A perfect...