GEORGE
I was at the mall with my friend, Lois. Naisipan naming tumambay sa Mc Donalds, matapos naming bumili ng contact lenses. May promo ang shop—buy one take one, kaya napagtripan naming bumili. Green ang pinili kong kulay at Amethyst naman ang sa kanya. Nagkaroon kami ng iyakan session ng sales assistant dahil nahirapan akong magkabit. Pula na ang mata ko, imbes na green dahil naiirita ang mga mata ko. Parang napasukan ng buhangin ang loob—nakakairita. Pero nang makita ko na ang itsura ng mga mata ko nang malagay ko na sila. Maganda, in fairness. Tiis ganda nga lang.
"George, bakit naman ang pula ng mga mata mo?" Tanong ni Lois sa akin habang nakatingin siya sa mga mata ko.
"Naiirita sila. Hindi naman kasi ako sanay magsuot ng ganito. Pero bagay naman ang green sa akin di ba?" Pumikit-pikit ulit ako dahil hindi ako komportable ang mga mata ko.
"Okay lang bang mag-suot ka ng contacts kapag sisisid ka?" Tanong sa akin ni Lois. Pumikit pikit ako at naluluha ako sa pesteng contact lenses.
"Hindi. Magagalit si Chief. Siguradong ipapaalis niya ang contact lenses ko pag magdidive ako. Nairita na nga ako sa face mask ko, lalo na pag may suot pa kong ganito."
My job is a bit unusual. I am a technical diver at one of the best commercial diving company in the Philippines. Sounds a weird job for a girl—I know. But I love it. It was my dream way back when I was a little. Idol ko kasi ang daddy ko. He was the Dive Superintendent. I want to be like him at plano kong magkaroon ng Diving company someday.
Kinse anyos pa lang ulila na ako. Maaga akong iniwan ng mama at papa ko. Unang namatay si mama sa sakit sa puso at sumunod naman si papa isang taon matapos ni mama. Kina lolo,lola at mga tiyahin ko ang nag-alaga sa akin. Ilang taon din akong inalagaan ng lolo at lola ko hanggang sa pumanaw sila. At ang dalawang tiyahin ko—si Tita Imee at Tita Dorothy ang nag-alaga at nagpatapos sa akin ng pag-aaral.
Hindi na rin sila nakapag-asawa dahil mas pinili nilang alagaan ako kaysa asikasuhin ang sariling buhay nila. Mabuti na lang iniwan sa akin ng lolo at lola ko ang ancestral house. Dito na ako nanirahan kasama ang mga tiyahin ko.
Maganda ang nagiging takbo ng buhay ko. I am contented with my job. I live in a big nice house plus—I have a nice caring boyfriend. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may message na siya sa akin.
Medyo nabobother ako ngayon. May kakaiba sa boyfriend ko. Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam. Kapag tinetext ko siya, hindi agad nagrereply. Tapos minsan, pagtawag ko, may sumagot na babae. Nag-away lang kami ng konti pero pinatawad ko rin agad. Wala akong magagawa, mahal ko eh.
Two years na kami and six months, pero hindi kami masyado nagkikita. Nasa Batangas siya nagwowork sa Manila naman ako. Minsan masyado akong busy dahil may diving projects ako sa Cebu, Ilocos at kung saang lupalop ng Pilipinas. Kapag mapapadpad ako ng Tabangao, Batangas, tinetext ko siya para magkita kami, pero puro dahilan ang binibigay niya. Kesyo busy siya at madami siyang gagawin. Walang pamasahe o magbabantay ng anak niya at kung anu-ano pa. May mga oras na nagdududa ako na baka may iba siya doon. Pero, hindi ko na lang masyado iniitindi. Nagpapaka manhid ako dahil nagmamahal ako.
BINABASA MO ANG
A Wife for a While
Fiksi UmumIf you have read The Savage Casanova, you would meet Pavlo Vera-Perez, and this is his side story. Annoyed at his grandmother’s medieval scheme to claim his inheritance, Pavlo Vera Verez—the most sought bachelor needs to find a wife—fast. A perfect...