Chapter 28

75.9K 1.1K 54
                                    

GEORGE

Hindi ko malaman kung bakit nakahiga pa rin si Pavlo sa higaan.  Kadalasan, kapag alas-siete, gising na ito at nagpeprepare ng breakfast.  Pero ngayon, nasa sulok siya ng higaan at nakabalot ng kumot.

“Pavlo?” marahang tawag ko sa kanya.  Sumampa ako ng kama at muli siyang tinawag, “Pavlo?  Ako na lang ang magluluto ng breakfast natin, anong gusto mo?”  Hindi pa rin siya sumasagot.  Pavlo?  Marahang ko siyang tinulak para magising.  Pero parang mainit siya ngayon.  Hinipo ko ang noo siya at leeg, mainit nga siya.

“Pavlo, may lagnat ka…”  Napakunot ang ulo ko.  Kaya kanina pa siya hindi bumabangon.  Umungol siya habang pinipilit idilat ang mga mata niya.

“Huwag mong piliting bumangon.”  Nakakaawa siyang tignan dahil nag-chichill siya.Hinawakan ko ang mga braso niya.  Inaapoy siya ng lagnat.  Aalis sana ako ng higaan para kumuha ng bimpo at tubig pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.  “George…”

“Kukuha lang ako ng tubig at twalya.  Inaapoy ka ng lagnat.”

Umungol lang siya.  “Dito ka lang.  Stay with me,” mahina niyang sabi.

“I will stay with you, pero kukuha lang ako ng tubig at bimpo para bumaba ang lagnat mo.”  Bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin at tuluyan na akong bumaba ng kama.

Kumuha ako ng malambot na putting bimpo mula sa closet ko.  Matapos yun, nagpunta ako ng kitchen para mag-init ng tubig para sa gagawing kong tsaa.  Umakyat muna ako pabalik ng kwarto para tignan si Pavlo.  Nakita kong pinipilit niyang bumangon.

“Pavlo, inaapoy ka ng lagnat.  Magpahinga ka muna.”

“Ang tagal mo kasi eh.  Bababa sana ako.”  Mahinang sagot niya.  Lumapit ako malapit sa higaan, nilapag ang maliit na palangana sa maliit na lamp table sa tabi ng kama at humila ng maliit na upuan malapit sa side niya sa kama.  Inayos ko ang kumot na nakabalot sa kanya at pinakiramdaman ang noo niya.

“Sabi naman sa’yo sandali lang ako at kukuha lang tubig at bimpo.”  Piniga ko ang bimpo at inilagay ito sa noo niya.  Pulang-pula ang mukha niya at nanginginig siya.  Ang sabi sa akin ni Tita Dorothy, kapag may lagnat raw ang isang tao, dapat panatilihing mainit ang talampakan para hindi manginig ang may sakit.  Tumayo ako at narinig ko umungol na naman siya.

“Sandali, titignan ko ang talampakan mo.”

Hindi ako nagkamali, malamig ang talampakan niya kaya siya nanginginig.  “Kukuha lang ako ng medyas.  Ang lamig ng talampakan mo.”  Nagtungo ako sa closet niya para kumuha ng medyas.  Pagbalik sa kanya, kinuha ko ang isang paa niya at kiniskis ang talampakan bago ko isinuot ang medyas.  Ganoon din ang ginawa ko sa kabilang paa.  “Ayan, hindi ka na lalamigin masyado.”

“Thank you, George.”  Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.  “Bababa lang ako at mag-aakyat ako ng tsaa at toast para sa’yo.”  Hinawakan na naman niya ang kamay ko.  “George…”

“Sandali lang ako, promise.”

“Promise?”  Para siyang bata.  Napangiti lang ako.  Lumapit uli ako sa kanya para halikan ang noo niya.

A Wife for a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon