Chapter 8

84.9K 1.2K 46
                                    

GEORGE

 

Hindi ako makapaniwala na ikakasal na ako.  At hindi kung kanino, pero sa lalaking minahal ko mula noong sampung taon ako.  Ang lalaking naging dahilan kung bakit ako nawalan ng work ay siya ring naging dahilan kung bakit ako nagkaroon ng bagong trabaho.  Bilang hired wife ni Pavlo Vera-Perez.

Pero maraming nagbabago sa kanya.  May mga katangian din siyang gaya noong dati.

Misteryoso pa rin siya at pangiti ngit.  Just the same, nakakakilig pa rin.  Tatlong taon ang tanda niya sa akin, mas mukha pa akong matanda dahil baby face pa rin siya.  Pero ang malaking tanong, bakit mas gusto niya magpakasal sa stranger at hindi sa girlfriend niya?

Hmm... I just wonder.

Part of me is saying I should run! I should call off from the agreement.  I can't marry someone for the wrong reasons.

But...

How about the house?  Ayoko namang mailit ang bahay na iniwan sa akin ni lolo at lola.  Minahal namin ang bahay na 'to.  Dito ko pinanganak, lumaki at nagkaisip.  Hindi naman ako papayag na mawala ito dahil sa katangahan ko.

Naalala ko ang pasko ko kasama ang lolo at lola ko. Nagluluto si lola ng noche buena at si lolo ang tumutulong sa kanya.  Hanga ako sa pagsasama nila.  Kung may makakasama ako sa bugay ko gusto ko sana may relasyon kaming gaya nang sa kanila.  They grew old together, kaya noong mamatay si lola, sumunod na rin si lolo matapos ang isang taon.

Ganun din ang pagsasama nina papa at mama.  Palagi kong naririnig mula kay papa kung gaano niya kamahal si mama.  Kahit ilang taon na silang mag-asawa, akala mo'y magboyfriend-girlfriend pa rin sila.

Ako lang ata ang minalas sa pagdating sa love.

Minsang nagmahal ako, pero hinuthutan lang ako.  Pero sabi nga ni mama, maikli lang ang buhay para bilangin kung gaano dapat nating mahalin ang isang tao.  Nagmahal tayo dahil ito ang nararapat.  Walang nagiging tanga sa pagmamahal.  Hind tayo ang may kasalanan kung niloko tayo.  Ang manghihinayang ay ang taong nang-iwan sa atin.

Malungkot ako kahit kasama ko sina nana dito. Busy sila sa pagbabakasyon nila at hinayaan nila ako.  Pero grateful pa din ako sa kanila, kasi kahit papaano, may natatawag akong family.

Kasama na rin doon si Loopy.  Paano na kaya siya?  Saan ko siya iiwan? Nakalagay sa agreement na bawal ang pets.

Kanino ko kaya siya ipapaalaga?  Pinuntahan ko siya sa kulungan niya sa sa likod ng bahay.  Ayaw ng mga tita ko, lalo na ni Tita Imee na patuluyin si Loopy sa loob ng bahay.  Paminsan, minsan pinupuslit ko siya sa loob lalo na kapag wala sina tita.

"Loopy!"  Bati ko sa kanya.  Kakawag-kawag ang buntot niya pagkakita sa akin.  "Paamoy nga...ambantot mo!  Washington day natin, Loopy.  Pero jojogging muna tayo sa labas ha.  Masyado ka nang napipirmi dito sa bahay.  Kain ka na lang ng kain, wala ka nang running time." Tinitgnan lang ako ni loopy at naglilikot sa braso ko.

"Ang harot mo!" Natatawa ako sa kanya.  Sadyang nakakalimutan ko ang mga problema ko kapag kasama siya.  Hay..

Hindi masyadong maaraw sa labas, kaya magsarap mag-jog kasama si Loopy.  Napaharot na aso, parang nakawala sa pagkakakulong.  Kumakaripas ng takbo kung saan-saan.  "Loopy!"

Napakabilis naman ng asong yun.  Sinundan ko ang lugar na nilikuan niya pero hindi ko na siya nakita.  Asaan na kaya yun?

"I believe he is yours?"  Napalingon ako sa boses na narinig ko mula sa likod ko.  Tall, fair, with cute smile.  Mayroon siyang camerang nakabitin sa leeg niya.  Pwede.  Medyo gwapo kung tutuusin.

A Wife for a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon