Chapter 14

77.1K 1.1K 27
                                    

GEORGE

I don’t feel married. 

I have a gorgeous ring on my finger, I even signed the marriage contract as Georgina Vera-Perez, but still I feel unmarried.  My husband is away on a business trip sa Sweden for two weeks.  Hinatid niya lang ako sa bahay at sinabing doon ako maghintay.  Biruin mo bagong kasal pa lang kami, trabaho na agad ang inaasikaso?  I feel abandoned.  Unwanted.

I am Mrs. Vera-Perez.  Natatawa lang ako kapag naiisip yun.  Pero pakiramdam ko pa rin wala akong asawa.  Anong klaseng honeymoon mayroon kami?  Ni hindi man lang uminit ang kama.  Kung may nanonood sa mga ginawa namin noong honeymoon, malamang, naghikab na sila o natulog—wala kasing thrill.

We spent five days there at walang nangyari.  Ang tagal ko pa namang pinangarap ang wedding night ko na nauwi sa nga-nga.  Nga-nga mode ako ng limang araw.  Fine, I enjoyed our time on the gondola and our helicopter ride, witnessing the Grand Canyon.  Pero yun lang.  Most of the time, occupied siya.  Kapag magkasama kami sa kwarto, palagi siyang nasa harap ng computer niya o kinakausap ang mga empleyado niya through phone.  Bihira niya akong tignan.  Ganun ba ako kapangit o kataba?  Hindi ko man lang nafeel na attracted siya sa akin. 

Mukha ba akong bakulaw?  Kung ayaw niya sa akin, bakit ako pa ang napili niyang maging wife for a year?

Alam kong nasa agreement namin yun.  There will be no sex.  Sabi nga nilaa, no intimacies, no sex—means no complications.  Pero bakit nabobother ako?  Gusto ko bang mapansin niya ako?  I am no more than a hired wife.  Nothing else.

Idinantay ko ang ulo ko sa malambot na unan.  It is nice to be back in my old room.  Ayokong lumipat ng ibang bahay.  Sabi niya sa akin, kailangan namin tumira sa iisang bahay para mas maging convincing para sa lola niya na mag-asawa kami.

Pero ayokong umalis ng bahay.  Gusto kong mamalagi dito kasama sina tita Imee, tita Dors at si Loopy.

Wala naman akong choice kasi yun ang nasa agreement namin.  Ano pa bang magagawa ko?

Lahat ng tao kinumusta ang honeymoon namin.  Tinanong sa kin ni Chantal kung masakit at nanghihingi ng details.  Natawa na lang ako.  Hindi ko masabi nga-nga mode ako.  Ganun din ang mga tiyahin ko, nanghihingi ng pictures sa wedding day namin.  Tinanong kung saan kami kinasal at saan ginawa ang reception.  Hindi ako makapagdetalye dahil malaking kahihiyan kung sasabihin kong si Elvis ang nagkasal sa amin.  Ano ba namang kalokohan yun?  Muntik na ako ng humagalpak ng tawa nang magbilang sila ng buwan dahil ina-anticipate na nila kung kailan ako mabubuntis.  Excited na raw sila magka-apo sa akin.  Dapat daw araw-araw para makabuo raw kami.  Napailing ako sa kanilang dalawa. 

Hindi nga kami umabot sa second base—home run pa kaya?  Paano naman ako bubuo ng baby kung mag-isa lang ako?  Kung amoeba ako, pwede akong reproduce mag-isa.  Hay naku, sari-sari ka, George…

Tumayo muna ako ng higaan para tignan si LoopyIlang araw na ring hindi kami nag-eexercise.  Pagkatapos noon, pakakainin ko siya at paliliguan.

Kahol ng kahol at energetic si Loppy nang makita ako.  Tumakbo siya sa akin at nagsimulang mag-harot.  “Miss mo ba ako, bhe?”  Mukhang masayang masaya siya nang makita ako.  Sinisiksik niya ang sarili niya sa akin.

“Ang harot mo na naman.”  Kahol ng kahol at sinisiksik niya ang sarili sa akin na parang naglalambing.  Kinuha ko ang lalagyan niya ng pagkain at kumuha ng makakain niya.  Nilagay ko ang pagkain sa harap niya at nagsimulang kumain.  Ngumiti na ako nang umpisahan niyang iwag ang tail niya.

“Bhe, run tayo ha.  Binubundat ka ni Tita Dorothy.  Baka mapagkamalan kang biik kaysa aso.  Kinakagat kagat niya ang darili ko nang hawakan ko ang ulo niya.

A Wife for a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon