GEORGE
Pangatlong beses na akong nakakapasok sa mansyon ng mga Vera-Perez pero naliligaw pa rin ako sa loob nito. Kung hahayaan ako ni Pavlo na libutin ang buong mansyon, tiyak na mawawala ako sa loob. Ilang tao kaya ang naglilinis ng mansyong ito? Hindi pwede ang simpleng walis-walis lang. Lalo na sa second floor dahil fully carpeted ito. Nanguna si Pavlo papunta sa dinning area. Doon ko nakita ang doppelgänger nya.
Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakilala sa akin ni Pavlo si Nicholas Vera-Perez. Hindi mapagkakaila na mag-ama sila. Magkamukha sila lalo na sa hugis ng mukha at mga mata. Salt and pepper ang buhok niya at nababakas ang kaunting wrinkles sa mukha. Ganoon din sa ngiti, maliban sa dimples. Siya ang pinatandang version ni Pavlo. So kapag nag late 50s si Pavlo, alam ko na ang magiging itsura niya.
Pareho rin silang tahimik at hindi palakibo. Wala ni isa sa hapag ang nagsasalita. Pati na rin si Doña Lucinda, tahimik sa upuan niya. Hindi ako makapaniwala na nasa birthday dinner ako. Mas masaya pa ang usapan sa lamay kaysa sa hapunang ito. Ang tanging mariririg mo ay ang pagkilansing ng mga kubyertos.
Sino ba naman ang hindi mananahimik? Para kaming nasa loob ng sari-sarili naming mundo. Tinignan ko si sweetcakes na nakaupo sa harap ko. Tahimik niyang tinitignan ang salad na nasa plato niya. Kulang na lang matunaw ito dahil mahigit sampung minuto na niya itong tinititigan. Ang daddy naman niya tinitignan ang alak sa kopita niya. Ganun din si Doña Lucinda. Mamaya magiging tubig na ang alak sa kakatitig nila. Mas masaya pa sigurong tumambay sa dirty kitchen kaysa sa dinning table na ito. Tinikman ko ang pagkaing nasa plato ko. It is pasta in white sauce and beef. Parehong matabang. Sa laki ng bahay nila, pambili ng asin, wala.
“Have you talked with Mr. Kennaman regarding M/V Palunirus?” tanong ni Doña Lucinda sa apo niya.
“Yes,” maikling sagot ni Pavlo. Bumalik na naman niyang titigan ang plato niya matapos sagutin ang tanong ng Doña. Mabuburo ako sa ganitong usapan. Kanina pa ako nabibingi sa katahimikan. Nagpaalam ako at sinabing pupunta ako sa banyo. Sa totoo lang, gusto kong tumakas sa tahimik na awkward moment sa dinning table. Pagsilip ko sa may malaking hall, nakita ko si Miss Angela na lumilibot sa may estante. Nakasuot siya ng gray dress at nakapusod ang buhok. Para siyang lady general sa Schindler’s list. Kahit alam kong mabait siya, natatakot pa rin akong kausap siya.
“Miss Georgina, how may I help you?”
Tumingin ako sa paligid. “Uhmmm… I was looking…for…uhm…bathroom?” Hindi ko talaga alam kung saan pupunta. Gusto ko lang makalayo sa dinning area dahil batum-bato na ako sa kakatitig ng mga tao sa plato at kopita nila.
“Are you sure my child?” nakangiti niyang tanong sa akin. Umiling lang ako. Sa tingin ko alam na niya kung bakit ako umalis ng dinning area.
“Was it because of the food or boredom with the people in the dinning area?” Ngumiti lang ako sa kanya. “Both, I am afraid.”
Malalim ang buntong hininga ni Miss Angela. “Luigi should be kept away from the kitchen. He has no idea about making a decent food.” Matindi ang lasa ng baka pati na noong sauce. Parang pagkaing pang-ospital.
“Too bad, the people there didn’t entertain you. You may have found out that they are a bunch of scintillating conversionalists.” Yun lang ang problema kapag kinakausap ko si Miss Angela, hindi ko maarok ang English niya most of the time. Ramdam niya na tumatakas ako sa dinner namin.
“How do you feel about being married?” bigla niyang tanong sa akin.
“It was great,” nakangiti kong sagot sa kanya. Parang hindi siya convinced sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
A Wife for a While
General FictionIf you have read The Savage Casanova, you would meet Pavlo Vera-Perez, and this is his side story. Annoyed at his grandmother’s medieval scheme to claim his inheritance, Pavlo Vera Verez—the most sought bachelor needs to find a wife—fast. A perfect...