Chapter 16

83.5K 1.1K 28
                                    

GEORGE

 

Minsan napapangiti ako kapag nakikita ko siyang nasa kusina at naghahanda ng makakain namin.  But this morning is different.  Nakakatakam ang amoy na nanggagaling mula sa kusina.  Bawat hakbang ko papuntang kusina, sige ang pagkalam ng sikmura ko.  Ang sarap talaga ng amoy.  Nakita kong nakahanda na ang agahan namin.  May hinihiwa pa siya sa may kitchen counter.  His hair is neatly combed.  He is wearing a white apron over a brown tshirt.  Minsan gusto kong kurutin ang sarili ko.  Kinasal ako sa lalaking pinagpapantasyahan ko noon.  Hindi lang siya gwapo, mayaman pa at higit sa lahat, magaling magluto.

I wonder kung pinagluluto niya ang iba niyang naging girlfriends.

“Good morning, George,” bati niya sa akin.  Pinunasan ko ang gilid ng labi ko baka makita niyang nagalaway ako sa kanya.

“G-Good morning.” Sabay ipit ng buhok ko sa likod ng tainga.  Aw—anlande lang peg ko.  Jezkelerd—kung ito ba ang bubungad sa umaga ko, laging may ngiti sa labi ko.  Tamez ng buhay, George!

 

“Wait for a while, George.  Just sit.  I am still preparing our fruits.”  Kahit ikaw na lang dessert ko, okay na sa akin.  Hamaygass…

He is so charming and pleasant in the morning. Napabuntong hininga ako sa kagwapuhan niya.  Sana lang huwag akong masanay sa ganito.  Anak ng tipaklong, bahala na si batman.

“There, breakfast is ready.”  Sabi niya nang nilapag niya ang prutas sa hapag kainan.  Kung kanina takam na takam ako sa amoy ng mga niluluto sa kusina, parang mas masarap kainin ang  mismong chef sa kagwapuhan niya.  Hindi ko maiwasang hindi ngumiti.

“This is loukanico—a Greek sausage.  My yiayia likes this very much.  Let’s eat.”  Amoy pa lang ng pagkain, busog na ako.  Sa table namin may longganisang Griyego, sinangag at sunny side up.  Nagprepare din siya ng coffee para sa amin.

“You know what, you will love Ellinikos—Greek coffee.  Kapag bumisita tayo ng Agapi Nisi, I will let you taste it.

“Okay.  Kahit anong kape patok sa akin.  Masaya na ako sa Pan de Manila, café leche.”  Kumuha ako ng kanin, ilang slices ng sausage at ilog.  Tinikman ko ang ipinagmamalaki niyang Loukaniko.  Ang sarap.  Lalo na noong sinamahan ko ng sinangag at itlog. Kakaiba ang lasa sa longganisang Pilipino.

“What do you say?   You like it?”

Napatango ako sa kanya at napangiti.  “Alam mo, kung lagi mo akong pakakainin ng ganito, magiging kasinlaki na ako ng aparador.” Napahalakhalak ako.  Napailing naman siya sa akin.

I had my second serving.  Sarap talaga.  “Kakaiba ang lasa niya.  I like it.”

“Good to know.  I plan to go to Agapi Nisi—our private Island in Greece, I will show you my favorite place on earth.”

Napataas ang kilay ko at napalunok ng kinakain ko.  “Ang astig naman ng favorite spot mo, sa Europe pa.”

A Wife for a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon