Chapter 27

72.2K 1K 44
                                    

GEORGE

 

Kapag nagkukulang ang tao ni Chantal, pinagtiyatiyagaan niya akong maging cashier sa café niya.  Ito na lang ang pinapapagawa niya sa akin dahil wala akong pag-asang maging barista.  Malulugi raw siya sa dami ng palpak na orders na ginagawa ko.  Ngayon, si SJ, ang nag-iisang barista sa café, samantalang si Chantal at ng isang waitress ang nag-aasikaso sa mga customers.

“Haish!”  ani ni SJ habang minamaniobra ang espresso machine.

“Do you need help?”  tanong ko sa kanya habang nakikita ko siyang nakakunot ang noo sa harap ng machine.

“No,” masungit na tugon niya.  May binulong din siya na hindi ko maintindihan.

Si Sujin Kim ang Koreanang staff ni Chantal sa café niya.  Pamangkin ito ng kasosyo ni Chantal sa café niya.  Magaling itong gumawa ng kape.  Tinanong ko kung saan siya nakakuha ng mga techniques, kumibit balikat lang siya at tinalikuran ako. 

Hindi ko malaman kung anong galit niya sa akin.  Samantalang noong una siyang pinakilala ni Chantal , napakabait nito at palangiti.  Bigla na lang nagbago ang pakikitungo niya sa akin.  Ano ba ang problema niya?

Maya-maya, nagulat ako sa lalaking pumasok ng café.  Isang matamis na ngiti ang binigay niya sa akin—gaya ng ngiti ng anak niya.  Nilapitan siya ni Chantal at dinala sa isang espesyal na upuan.  Nilapitan ako ni Chantal at sinabing siya na lang raw ang tatao sa cashier.  “Lapitan mo si Tito Nick.  Binibisita ka ata ng biyenan mo.

“Ano naman ang sasabihin ko sa kanya?”  kinakabahang sagot ko.  Napakunot ang noo ko habang  sinisipat ang kinaroroonan ng biyenan ko.

Kumibit balikat si Chantal.  “Ewan.  Puntahan mo para magbigay pugay sa kanya.”  Inirapan ko si Chantal.  Ano naman ang sasabihin ko kay Nicolas Vera-Perez?  Huminga ako ng malalim ang pumunta sa kinaroroonan niya.  I can see the resemblance between he and Pavlo.  Pareho ang hugis ng mukha, ang ngiti, maliban sa dimples.  Pati ang paraan ng pananamit nila, magkatulad.

“Hi, Mr. Vera Verez,” kinakabahang bati ko sa kanya.

“Georgina, hi!” Tumayo siya at winelcome ako.  “I can’t believe I will see you here in Chantal’s café.”

“I am just helping my best friend.  Kulang po kasi siya ng staff ngayon, kaya po nagduty po ako ngayon pra tulungan siya—for free.”  Mukha lang akong tanga nang idagdag ang word na free.  Napaka-awkward ng reply ko sa biyenan ko.

“I see.  Good to hear that.  I guess, she is indeed lucky to have a supportive friend like you.”

-A-

Seeing his daughter-in-law, lightened up his mood.  She was wearing a simple shirt and faded jeans, with her hair pinned in a neat phony.  She wore no make up, just a sweet smile that brigtens any man who would set eyes on her.

Nicholas felt envious when he met his son’s wife.  She looks young and vibrant, especially when they were introduced in the mansion.   It made him painfully aware of his own age.  Though he didn’t need a walking stick yet, but he could feel the signs of aging, pains in every joint and the fact that he couldn’t keep up with his young mistresses when it comes to bed.  He shook his head, irritated by the maudlin tum of his thoughts. There were moreimportant things to focus on at the moment.

A Wife for a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon