GEORGE
Baliw na ata ako.
Inisip kong mabuti ang magandang iregalo kay Pavlo sa 31st birthday niya. Nagpasama pa ako kay Lois at Chantal sa pagbili ng ipanreregalo sa asawa ko. Nagulantang ako sa suggestion nila. Sinabihan na nila akong huwag bigyan ng bagay si Pavlo dahil mas mayaman pa ito sa akin. Isa pa, kotse ang hilig niya. Saan naman akong kamay kukuha ng malaking pera pambili ng kotse? Nagustuhan ko ang suggestion ni Lois na isurprise ito sa office at bumili ng magandang lingerie.
Kaya ito ako ngayon, suot-suot ang binili kong black teddy with matching black stockings para sa kanya. Sinabihan rin ako ni Chantal na bilhin ang mahal na trench coat na nakita namin sa mamahaling shop na pinuntahan namin. Muntik ko nang hindi bilhin ang jacket dahil kulang-kulang limampung libo ang coat. Dahil sa kulang ang talent fee ko pambili, kumuha muna ako sa allowance na binibigay niya sa akin buwan-buwan.
Kanina pa ako napaparanoid pagpasok ko ng building. Pakiramdam ko nakikita ng mga tao ang nasa loob ng trench coat. Huminga ako ng malalim at pinindot ang paitaas na button ng elevator. Nabibingi ako sa kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung magugustuhan niya ang surprise ko.
Lalo akong kinabahan nang maraming mga tao ang sumabay sa akin pag-akyat ko. Nakisiksik ako at pinindot ko ang 18th floor. Gusto kong kainin na ako ng lupa sa kahalayang naisip ko para sa asawa ko. Tumingala ako at bumuntong hininga. Ito na ata ang pinakamatagal na pag-akyat ko sa elevator. Pag-hinto sa 18th floor, nakipagsiksikan ako palabas ng elevator. Binati ako ng secretary niya at kinindatan. Napakunot ang noo ko. Alam kaya niya ang binabalak ko sa amo niya?
“Good morning, Mrs. Vera-Perez,” masayang bati sa akin ni Audrey. Hinatid niya ako sa pintuan ni Pavlo. Unti-unti kong binuksan ang pinto ng opisina niya. It is like seeing him for the first time. He is concentrated on the documents infront of him. He is wearing his favorite white shirt rolled up to his forearms, with his gray suit jacjet tossed on the arm of the sofa. His hair is tousled, seemed like he rolled his hair through them. One dark wave follow onto his forehead. He must be the most beautiful man I have ever seen, and he is mine.
For a while for a few months to be exact.
Kinapa ko ang singsing ko, ano kaya ang mangyayari kapag natapos ang kasunduan namin? Huminga ako ng malalim, kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko, malayo pa naman kung tutuusin. Ilang buwan pa kami magsasama. Tuluyan na akong pumasok ng opisina at marahang sinara at pinto. Mabilis niyang itiningala ang ulo para tignan kung sino ang nangahas na mang-istorbo sa kanya. Napawi ang pagkainis nang makita niya akong nakatayo sa may pintuan.
“George.”
He bestowed me one of his best smiles. Ang mga ngiti niyang pang-ulam ang dating. Napapawi tuloy ang takot ko kapag nginingitian niya ako ng ganun. Mukha naman akong tanga sa harap niya. Para na naman akong fan girl eh asawa ko na ang lalaking ito.
Tinignan niya ako na parang nagtatanong kung bakit ako nasa opisina niya. Alam kong busy siya, at walang panahon sa mga ganitong supresa, pero narito ako ngayon at guguluhin ang schedule niya. “I hope hindi ako nakaistorbo sa’yo,” sabi ko sabay hawak sa belt ng jacket ko. “I wish to greet you a happy birthday,” nakangiti kong bati sa kanya. Ngumiti rin siya sa akin at tinignan ang relo niya. Malamang wrong timing nga ako.
BINABASA MO ANG
A Wife for a While
Genel KurguIf you have read The Savage Casanova, you would meet Pavlo Vera-Perez, and this is his side story. Annoyed at his grandmother’s medieval scheme to claim his inheritance, Pavlo Vera Verez—the most sought bachelor needs to find a wife—fast. A perfect...