-A-
Biniyayaan sina George ng kambal na babae na pinangalanan nilang Serafina at Regina. Regina ayon sa lola ni George at Serafina naman dahil sa namayapang mama ni Doña Lucinda.
Raffy at Raegan ang tawag ng mag-asawa sa kanilang kambal. Nakuha ng kambal ang tangos ng ilong at pagkasingkit sa daddy nila.
Dahil sa isa na silang pamilya, napagdesisyunan nilang iwan ang kanilang condo unit at tumira sa naiwang bahay ng lolo at lola ni George. Samantalang ang dalawa niyang tiyahin mas piniling umuwi ng probinsya kahit sabi ni George na wala namang kaso kung sa bahay pa rin sila maninirahan.
"Gutom na ba ang mga babies ko?" tanong niya sa kambal niya. Mahirap mag breast feed ng kambal, pero ginagawa ito ni George every two hours. Kaya wala pang dalawang buwan, pumayat agad si George.
Wala siyang pakielam kahit mapuyat siya sa pagpapakain ng kambal. Si Pavlo naman ang in-charge sa pagpapalit ng mga diapers nila at kung minsan maghugas ng mga bote at gamit ng mga anak nila. Minsan pinipilit niyang magpuyat para sa kambal para makapagpahinga si George.
Dahil sa pag-eensayo, naperfect na rin ni George ang "football" technique—ang pag-bebreast feed ng sabay sa kambal. Itinuro sa kanila ng breastfeeding coach ng hospital.
Napagiti si Pavlo nang makita niya ang kanyang mag-ina sa kanilang kwarto. Hanga siya kay George bilang ina. Ni minsan hindi ito nakaramdam ng pagkapagod sa pag-aasikaso ng kanilang kambal. "Hindi ka ba nahihirapan?" bungad niya.
Agad na ngumiti ang mga kambal nang marinig ang tinig ng papa nila. "Aba, namiss niyo agad ang daddy niyo?" Parehong nagpupumilit lumingon ng kambal para makita ang papa nila.
Tuluyan nang pumasok si Pavlo ng kwarto, kasama ang isang yaya. Kinuha niya kinuha si Raegan mula kay George para padighayin. Pinakarga naman ni George si Raffy sa yaya habang inaayos niya ang kanyang damit. Nang mapansin ni Raffy na nasa bisig ng papa niya ang kapatid, umiyak ito at nag-alburuto. Matapos ayusin ang damit, kinuha ni George ang anak mula sa yaya at pinadighay. Napansin niyang nakaformal suit pa rin ang asawa. Naka-navy blue suit ito habang hawak ang isa sa kanilang panganay. Dati-rati, hindi sumagi sa isip niyang magiging hands-on father si Pavlo. Ngayon, daig pa niya si Ivo sa pagpapadighay at pag-aasikaso sa anak nila.
"Babalik ka pa ba ng opisina? Akala ko magdidinner tayo ngayon dahil first year anniversary natin?" tanong ni George habang tinatapik ng marahan ang likod ni Raffy.
Dumighay ng malakas si Raegan at umpisa na nitong abutin ang ina. Nagpalit muna ang mag-asawa sa paghawak ng mga kambal nila.
"Oo nga," sagot ni Pavlo habang pinapadighay ang isa nilang kambal.
"Bakit hindi ka pa nagpapalit ng damit?"
Napangiti si Pavlo. "May surprise kasi ako."
Nanliit ang mga mata ni George. "Ano naman yun?"
"You will see."
Matapos padighayin si Raffy, kinuha niya ang kamay ni George at dinala ang kanyang mag-iina sa kanilang sala.
Sinalubong sila ng mga kaibiga at kamag-anak. Naroon ang mga tiyahin ni George, sina Chantal at Lois, pati na ang mag-asawang Moira at Ivo, pati na rin sina Iñaki at Xavina. Namataan rin niya si Ian at ang mysteryosong babaing kasama nito. Naroon din sina Donya Lucinda, Miss Angela at ang daddy ni Pavlo.
"Anong nangyayari? Bakit ang dami nating bisita?"
"Surprise!" bati ni Yen sa kanila habang hawak nito si Loopy.
"May party ba ang anniversary natin, sweetcakes?" tanong ni George sa asawa. Ngingisi lang ang mister niya sa kanya.
"Let me hold my grand daughters. Ang gaganda nila, mana sa kanilang lola sa tuhod." Kinuha ni Doña Lucinda ang isa sa mga kambal at kinarga naman ni Miss Angela ang isa.
"Swerte ako dahil nakita ko pa ang mga apo ko sa tuhod kay Pavlo," sabi ni Doña Lucinda.
Hinawakan ni Pavlo ang kamay ng misis niya. "Nandito sila para sa isang wedding."
Nagtaka si George at tinignan ang mga taong nasa paligid niya. Wala naman siyang nakikitang ibang pares sa room kundi si Ian kasama ang kaibigan niyang babae at sina Iñaki at Xavina.
"Wedding nino?"
"Wedding natin."
Napatitig si George sa asawa. "Alam kong nanganak ako ng kambal, at naubusan ng kaunting brain cells, pero ang pagkakaalam ko, kinasal na tayo, dalawang beses pa nga."
Hinalikan ni Pavlo ang noo ng asawa dahil kanina pa niya itong napansing nakakunot. "Noong unang kinasal tayo, kaharap natin si Elvis. Maraming mga nagtampo dahil hindi nila nakita ang wedding natin. Marami ring hindi nakapunta sa Agapi Nisi noong nagpakasal tayo roon last year. Kaya mula ngayon at sa mga sususnod pang anniversary natin, ikakasal tayo sa bawat isla ng Pilipinas. Ilang islands ba meron ang Pilipinas?"
"High tide or low tide?" biro ni George. "Seven thousand, one hundred seven islands."
"Be ready to get married for seven thousand, one hundred seven times."
Niyakap ni George si Pavlo. "Buhay pa kaya tayo noon?"
He kissed his wife in front of everyone. "I told you, forever is a long time."
-FIN- (FINISHED REVISED/EDITED 150421_
BINABASA MO ANG
A Wife for a While
General FictionIf you have read The Savage Casanova, you would meet Pavlo Vera-Perez, and this is his side story. Annoyed at his grandmother’s medieval scheme to claim his inheritance, Pavlo Vera Verez—the most sought bachelor needs to find a wife—fast. A perfect...