Chapter 32

84.8K 1.1K 39
                                    

GEORGE

 

“Hindi alak yan, George,” sabi sa akin ng kaibigan ko habang iniinom ang baso ng juice.  Dalawang linggo matapos akong bisitahin ni Pavlo sa café.  Hindi ko pa rin siya kinakausap.  Maraming beses siyang sumubok na kausapin ako, pero ako lang umaayaw.

“Ano?”

Wag mong laklakin yang pomelo juice baka maging pink ang inaanak ko.”  Napatitig ako sa baso.  Ano na ang gagawin ko?  Sabi ng doktor, baka raw kambal ang anak ko.  Dalawa ang heartbeats na narinig mula sa sonogram.  Ano na ang gagawin ko?  Pilay na nga ako sa isa, paano pa kaya kung dalawa?

“Chanz, mga inaanak.  Sabi ni dok, baka raw kambal ang anak ko.”  Tinititigan ko pa rin ang baso.

“That is great news.  Sinabi mo na ba kay kuya Pavlo?  Kinausap mo na ba?”  Imbes na sagutin ang sagot niya, hinayaan kong tumulo ang luha ko. Hanggang ngayon, masakit pa rin ang mga sinabi niya, pero namimiss ko siya.  Namimiss ko ang mga umagang kasama siya.  Ang mga kwentuhan namin kung gabi at kung anu-ano pa.

Pumunta siya sa tabi ko ang hinimas ang likod ko.  “Girl, tigilan mo ang pag-iyak, hindi yan maganda sa baby mo.”

“A-Ang sakit pa rin eh,” sagot ko habang pinupunasan ang luha ko gamit ang binigay niyang tissue.

“Bakit mo kasi siya tinitikis?”  Hikbi lang ang sinagot ko sa tanong niya.

“Girl, hindi ka naman magkakaganyan kung hindi mo siya mahal.”

“Chanz, mahal ko siya.  Mahal ko pa rin siya.  Pero napagod ako.”  Tumayo siya at pumunta ng bar para kumuha ng magrefill ng iniinom naming juice.

Pagbalik ng table, inabot niya sa akin ang baso ko.  “Girl, di ba ang sabi nila, ang totoong nagmamahal, hindi napapagod?”

“Try mo kayang mahalin ang isang Pavlo Vera-Perez, ewan ko lang kung hindi ka mapagod,” sagot ko habang pinupunasan ang luha ko.

Kinuha niya ang baso niya at uminom ng juice.  “Sabi nga sa librong nabasa ko, matatapang ang mga taong nagmamahal at hindi sila nagsasawa.  Mas pinipili nilang magpatawad kaysa tikisin ang mga taong mahal nila.

Napatingin ako sa kanya.  “Saan mo naman nakuha ang mga hugot lines mo?”

“Kung saan, saan.  Girl, tigilan mo na ang pagmumukmok mo.  Kausapin mo na si kuya.  Ayusin niyo ang relationship niyo.”

Bumuntong hininga ako.  “Nagkamali ata ang wishing well sa pagbibigay ng guy para sa akin.”

“Girl, hindi naman totoo ang pag-wiwish sa balon na yun,” natatawa siya habang nakatingin sa akin.  “Sinet up namin ni Lois yun para makamove on ka na sa ex mong con-artist.”

“So, hindi pala totoo yun?”

“Hindi.  Palabas lang namin yun ni Lois dahil wasak ka noon sa JB na yun.  At doon ko narealize na si kuya Pavlo pa rin ang laman ng puso mo.”

A Wife for a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon