Chapter 10

95.1K 1.2K 19
                                    

GEORGE

Hindi ako mahilig umattend  ng party.  Dahil na rin siguro sa trabaho ko at nabobored ako sa party lalo na kung hindi ko kilala ang mga tao roon.  Sa mga tiyahin ko, si Tita Dors ang mahilig sa mga gathering.  Si Tita Imee, wala kang maasahan.  Mahilig siya sa bahay—gaya ko.

It is Saturday.  Araw na mameet ko ang lola niya at iaannounce ang engagement namin.  Kasama rin doon ang Casino Event, kung saan dapat akong magsugal.  Sa lahat, yan ang pinaka-ayaw ko.  Malas sa buhay ang gawaing yan.  Pero dahil sa kailangan, wala akong magagawa.

Bago kami pumunta sa event, pumunta muna ako sa shop ni Xavina.  I need another gown.  Sinabi ko kay Pavlo lumang gown na lang ang susuotin ko, pero ayaw niya.  Kaya wala akong nagawa kundi ang sundin siya.

Simple tube white gown ang pinasuot sa akin.  I feel different dahil hindi ako sanay na nagsusuot ng gown.  Feeling ko, I am a bug under a microscope dahil lahat ng mata nasa akin.

But when he looks at me, I feel different.  I am like a million bucks—well I am.  I cost ten million pesos, remind ko sa sarili ko.  Isa pa, palabas lang ang lahat ng ito—hindi totoo.

It was just a short ride from my place to the Casino Event.Pagbaba, inoffer niya ang kamay niya para sa akin.  He is on his gentleman act now.  Pagpasok namin sa hall, flashes ng camera ang sumalubong sa amin.  Pinilit kong ngumiti kahit ngawit na ngawit na ang mukha ko.

Act as if you adore me,” paalala niya sa akin.  I knew he would say that.

 “Ngumingiti na nga di ba?”  I muttered habang nakangiti ako.  Sakit na ng mukha ko.

“Try harder,” sabi niya sabay kaway sa photographers—parang artista lang.  Napangiwi lang ako.  Kailangan ba talaga ganito?

“I said smile,” he muttered at me.  “Be a good actress for goodness sake.”

Kahit ngawit na ang pisngi ko, pinilit ko pa ring ngumiti.  “Nakangiti na nga di ba?”

“That's a grimace, George.  Be convincing.”

“I am trying to.  It is just, I am in pain,” sagot ko sa kanya.  Totoo naman.  Ang sakit na ng mukha ko kakangiti sa mga taong di ko naman kilala. 

Tumingin siya sa akin na parang nag-aalala. “Sorry, are you all right?  Am I hurting you?”

“No—but if you would consider a mental pain,”mabilis kong sagot.  Narinig ko siyang may binulong. 

“Ano?”  Ngumiti lang siya sa mga tao at hindi ako sinagot.

“Pavlo, nice to see you at last,” bati sa amin ng isang babae.  Niyakap niya si Pavlo at hinalikan sa pisngi.  Ganun din si Pavlo.  Mukhang masayang- masaya siya nang makita ang babae.    Pinipilit kong huwag tumaas ang kilay ko sa babae, pero hindi ko mapigil.  Huwag kang feeling official fiance, George.

Kulay dark brown ang hair niya at magaganda ang mga mata—parang pusa.  Hanep talaga si sweetcakes, lapitin ng magagandang babae.  Mapapalaban ako nito panigurado kapag naging mister ko siya.  Good luck sa akin.

“Pavlo, oh my,” sabi nung babae habang nakatingin sa akin.

“So sorry, pasensya, I made you uncomfortable,” nakangiting sabi nung babae.  “You must be Georgina—Pavlo’s fiance.  He is indeed a lucky goat,” sabi niya habang nakatingin kay Pavlo.

By the way, I am Moira Dela Rosa,” sabi niya sabay extend ng kamay.

“She is happily married to my best friend, Ivo dela Rosa.  As a matter of fact, they are expecting their second baby,” sabi ni Pavlo.  Wow.  She is the woman who trapped the infamous Savage Casanova.  Hindi ko napansin na buntis pala siya.  Pero still, radiant pa rin.  Sino ba naman hindi maiinlove sa ganda niya?  Maski ako natotomboy sa kanya.

A Wife for a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon