Chapter 21

88.1K 1.1K 34
                                    

GEORGE

 

Napangiti ako habang nakadungaw sa bintana ng eroplano.  Hind ako makapaniwala na maghohoneymoon kami sa pinagmamalaki niyang Agapi Nisi ang lupa nila sa Greece.  Hindi ko na inexpect na magkakaroon ulit kami ng honeymoon dahil akala ko tapos na kami doon ilang araw na ang nakakaraan.  Plus ang honeymoon…ay magpagkaromantic.  Our marriage is more of a business arrangement.  Marami kaming pagpapanggap na ginagawa lalo na noong pumunta kami sa bahay ng lola niya at nakaharap ang mayor doma nilang nakapag masters sa English.  Marunong akong mag- English pero namangha ako kay Miss Angela.  Katulad niya magsalita ang teacher namin sa English noong nasa school ako.

Si Miss Angela ang nakapuna sa pagiging trying hard namin bilang mag-asawa.  Kaya naman biglang nagyaya si Pavlo na pumunta ng Agapi Nisi.  Aaminin ko nalungkot ako nang maisip ko yun dahil sa nangyari sa amin noong nakaraang gabi.  Akala ko mag-iiba ang pagsasama namin dahil doon.  We are still acting as married love team na may time limit ang pagsasama.

Itinuon ko ang sarili ko bakasyong kakaharapin ko.  First time kong makakapunta sa Greece habang nakasakay sa isang private plane kasama ang asawa kong nakalibing sa paperworks niya.

Magkasalubong ang mga kilay niya habang inaaral ang mga papel sa harap niya.  Mukhang mga reports galing sa pag-aaudit at kung anu-ano.  Or Hull cleaning report for seaworthiness.

Naalala ko tuloy ang dati kong trabaho.  Nakakamiss magdive.  Magpicture at magcut ng mga bakal sa ilalim ng tubig.  Kahit mahirap at di biro ang pagbabalanse ng hangin sa ilalim dagat, masarap pa rin lalo na kapag nagiging instrument ka para makapaglayag sila ng matiwasay.

Sana pagkatapos ng agreement naming, makabalik ulit ako ng work.  Pero sa laki ng tatanggapin ko mula kay Pavlo kasama ng mga allowances niya, malamang magtayo na ako ng sarili kong kumpanya.

Per gusto ko pa rin magtrabaho kasama ang mga kasamahan ko, lalo na si Chief.  Hinipo ko ang singsing na nasa daliri ko.  Dahil sa maliit na piraso ng alahas na ito, magiging mayaman ako.  Kailangan ko lang magbilang ng isang taon.

Isa sa malaking problema ko ang paggastos sa allowance kong tinatanggap buwan-buwan.  Paano ko gagastusin ang bente mil ng isang buwan kung pagkain at pangagailangan lang ni Loopy ang binibili ko.  Minsan naguguilty ako sa perang nakalagay sa bank account ko.

Kung nagtatrabaho pa rin ako sa diving excel, malamang sunog na ako sa kakadive, di ko pa naachieve ang perang nasa bank account ko ngayon.  Parang kalian lang nangarap ako magkaroon ng ganitong pera.  Pero ngayon nagkaroon na ako, ang problema ko naman kung paano ko gagastusin.  Gusto niyang bumili ako ng damit.  Ang isa sa pinakaayaw ko ang bumili ng damit.  Simpleng damit lang naman ang gusto ko at hindi mga magagarang gown na pinasusuot sa akin kung may okasyon.  Nababuntong hininga ako at kumunot ang noo ko nang maisip ang mga bagay na yun.  Maya-maya,  nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

“Wag kang mag-alala,” sabi niya sa akin habang nakalapit siya sa tainga ko.  “ I have it on the best interest that this pilot hasn’t crashed a plane yet.” Napatawa lang ako sa sinabi niya. 

Hinawakan at pinisil ko ang kamay niya.   “Mabuti naman,” sagot ko.  Naging pamilyar na ako sa gamit niyang pabango.  Mas malakas pa sa engine ang pagtibok ng puso ko.  Sumabay pa ang moments namin noong nakaraang gabi.  Jezkelerd!  Napalunok ako.

A Wife for a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon