GEORGE
Hindi pa alam nina tita Imee at Tita Dors na ikakasal na ako. Paniguradong magkakaroon na naman ng sermon ng walang pari sa bahay. Hindi nila magugstuhan ang gagawin kong pagpapakasal ng dahil sa pera. Mauungkat na naman ang katangahan ko sa pag-ibig. Hay naku naman!
Ngayong napapayag ako sa agreement namin, feeling ko ipinagbebenta ko ang sarili ko. Pero hindi. Mas mahalaga ang bahay dahil pamana ito ng mga lolo at lola ko. Pero yun lang ba ang dahilan ko?
Kung nakikita man ako ni mama at papa, tiyak na hindi sila magiging masaya. Hindi ko na kailangang magpakasal para maisalba ang bahay namin. Sana lang talaga hindi nila ako maagang iniwan.
Ilang araw matapos kong pirmahan ang kontrata, nagpadala si Pavlo ng bagong phone—Blackberry. Ang klase ng phone na hindi ko alam gamitin dahil nasanay akong BAR phone lang ang gamit. Pinadala niya ulit kay Mr. Santos. Instructions niya daw ng boss niya na palaging icheck at Evernotes.
Dahil caveman ako, hindi ko alam gamitin. Nagkaroon pa kami ng Techie session ni Mr. Santos. Buti na lang mabait at mapagpasensya si sir. Matiwasay kong naintindihan ang paggamit ng lintik na blackberry na ‘to.
Pagbukas ko ng Evernotes, nakita ko ang mga gagawin namin. First sa list, ang gala sa ESDA Shangrila Plaza, Isla Ballroom. Friday at 9:00pm. Dress code: Formal.
Anak naman ng baka. Saan ako hahalungkat ng formal gown? Pumunta ako ng kwarto at namili ng damit. Naisip kong isuot ang pink dress ko na galing UK—ukay-ukay. Dahil nasuot ko na ang Titanic gown ko noong Ship Renaming ceremony. Wala akong matinong gown at at hindi ako mahilig magpupunta sa pormal na okasyon. Sari-sari naman tong si sweetcakes. May paformal formal dress code pa.
Nagshower muna ako at nagbihis. Nine o’ clock pa ang party, may time pa akong mag-make-up. Pero at at 7:30, may biglang kumakatok na sa pinto. Sinilip ko muna kung sino ang kumakatok, isang lalaki na naka dress to kill. Hindi halatang bodyguard.
“Miss George, pinapasundo po kayo ni sir,” sabi niya sa akin at sabay tingin sa suot ko. “Kailangan daw po nakagown kayo.”
Napataas ang kilay ko kay kuya. Ano ba ang tingin niya sa suot ko? “Kuya, nakagown na po ako.”
“Pinapupunta niya po kayo sa isang stylist.”
Umandar na naman ang pagiging controlling niya. Ultimo pag-aayos at damit ko, dapat kontrolado niya. Naku naman. Tama ba itong gagawin ko?
Smooth magdrive si kuya. Neil daw ang pangalan niya. Pamangkin daw siya ni Mr. Santos at matagal nang driver sa Vera-Perez Shipping.
“Hindi po nagpapadrive si Sir Pavlo,” matipid na sagot ni kuya. Sadya lang bang nahawa na kay Pavlo ang mga tao niya? Mahal ang mga salita sa kanila kaya tinitipid nila ‘to?
Tumigil ang sasakyan sa isang shop sa may Makati. Nanatiling nasa loob ng sasakyan si Neil. Tinignan ko ang shop. Mukhang sosyalan ang botique. Tinignan ko ang sarili ko, mukhang hindi ako bagay pumasok dito.
BINABASA MO ANG
A Wife for a While
General FictionIf you have read The Savage Casanova, you would meet Pavlo Vera-Perez, and this is his side story. Annoyed at his grandmother’s medieval scheme to claim his inheritance, Pavlo Vera Verez—the most sought bachelor needs to find a wife—fast. A perfect...