GEORGE
Tama ba ang gagawin ko? Dapat ba akong magpakasal sa lalaking pinapangarap ko kahit noong dati pa? Kung nasa panaginip ako, ayoko nang magising. Pero ang magiging marriage namin, hindi pangkaraniwan.
It will be a marriage of convenience. Eto na naman ako, papasok sa isang bagay na alam kong masasaktan ako. Pero anong magagawa ko? Kailangan kong gawin ito para maisalba ang bahay na iniwan ni lolo at lola sa akin. Ito na lang ang natitirang alaala nila. Ayoko rin mailit ito ng bangko dahil kawawa naman sina Tita Imee at Tita Dors. Kahit pakielamera at mahadera ang dalawang yun, sila pa din ang natitirang pamilya ko. Ang tumayong magulang ko noong maulila ako sa mga magulang at lolo at lola ko.
Kawawa din si Loopy. Mawawala ang kwarto niya. Maiiwan ko siya kapag nagpakasal ako kay sweetcakes. Napabuntong hininga ako. Anebenemen to? Biglang may kumalabog sa pinto ng kwarto ko.
“George! Dali at bumaba ka! May bisita ka, gwapo! Mas gwapo kay JB! Teka, may anak na ba yun?” Si Tita Dorothy, hyper na naman. Palagi siyang hyper kapag nakakakita ng gwapo.
“Wala ho,” sagot ko habang yakap ko ang unan ko. Napakunot ang noo ko. Hindi ba nila nakikilala si Pavlo? Sabagay hindi pa siya napapadpad sa amin—palaging si Chantal lang.
“George, hoy bata ka. Gising na! Ang gwapo at ang ganda baga ng kotse! Mayaman ba yun?” Tanong naman ni Tita Imee mula sa labas.
“Siguro,” naiinis na sagot ko. Ano ba naman, ang aga-aga eh.
“George, ano ba?! Bilisan mo. Bangon na!”Bumangon na ako, nagkamot ng ulo at nilamukos ang mukha ko. Arrrghhhh!
Pagbukas ko ng pinto, pareho silang nakatitig sa akin ng masama. “Nagmamadali mga, tiyang? May meeting?” Pilosopo kong tanong sa kanila.
“Ikaw bata ka, hindi ka alisto. Baka umalis kagad yun.”
“Eh di umalis siya. Natutulog pa ho ako,” nayayamot kong sagot.
“George,” mahinahong sabi ni Tita Imee, “huwag kang ganyan. Kung ayaw mo sa kanya, akin na lang sana pero Chang na ako ng poging yun.”
Pogi nga siya, walang pasubali dun. Pero inaantok pa ako. At wala ako sa mood pag-usapan ang kasunduan namin. Inaasahan ko kasi na makakalimutan niya yun. Tatlong araw na kasi ang nakakaraan. Linsiyak na Chantal, nilagay pa ako sa alanganin. Ano bang gulo ang pinasok ko?
Pagpunta ko sa sala, nakita kong may kinakalikot siya sa cellphone niya. In fairness ang gwapo talaga siya. Nakasuot siya ng blue polo at slacks. Nakaayos rin ang hair niya—perfect. No part of him is imperfect. TL ako sa kanya—tulo laway sa kagwapuhan niya. Mas gwapo naman talaga siya kaysa kay JB, obviously. I thought dahil matagal na ang nakakaraan bago ko siya makita ulit. Akala ko magiging immune ako. Hindi pa pala. Anebe, George!
Siguro nga, effective ang mga spells sa book ni Cherry, kasi nakakalimutan ko na si JB. Ganun din ang wishing well sa Tagaytay dahil nakita ko ulit Sweetcakes. Pero may sablay—hindi totoong kasal ang gusto niya. I am going to be a Hired Wife. Parang isang romance book lang ang buhay ko. Gwapo nga ng binigay, almost perfect—pero alam kong magiging dahilan to ng pagsakit ng heart ko in the future.
So magiging asawa ko siya? I will be his wife for a year? Gusto kong may sumapak sa akin baka sakaling magising ako sa panaginip ko. Jezkelerd.
“George, Good morning,” nakangiting bati niya sa akin. That smile! Gosh! Pakihabol nga ang panty ko, tumakbo palabas! Makalalag panty! May kanin ba dito? Ngiti pa lang niya, ulam na. I am sophisticating (suffocating) in here!
BINABASA MO ANG
A Wife for a While
Ficción GeneralIf you have read The Savage Casanova, you would meet Pavlo Vera-Perez, and this is his side story. Annoyed at his grandmother’s medieval scheme to claim his inheritance, Pavlo Vera Verez—the most sought bachelor needs to find a wife—fast. A perfect...