GEORGE
Ilang beses ko nang pinlay sa utak ko ang pagtatapat na buntis ako. Kung bibilangin ko, mga labin-limang beses. Iniimagine ko na magagalit siya at tataas ang boses niya o mag-wawala. Naimagine ko rin na idedeny niya ang posibilidad or sasabihin na mali ang ginawang test. Inimagine ko na rin ang pinakaimposibleng mangyari na ipagtatapat niyang mahal niya rin ako dahil dala-dala ko ang bunga ng pagmamahalan namin.
Pero ang hindi ko naimagine ang itsura niya ngayon. Blangko at walang emosyon ang mukha niya. Hindi kumunot ang mga noo niya. Hindi nagbago ang paghinga niya. Walang reaksyon, kundi ang isang nakakalokong ngisi.
Tumalikod siya sa akin, tangay ang basong nilagyan niya ng tubig at pumunta sa may pintuan.
"You are really something, George, I can't believe you would do this to me.
Feeling isang rekwang punyal na may apoy ang sumaksak sa akin, sa puso ko. Tumigil ang mundo ko at ang paghinga ko. Sinubukan kong humugot ng hangin, pero parang naparam ng pait ang hanging sinasamyo ko. Harsh ang mga salitang narinig ko sa kanya. O baka naman namali lang ako ng pag-intindi?
Hinabol ko siya at nakita kong papunta siya sa mini-bar at nagsimulang uminom ng kaunti.
"Hindi ko maintindihan ang sinabi mo kanina. Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya habang hinahabol ko ang paghinga ko.
Ngumisi siya at lumagok ng alak mula sa maliit na baso. "You heard me, George. Don't act stupid. You read our contract. You perfectly know that our time is about to lapse. Our contract is for one year. We are on our 8th month. Time is clicking fast, that's why you extended it by getting pregnant." Matalim ang mga salitang sinabi niya. Feeling ko hiwa-hiwa na ang puso ko. Ang sakit. Nag-uumpisa nang pumondo ang mga luha ko, pero ayokong tumulo sila sa harapan niya.
"S-So sinasabi mo na..." Napatigil ako sandali at kinalma ang mga sarili ko . "S-Sinadya kong mabuntis?" Hirap na hirap akong palabasin ang mga salitang yun sa bibig ko.
"I didn't know, you tell me, George," kalmado niyang tugon sa akin.
"H-Hindi." Kanina ko pa kinakalma ang sarili ko at ayokong manalo ang pagiging emosyonal ko at umiyak sa harap niya.
Napalunok ako, pero parang may malaking baseball na nakabara sa lalamunan ko. "H-Hindi ko magagawa at sinasabi mo sa akin. Naka-pills ako gaya ng sinabi ko sa'yo noon, dahil may problem sa ovaries ko. Nitong mga nakaraang araw, lalo na noong nagkasakit ako, hindi ko nagawang inumin ang mga pills." Kinuwento ko rin sa kanya ang pagpunta ko sa doctor at ang lumbas sa ultrasound na ginawa para tignan ang ovaries ko. Doon nakita na magkakababy ako.
"Wow," ang reaksyon niya matapos ang sinabi ko. Napahawi siya ng buhok. "So, what do you want me to say about your story? You could have told me to use condoms. George, we have a deal. This is a deal breaker." Nakita kong naglagay na naman siya ng alak sa baso niya.
"Alam ko naman yun. Upset ka rin," mahinahong sabi ko. "Hindi natin to pinlano, pero andito na ito eh. We just need to deal with this."
"We?" tanong niya. Umiiling-iling siya at ngumingisi. "There is no "we". We are business partners here, George-not lovers. I married you because I want the company. You married me because you need the money. I told you from the beginning, I don't want children. But you are acting right now that you know better. I don't want that child." Punung-puno ng pait ang mga sinabi niya sa akin. Ang dami kong inassume, ang dami kong inakala. Puro akala lang ako. Akala ko mahal na niya ako, akala ko matatanggap niya ang dinadala ko. Buti na lang, hindi nakakamatay ang akala, kung hindi, kanina pa ako nakabulagta.
BINABASA MO ANG
A Wife for a While
Ficción GeneralIf you have read The Savage Casanova, you would meet Pavlo Vera-Perez, and this is his side story. Annoyed at his grandmother’s medieval scheme to claim his inheritance, Pavlo Vera Verez—the most sought bachelor needs to find a wife—fast. A perfect...