Chapter 2

296 14 0
                                    

--- SKY'S POV ---

9 AM na akong nagising at wala na ang mga girls, pero sobrang gaan ng pakiramdam ko after a very long time. Wait?

9 AM na. So it means na nakatulog ako nang maayos kagabi.

Wow.

Amazing!

Lumabas na ako ng aming dorm at napatingin sa hallway. Parang pamilyar ang hallway ah? Hindi ko kasi alam na bibigyan kami ng panibagong dorm sa campus. Eh kasi may gumagamit na sa old dorms namin since 5 years kaming nawala.

Two weeks from now, gagraduate na kami.

Finally, peace and freedom.

"Nasaan kaya ang mga girls ngayon?" bulong ko.

Nakasuot na ulit ako sa aking school uniform at palakad-lakad sa hallway, bumisita ako sa aming old classrooms pero nagtataka lang ako kung bakit walang katao-tao sa mga ito. Nasaan ba ang mga estudyante?

Pumunta na rin ako sa bronze building at parehong wala ring estudyante. Nasa labas kaya sila?

Pumasok ako sa classroom namin ni Cyrus dati at sumilip sa bintana para makita ko ang labas.

At doon nga, nagtitipon ang mga estudyante tapos ang dami pang mga dekorasyon. Ano bang meron ngayon? Sa pagkakaalala ko ay wala namang event ngayon ah? Did it slip in my schedule list?

Bumaba na ako't nagtungo sa mga estudyante tapos tinanong ko sila kung anong meron.

"May nagbibirthday kasi ngayon," wika ng isang babaeng estudyante na nasa gold rank.

Birthday? First time yatang nangyari ito na nagcecelebrate ng birthday ah?

"Isa sa mga Zodiac Circle," dagdag naman ng kasama niya.

"Ha? Zodiac Circle?" ako.

"Opo, hindi niyo po ba alam? Kasamahan niyo po siya," aniya.

Umiiling lang ako kasi wala talaga akong kaide-ideya, pero kung nasa Zodiac Circle man, at anong buwan ngayon? Ibig sabihin.. haaa?! Birthday ni Cyrus ngayon?

"Kauna-unahang Zodiac Circle na magbibirthday bago gumraduate, si lodi Cyrus," tugon ng babae.

Umalis na muna ako sa area at napaisip.

Birthday pala ni Cyrus ngayon.

Nagkita naman kami kahapon pero hindi kami nagpapansinan, galit yata iyon sa akin dahil hindi ako nakasama sa kanila sa misyon namin.

Pumunta ako sa cafeteria at kumain, paglabas ko ay nakita ko si Cyrus. Ngumiti ako at inihanda ang sarili para bumati sa kaniya.

"Cy! Hap---," ani ko, pero hindi ko natuloy nang dinaanan niya lang ako na parang hindi niya ako nakita.

"--happy birthday," bulong ko sa sarili.

Pero tiningnan ko siyang nagpatuloy sa paglalakad at hindi talaga ako pinansin. Sumakay siya sa elevator.

Galit na galit ba talaga siya?

Pero ang tagal na kaya nun?

Gusto ko siyang sundan pero napaisip ako na baka aaksayahin ko lang ang oras ko, halata namang hindi talaga ako papansinin ni Cyrus kahit pa luluhod ako sa harap niya. Pero, sana magiging okay kami bago kami gagraduate.

Nabigla ako nang may yumakap sa akin.

"Hi, I missed you," bulong niya.

"Third."

Hinawakan niya ang kamay ko ay dinala ako sa rooftop ng building. Namangha ako dahil ang dami nang nagbago rito, may mga tents na na pwede tulugan ng mga estudyante. Humiga na kaming dalawa at napatingin sa kaulapan sa itaas namin.

ZODIAC UNIVERSITY: Travel Back in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon