Chapter 10

170 16 0
                                    

--- SKY'S POV ---

"Sky, will you really do it?" Cass.

"But it takes time, since hindi ako ganoon ka-eksperto sa ability kong iyon, it's hard to control the time that I want to travel," tugon ko.

Humiga ako sa higaan at ipinikit ang mata.

The problem is, I don't know how to activate that ability.

But I will try.

"Protektahan mo ang sarili mo, at proktektahan mo sila," Gino.

Time travel.

Time travel.

Now,

I can feel the four elements surrounded my body. Air, Water, Fire, and Earth.

Unti-unti na akong mawalan ng lakas. Seems like my energy is channeling from my body to another body.

I feel numb second by second.

Gusto kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko kaya. Para akong nahihilo.

"Sky!"

"Sky!"

"Sky!"

Tinatawag nila ako. Sina Oe, Cass at Third.

Don't worry guys.

I won't let anything happen to you. I won't let anything happen to everyone. Ang takot kong masira ang kasaysayan nang dahil sa akin, haharapin ko iyon. And I will find out who was behind all of this.

I swear.

In Ophiuchus' name.

And everything went light.

---

[Rock background music]

YEAR 2015

Nagising ako sa isang matigas na kama.

Did it work?

B-but why am I in an unfamiliar place?

Nasa isang maliit na kwarto ako. Kwarto na kulay puti at maraming mga celebrity poster sa paligid. Hindi ko matandaan na may ganitong kwarto ako dati.

Napatingin ako sa mesa, magulo ito, may mga notebook, ballpen, at mga crumpled papers. May mga certificate din sa itaas ng salamin ng kwarto.

Binasa ko ito.

Congratulations, Odette Monteo.

Odette?

Mga awards and certificates ang nakikita ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Sobrang putla ng mukha ko at sobrang laki ng eyebags. Pero bakit sa tingin ko ay hindi ko katawan ito?

Hindi rin ako pamilyar sa lugar.

Saan ako napunta?

Saan ako ngayon?

Tiningnan ko rin ang nakasabit na kalendaryo. Nasa taong 2015 ako. So ibig sabihin ay nasa high school pa ako nito. So kung highschool pa ako, nag-aaral ako sa Zodiac High.

Nararamdaman kong may sakit sa aking katawan, may sugat pala ako sa leeg at mga braso ko. Anong ginawa ko, bakit ako may ganito?

Nabaling ang atensyon ko sa nakasabit na ID card sa may pintuan na hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko.

Lesriotta National High School

Odette Monteo.

at mukha ko ang nasa picture.

ZODIAC UNIVERSITY: Travel Back in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon