--- SKY'S POV ---
"K-Karsten, ikaw ba talaga 'yan? H-how--?" Oe. Hindi makapaniwala ang mga dating kaibigan ni Karsten nang makita siya. Ang iba naman ay hindi nakilala ang dati nila schoolmate dahil wala na ito sa kanilang ala-ala.
"Sky, I've never wanted anything else, all I want is you," dugtong ni Cyrus.
Nanatiling nakalutang sa ere sina Cyrus at Karsten samantalang nasa ibaba kaming mga Zodiac Circle.
"Aba naman, is this a public confession?" react ni Vita. Hindi pa rin ako nagsalita dahil tinitingnan ko lang ang dalawa, sina Cy at Karsten. Nasa gilid lang si Karsten ni Cyrus at unti-unting napaluha. Nasasaktan siya.
"Nasaan si Third?" bulong ni Anna.
"Baka kung napaano na si Third," wika naman ni Kim.
Third. Where are you now? Hindi ko matunton ang aura mo. Please be safe.
"Paano na iyan? Hindi tayo basta-bastang makakaalis sa puwesto natin ngayon," sagot ni Carina.
"Sky, ano nang gagawin natin?" bulong ni Blu sa aking isipan.
Sobrang blangko ng isip ko. Katapusan na ba ito? Maghahari na ba ang Dark Source? Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin.
"Sky! Let me ask you this! You're coming to me? Or they die?!" walang pusong pagbabanta ni Cyrus. Para namang hindi niya naging kaibigan ang sinabihan niyang patayin niya ah.
Nasaan na ba yung Cyrus na kilala ko? Yung Cyrus na napakamasayahin? Ang naging boy best friend ko? All I can see now is one cold-hearted guy na hindi na kilala ang sarili niya.
"Sino ka ba para papiliin ang girlfriend ko?!" sigaw ng boses lalaki mula sa malayo.
Ang boses na iyon, si Third. I feel relieved nang marinig ko ang boses niya. Dahan-dahan siyang naglalakad papalapit sa amin. Hinahawakan ang kaniyang kanang braso. Malaki ang sugat niya sa kaniyang kanang braso.
"T-Third," ani ko.
Tumayo ako't tumakbo sa kaniya pero biglang may tumubong mga kalupaan sa pagitan naming dalawa.
"Third!" Sigaw ko.
"Si Third pa rin?" bulong ni Cyrus sa akin nang namalayan kong nasa tabi ko na pala siya.
"P-please papadaanin mo ako Cy, may sugat si Third," naluluha kong sambit. Tiningnan ko si Cyrus na may luha rin sa kaniyang mga mata.
"I've been waiting for you, all my life. I thought you'll gonna love me if you finally know the truth. The truth that you and Third will never be together because your fate already belongs to mine," umiiyak si Cyrus sa harap ko. Oo, umiiyak talaga siya.
"I-I'm sorry Cy. Hindi mo dapat ipagpilitan ang tao na mahalin ka. And I'm already belong to someone else. Mahal ko si Third, at walang forbidden love ang makakahadlang sa amin. Fate can still change."
Biglang may tumama sa akin na isang napakalakas na fire ball. Seriously? Ang sakit nun ah! Pagtingin ko sa paligid ay naging malabo ito. Ang sakit ng ulo at katawan ko. Nabibingi rin ako.
Sumabog ang tumubong lupa at nakita kong inatake ni Third si Cyrus. Naglaban na ulit sila. Agad naman akong inalalayan nina Oe at Cass.
"Cass, magteleport kayo ni Sky sa ligtas na lugar," utos ni Oe kay Cass. Hindi na nagdalawang-isip si Cass na dalhin ako sa kabilang parte ng lugar, malayo kina Cyrus at Third.
"Sky, okay ka lang ba?" tanong ni Cass sa akin.
Huminga ako nang malalim para ibalik ang katinuan ko.
"T-Third," ani ko.
"Sky, kumalma ka muna," Cass.
Tumayo ako pero napasandal sa dingding. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Paano ko ba mababalik ang lahat? Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito.
Ophiuchus, kailangan kita.
"Kailangan ko ulit mag time travel pero natatakot ako, natatakot ako na baka mas lalo lang lalakas ang Dark Source. Nababaliw na ako kakaisip kung paano ko maaayos ang lahat," ani ko. Umiiyak na naman ako. Ang init na ng ulo ko.
"Sky, Sky, hey," hinawakan ni Cass ang magkabilang balikat ko. "Magiging okay din ang lahat, malalagpasan natin ito." Puno ng encouragement ang ekspresyon ni Cass sa akin. Pero habang tinitingnan ko siya ay mas lalo akong naiiyak. Kung hindi sana ako nag time travel noon ay wala na sana sina Cass ngayon, at dahil sa time travel ko noon, lumakas ang Dark Source ngayon.
"Cass!" Niyakap ko siya nang napakahigpit.
"It'll be alright. Let's try again, shall we?" Cass. Hinahaplos niya ang likod ko para patahanin ako sa pag-iyak. "Subukan ulit natin ang napagplanuhan natin."
Tumango ako.
"Si Third."
Agad akong tumakbo sa kung saan nangyayari ang sagupaan nina Third at Cyrus. Pinalakas ni Third ang kapangyarihan niya at sinubukang pantayan ang bilis ni Cyrus. Punit-punit na ngayon ang damit niya ta's si Cyrus naman ay nanatili pa ring walang gasgas.
--- THIRD'S POV ---
Nadistract si Cyrus sa pagdating ni Sky kaya nagkaroon ako ng opening para masugatan ko ang muka niya. Sobrang bilis at sobrang lakas talaga niya, ganito pala kalakas ang maging isang Platinum.
Sinamaan niya ako ng tingin habang pinunasan niya ang dugo sa kaniyang mukha.
"Iyan ang napapala sa taong nang-aangkin ng girlfriend ng iba," sabi ko sa kaniya.
Sunod-sunod na suntok ang ibinigay niya sa akin at bawat suntok niya ay natatamaan niya talaga ang weak points ko. Bawat atake niya ay may lakas talaga galing sa katawan niya.
"She was originally mine," sagot niya sa akin.
Bumaon ako sa lupa at napatingin sa kaniya. Hindi na ako makatayo dahil sobrang hina na ng katawan ko.
"Haha! By whose consent?" At nagawa ko pa ring maging arogante sa harap niya sa kabila ng kalagayan ko ngayon. Dahil kailangan kong ipaglaban ang karapatan ko kay Sky.
Hindi siya nakasagot kaagad.
Nakatingin lang siya sa akin na para bang nanggigigil nang patayin ako.
"You're always in the way. Palagi nalang ikaw ang pinipili. Hin--hindi ko iyon matatanggap." sagot niya habang unti-unting nagiging poot ang mga tingin niya sa akin. Kinamumuhian niya talaga ako nang ganito?
Nagiging kulay pula ang mga mata niya. Umaapoy ngayon ang mga kamay niya hanggang sa kumalat ang apoy sa buong katawan niya.
"Nang dahil sa'yo, mawawala sa akin ang bagay na hinahangad ko nang husto," Cyrus.
Itinuon niya ang dalawang kamay niya sa direksiyon ko at naglabas ng hell-fire power na kung saan dumadaloy ang napakakapal na apoy sa kamay niya sa iisang direksiyon. Mas mainit pa ang apoy na ito kumpara sa apoy ng bulkan.
"Third!!" Sigaw ni Sky.
Sa isang iglap ay nakita kong nasa harap ko na si Sky, hinarangan niya ang apoy ni Cyrus para sa akin. Gumawa siya ng shield barrier sa aming dalawa.
"Sky! Umalis ka diyan! Mapapahamak ka!" Sigaw ko sa kaniya at sinubukang tumayo.
Biglang nag-crack ang shield barrier niya.
"Sky! Umalis ka diyan!" Awtoridad kong utos sa kaniya pero sumusuway siya.
"H-hindi, hindi kita iiwan, Third," sagot niya.
At tuluyang nabasag ang shield barrier niya.
"Sky!"
××××××
Zodiac University :
Travel Back in Time© Axinng 2021
Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.
BINABASA MO ANG
ZODIAC UNIVERSITY: Travel Back in Time
Fantasy(Sequel) After their graduation day, they thought that they will finally have their peace and freedom but little did they know that the battle they had 5 years ago when they were declared as the newest Zodiac Circle members, was yet unfinished. This...