--- SKY'S POV ---
Nasa mall na kami ni Oe. Sa isang department store.
"Hindi ba kakabili mo lang ng wallet last week?" tanong ni Oe.
Naisipan ko kasing bumili ng wallet para ibigay ko kay Odette bilang pasalamat at paumanhin na rin dahil ginamit ko ang katawan niya sa mission ko.
"May bibigyan lang ako," tugon ko.
"At bakit ka nakamask?" tanong na naman niya.
"W-wala lang, may ubo kasi ako, kakagaling ko lang ng clinic. --eh ikaw? May bibilhin ka ba?" palusot ko pa.
"Wala eh, wala akong naisipan," tugon niya.
Lumabas kami ng department store. Sobrang tahimik lang namin. Wala rin kasi akong maisip na pwedeng libangin.
"Ah, mag karaoke tayo! Tapos mag arcade!" suhestiyon ko.
"Sige!" Oe.
Nag-enjoy na kami. Iba talaga kapag high school years, sobrang genuine ng mga katatawanan kahit sa simpleng bagay lang.
Kinagabihan, tapos na kami sa aming gimik ni Oe kaya naisipan naming umuwi na. Tinawagan namin si Manong Fredo upang sunduin kami sa mall since traffic ngayon sa hi-way at walang masyadong masakyan pauwi.
Saktong paglabas namin sa exit door ni Oe ay huminto siya. "Hala, naiwan ko ang wallet ko sa arcade."
Agad niyang binalikan iyon, naiwan akong mag-isa sa labas. May dumaan sa harap ko na lalaki at nang tininganan ko ang mukha niya ay nagulat ako nang mamukhaan ko siya.
Si Cyrus.
"Cy--," ani ko. Lumingon nga siya sa akin pero umiwas ako ng tingin. Hindi pa kami magkakilala ngayon, ano ba itong iniisip ko.
Mabuti nalang at nakamask ako kaya hindi niya nakita ang mukha ko. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. He looks stylish, may piercing siya sa kaniyang tenga at nakasuot siya ng black leather jacket.
"I got it," Oe.
Nakauwi na kami nang dumating si Manong Fredo. Medyo traffic din ang kalsada ngunit masaya akong nag-enjoy kami ni Oe ngayong araw na ito. Hindi rin siya nagduda sa pagpapanggap ko.
Around 11 in the evening nang umuwi si past Sky galing sa party. Lasing siya. Dumiretso siyang sumubsob sa higaan niya nang hindi man lang hinubad ang jacket at sapatos niya. So inayusan ko siya tutal katawan ko naman 'to.
Hinubad ko ang jacket niya at pati na rin sapatos, sobrang lasing niya talaga. Pinahiga ko na siya nang maayos at inayos ang kumot niya.
"You will forget everything someday Sky, kailangan nating pagbayaran ang kasalanan natin, alam kong magiging mapait ang buhay mo balang araw, pero malalagpasan mo rin ito, huwag kang mag-aalala, maghihintay sa iyo sina Oe, Ara at Cass sa Zodiac University," bulong ko.
Huling paalam ko na sa kanila sa panahong ito, kailangan ko ng bumalik.
Paglabas ko ng kwarto ni past Sky ay tamang-tama rin ang paglabas ng kwarto ang kuya ni Oe.
"Bakit hindi ka pa natulog?" tanong niya. Naka-off shirt siya, kita abs niya.
"M-magbabanyo lang ako," tugon ko at nagpatuloy sa paglalakad. Alam kong may banyo ang kwarto ni Sky pero wala akong ibang maisip na rason. Bahala na si batman.
Bumalik na ako sa hotel at doon na nagbook ng flight pauwi na sa lugar ni Odette.
Umaga ang schedule ng flight ko kaya natulog na muna ako tutal nakahanda na naman ang mga dadalhin ko para kay Odette.
BINABASA MO ANG
ZODIAC UNIVERSITY: Travel Back in Time
Fantasy(Sequel) After their graduation day, they thought that they will finally have their peace and freedom but little did they know that the battle they had 5 years ago when they were declared as the newest Zodiac Circle members, was yet unfinished. This...