--- SKY'S POV ---
Ilang araw na ang lumipas.
Napagpasyahan naming magpipicnic kaming mga girls, sina Oe, Ara at Cass sa usual spot namin. After a week, we will finally say good bye to the university.
"Sobrang daming nangyari no?" Ara.
Humiga ako sa damuhan habang dinamdam ang ganda ng ihip ng hangin na dumadampo sa aming mga balat. Dati ay mga bata pa kami ngunit ngayon ay mature na mature na kaming tingnan.
Ano kayang mangyayari sa amin paglabas na namin ng campus?
Minsan nalang kaya kami makakapag-bonding?
"So, what's your plan para sa career ninyo guys?" tanong ni Oe.
"I will make a nature preservation company in my own name. As a nature lover, I want to protect every nature and preserve it for the future. I just don't want people cutting trees and destroying waters of our land. I can feel the nature you know, I can feel their sufferings," Cass.
"Tama ka Cass, pagdaan ng ilang taon, nagiging imbalance ang apat na elemento," Oe.
"Eh ikaw Oe?" Cass.
"Well, I decided to Travel na muna, to chillax myself," Oe.
I envy them, may mga plano na sila paglabas ng campus samantalang ako ay wala pa.
FLASHBACK..
Magkasama kami ngayon ni Lola Aitana sa isang plaza na kung saan ay makikita namin ang mga tao na masayang nakikipagbonding sa kanilang mga pamilya.
The people in Mongkugo are very free spirited, I admire them.
"Tingnan mo silang lahat Sky iha, masayahing mga tao ang nakitara sa Mongkugo, subalit normal lang sila, hindi sila kagaya sa atin na nabubuhay sa mahika," Lola.
"Kahit pa sabihin natin sa kanila na totoo ang mahika lola ay hindi rin naman sila maniniwala," tugon ko.
Inakbayan ako ni lola.
"Hindi natin mapipilit ang lahat na maniwala sa mahika apo, hindi dapat natin kontrolado ang kagustuhan nila, may iba-iba tayong paniniwala at iba rin ang ating ipinaglalaban," Lola.
"Naiintindihan ko po," tugon ko.
"Sky," wika niya at ipinaharap ako sa kaniya.
"Bakit po lola?" ako.
"Pagkatapos mong gumraduate sa Zodiac University, maaari ka bang tumira ulit sa akin? Bilang apo ako?" Lola.
"Opo naman Lola, walang problema ho iyon," ako.
"Gusto ko na ikaw ang susunod na tagapagmana ng mga Nunez, tanggapin mo lahat ng kayamanan natin. Iyon talaga ang kahilingan ko, upang kung mawala na ako sa mundo ay kampante akong nasa mabuting kamay ang pinaghirapan namin ng lolo mo," Lola.
Hindi ako makasagot sa kaniya.
Pero ngumiti lang siya sa akin.
END OF FLASHBACK..
"Eh ikaw Sky?" Cass.
"H-ha? Ako?" react ko pa. "Ano um, titira ako kasama ang lola ko sa Mongkugo."
BINABASA MO ANG
ZODIAC UNIVERSITY: Travel Back in Time
Fantasy(Sequel) After their graduation day, they thought that they will finally have their peace and freedom but little did they know that the battle they had 5 years ago when they were declared as the newest Zodiac Circle members, was yet unfinished. This...