Chapter 13

164 13 0
                                    

--- SKY'S POV ---

Ilang minuto, dumating si Manong Fredo sa mansion ng Christimatia. Isang malaking ngiti ang bungad niya sa akin na halatang wala siyang kaide-ideya na hindi ako ang original Sky Nunez.

Marahan akong pumasok sa van at inihatid niya ako sa paaralan. Hindi muna ako nagsalita sa pagitan namin para smooth lang ang takbo ng pagpapanggap. Pagkababa ko sa entrance ng Zodiac High ay wala siyang reaksiyon kaya nagpaalam na ako sa kaniya.

"Manong, salamat po. Hihintayin ko po si Oe mamayang uwian kaya huwag niyo na po kami sunduin, magsh-shopping din po kami mamaya," sabi ko.

"Tawagan niyo lang ako," malumanay na tugon niya tsaka umalis.

Humarap na ako sa magandang gate ng paaralan at gumaan ang pakiramdam ko nang makabalik ulit ako rito pagkalipas ng ilang taon.

Nararamdaman ko ulit ang high school years ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magiging ganito ang kalabasan ng time travel ability ko. Sigurado naman sana akong nakapagtime travel ako dati na gamit ang katawan ko mismo. Subalit, ano ba ang nabago ko?

I ended up using Odette's body.

Nasa kalagitnaan naman sana ako ng pag-iimbestiga pero napunta ako sa kapanahunan noong high school ako.

Ang gagawin ko nalang ngayon ay, just go with the flow, until I activate that ability once again.

Ngunit nararamdaman ko lang na may dapat akong gagawin sa puntong ito. Parang may nakalimutan ako. Katulad ng mga sinasabi sa panaginip ko.

May nakalimutan ako.

BOOG! Tumama ang isang light energy ball sa braso ko kaya nasugatan ito. Napakunot ang noo ko sa direksyon kung saan ito nanggaling.

"P-Pasensya na Sky, h-hindi namin sinasadya," paumanhin ng isa sa tatlong babae na nakatingin sa akin. Agad silang kumaripas ng takbo papasok sa campus.

Nasaan ba ang utak ng mga batang 'to? Psh, naglalaro ng mahika sa public area, hay.

Naaalala ko talaga dati na kinakatakutan ako ng ibang estudyante dahil sa kapangyarihan ko. So it means safe lang si Odette ngayon, walang magtangkang gagalaw sa kaniya.

Dumaan ako sa harap ng malaking estatwa ni Canopus na nakalagay sa gitna ng malawak na quadrangle ng paaralan pagkapasok mula sa gate. Ang problema lang ay hindi ko na matandaan ang mga klase ko ngayon. Pero ang good news ay mahilig akong mag-cutting dati kaya hindi na sila magtataka kung hindi ako papasok.

Dumiretso ako sa magic room.

Pero mga kids lang ang nandoon. Akala ko pa naman makikita ko sina Oe rito. Hays, labas na nga ako.

Nasa kalagitnaan ako ng hallway nang may tumawag sa akin.

"Hoy Leo girl!"

Huminto ako dahil sa pamilyar na boses. It could be..

"Kailangan mo ng gawin ang favor, naiinip na ako sa kakahintay," wika niya nang mapalingon ako sa kaniya. I scoffed when I saw him, his innocent looks.

"Hoy din Pisces boy!" sagot ko sa kaniya.

"T-Teyka? Paano mo nalaman ang zodiac sign ko? Tiningnan mo siguro ang personal infos ko no? Hays! Siguro nga, kasi close naman kayo ng Principal," sagot niya.

Haha. Hindi ko alam na may pagkabakla ring tipo itong si Third. Hindi kasi ako ganoon ka-close sa kaniya noon dahil busy ako sa ibang errands ng school dati, at wala rin akong balak makipagclose sa iba.

"Eh ano ngayon? Malalaman ko rin naman in the future!" tugon ko at nagcross-arm sa kaniya.

"Ah basta, gawin mo na ang favor, kundi--," Third.

"Aysuus! Death threat ba 'yan? Tch, hindi eepek sa akin iyan, eh alam ko naman talaga na pusong mamon ka," tukso ko sa kaniya.

"A-Ano?" Kumunot ang noo niya.

"Bye bye!" Ngiti ko at tumakbo palayo.

Nabigla naman ako nang may tumabi sa akin. "So, close na pala kayo ng crush mo."

Si Oe.

"O-Oh, Oe.. kanina ka pa ba nakasunod sa akin?"

"I will ask the question first. Where were you this morning? Hindi kita nakita kanina," Oe.

Lip bite.

"I-I ditched school," tugon ko.

"Ano? Na naman? Tsk, this won't do. Tara na, punta na tayo sa tournament area, you have to participate today," tugon din niya.

"Ayoko, wala akong kapangyarihan ngayon," bigla kong nasabi sa kaniya kaya napatikom ako ng aking bibig.

"Ha?" react niya.

"I mean, wala ako sa mood gumamit ng kapangyarihan ngayon," ako.

"Bahala ka na, tara," Oe.

Tama, naaalala ko rin na may tournament area ang Zodiac High. Aish, paano na 'to?

Pero bago pa kami nakapasok doon ay nadatnan namin na pinagkakaisahan si Vita ng ibang magic casters. Hindi siya lumaban at hinayaan niya lang ang mga nambully sa kaniya.

"Kawawa naman ng karibal mo," ani ni Oe na nakatingin din sa kanila.

"Isa siyang scorpio hindi ba?" tanong ko kay Oe.

"Aba malay ko, we don't usually give a damn with some lowly like her, she's just a witch, a witch who is very envious of you since kids," Oe.

"But still, that's not the reason why we shouldn't help her," aniyo at lumapit sa kanila.

"H-hala, si Sky, alis na tayo," natatarantang wika ng mga bully.

"Kung sasaktan niyo pa siya ulit at makikita ko ito sa sarili kong mga mata, hindi ko na talaga papalampasin!" sumbat ko sa kanila na tumakbo palayo.

"Bakit mo ginawa iyon?" tanong ng umiiyak na si Vita sa akin.

"Ang alin?" nagtataka ako.

"Bakit mo ako tinulungan? Alam kong alam mo kung gaano kita kinamumuhian," tugon niya.

"Tsktsk, I really don't get it why you hate me so much," Nagcross-arm ako sa kaniya.

"Sky," Oe.

"I hate you! I really really hate you!" Vita.

"Tsk! Alam mo Vita, these insecurities won't really get you anywhere," ako.

Nakikita ko pa rin ang poot na nasa mga mata niya ngayon. Maldita lang talaga si Vita pero alam ko na ang totong pagkatao niya. She's still a good friend.

"No, you're wrong! These insecurities will get me something. It will make me more competitive of you. Tandaan mo Sky, balang araw, malalampasan din kita," she swore.

"Good, keep it that way, become competitive, but do not forget to be kind as well," ako.

Umalis na ako sa area namin kasama si Oe.

"Something is strange about you today," napansin ni Oe habang sabay kaming patungo ng tournament area.

××××××

Zodiac University :
Travel Back in Time

© Axinng 2021

Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.

ZODIAC UNIVERSITY: Travel Back in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon