Chapter 27

137 10 0
                                    

--- SKY'S POV ---

Nagising ako na basa ang aking mga mata. Nararamdaman ko pa rin ang guilt at sakit ng pagkamatay ni Karsten. Kahit pa may kakayahan akong magtime travel, hindi ko pa rin nagawang iligtas siya.

"S-Sky," bungad ni Cass.

Bumangon ako, napatingin sa kanilang lahat. Si Lola, si Third, si Oe, si Cass, si Principal Evans, at si Odette, nakatingin lang sa akin na parang hinintay akong magsalita.

At umaga na rin pala.

"Gaano katagal akong nawala?" tanong ko sa kanila.

"Mga 8 oras," sagot ni Oe.

Walong oras, pero sa ability ko ay dumaan na ang maraming araw. Bumabalik na naman sa aking isip ang mukha ng mga girls noong una akong nakapasok sa dorm namin sa Zodiac University. Nakikita ko sa mga mata nila ang lungkot.

Hindi pa rin ako maka-move on sa sinapit ni Karsten, kasalanan ko 'yon eh.

Umalis ako sa higaan at lumabas, pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Sumunod naman silang lahat sa akin.

"Can you tell us what happened?" tanong ni Third sa akin.

Argh, naiisip ko pa rin ang sariwa ng insidente. To think na hindi nalaman nina Oe ang katotohanan sa pagkamatay ni Karsten, ako ang sanhi ng pagkamatay niya, at ganoon ang nangyari sa kaniya, sinaksak niya ang sarili niya.

Naiisip ko pa rin ang dugong dumanak sa sahig ng clinic, iyon ang huli kong nakita bago ako bumalik sa Mongkugo.

And by that, I left the time when Karsten died.

Sakit talaga.

Pagkatapos kong uminom ay ibinaba ko ang baso sa mesa at agad na ibinaling ang mga braso ko sa katawan ni Third. Niyakap ko siya. Gusto ko lang ng comfort ngayon, ang bigat pa rin kasi. Parang bumalik ang sakit ng pagkawala ni Gino dati.

"Let's give her time," Odette.

Tumingin ako sa kanila. "Nakakabagot din 'tong time travel ability ko, may malalaman akong mga bagay na hindi ko na sana dapat pang malaman," wika ko sa kanila.

"Okay ka na ba?" Oe.

"Everything happens for a reason apo, binigyan ka sa mga bituin ng ganiyang abilidad dahil nararapat ito sa'yo," payo ni lola.

Mas naiisip kong sumpa siguro ang abilidad kong 'to.

Lumipat kami sa sala. Nagpapahinga sila habang ako ay kumakain ng almusal.

"Grabe, walong oras lang akong nawala pero sa abilidad ko ay dumaan na ang isang linggo, parang nananaginip lang talaga ako sa mga oras na iyon," ani ko habang ngumunguya ng pagkain.

"Osha--sha, tapusin mo muna ang pagkain mo, mamaya na tayo mag-usap," Oe.

"Pero ang tanong, nahanap mo ba ang sagot na kailangan mo, Sky?" Cass.

"Oo," agad na sagot ko.

"T-talaga?" Cass.

"Sino?" Third.

"Saan natin siya mahahanap?" Oe.

Uminom na ako ng tubig tapos pinapahiran ang bibig ko ng tissue bago ako sumagot.

"Si Lexi," ako.

Nantaas ang kilay nila sa sagot ko at nagtinginan sina Cass at Oe.

"Lexi? Who's that?" Cass.

"Nasa Zodiac University siya ngayon, nagkasalubong kami sa campus bago ang graduation ceremony," Ako.

Tumingin ako kay Third na ngayo'y nakatutok sa sahig, I clearly understand that he still remember her. May nakaraan sina Lexi, Third at Karsten dati.

ZODIAC UNIVERSITY: Travel Back in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon