--- SKY'S POV ---
Nyemas. Hindi ko na nararamdaman ang tatlong elemento. Tanging apoy nalang ang bumabalot sa akin. May expiration date pala iyong pag-aactivate ng Ophiuchus ko? Sana sinabihan man lang ako na trial card lang pala 'yon! Kainis.
"Hanggang kailan mo poprotektahan ang mga kaibigan mo?" tanong ng Dark Source sa gilid ko.
Agad akong tumayo pero nahihilo ako. Parang namamanhid pa tuloy ang katawan ko. What is happening?
Naglabas ng energy ball ang kalaban sa akin, tumalsik ako. Pero sinubukan ko pa ring lumaban. Tumayo ako't naglabas ng fire wreck sa kaniya. Tinablan siya pero hindi ganoon ka lakas.
Bakit ang hina ng kapangyarihan ko?
Biglang may mga ugat na lumabas mula sa lupa tapos gumapos sa buong katawan ko. Why do I feel like I used up all my energy?
"Tingnan mo akong papatayin lahat ng kaibigan mo," pagbabanta niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa daanan ng training grounds at pinagsusuntok ang shield barrier ko.
"S-stop! Huwag mo silang saktan!" Sigaw ko. Nagpupumilit akong makawala sa mga ugat pero ang higpit nito sa akin.
Recharge muna Sky, recharge.
"Karsten!" Sigaw ni Gino mula sa loob.
Patuloy na sinusuntok ng Dark Source ang shield barrier hanggang sa nag-crack na ito at kaunti nalang ay mababasag na talaga.
"Gino." Pangalan na lumabas sa bibig ko.
Naglabas ako ng energy bomb para maputol ang mga ugat. Napaluhod ako, parang ang hirap nang kontrolin ng katawan ni Karsten.
Nararamdaman kong lumakas ang aura ni Gino, gumawa rin pala siya ng panibagong Shield barrier mula sa loob kaya huminto sa pagsuntok ang Dark Source. Napunta sa akin ang matatalim nitong tingin tapos dahan-dahang lumapit sa akin.
"Pwes, tatapusin nalang kita." Umilaw ng pula ang mga mata niya na ilang segundo ay hindi na siya magdadalawang-isip na patayin ako.
Biglang naglabas ng maitim na usok ang mga kamay ng Dark Source at itinuon ito tungo sa akin.
Oh no, black hollow.
Naaalala ko na sabi ni miss Twinkle dati, black hollow ang dahilan kung bakit namatay si Karsten.
Pero huminto siya sa paglalakad..
At sinakal ang sarili..
Doon ko nalang namalayan na nasa harap ko na ang mga braso ko na parang kinokontrol nito ang dark source.
"Wala kayong karapatang maghasik ng kasamaan sa teritoryo namin," biglang lumabas sa bibig ko.
Woah?
C-could it be?
Karsten..
She's here..
Gumalaw ang kanang kamay ko na parang may kinokontrol na iba. Nakita ko ang matalim na sandata ay mabilis na nagtungo sa leeg ng Dark Source na siyang naging dahilan para mamatay ito.
Hindi na ako ang kumokontrol sa katawan ni Karsten, kundi siya na.
"Gino, taasan mo pa ang barrier mo at manatili kayo rito, tatapusin namin sila," Karsten.
Pumunta na si Karsten sa harap ng main building na kung saan nakikipaglaban ang mga diamond rankers sa mga dark source. Lahat ng nakikita ni Karsten ay nakikita ko, nasa loob pa rin ako sa katawan niya, nagiging audience ako sa bawat kilos niya.
Tumulong si Karsten sa kanila at gamit lang ang kaniyang Psychokinesis ability. Sa wakas, alam ko na rin ang abilidad ni Karsten. Ang cool.
Napansin ko ring umilaw ang mga mata nina Crater at Third, ginagamit nila ang kanilang zodiac power. At nagteam work naman ang ibang magkakaibigan.
"Karsten! Be careful!" Sigaw ni Oe mula sa malayo habang nakikipaglaban sa isang Dark Source.
At ngayon ay hinarangan si Karsten ng tatlong Dark Source na mukhang kakalaban sa kaniya. Nararamdaman kong tinaasan ni Karsten ang dipensa niya. Sabay na umatake sa kaniya ang tatlong Dark Source. Pero hindi magawa ni Karsten na pagsabayin ang tatlong Dark Source sa ability niya.
Naka-activate din sa kanila ang black hollow sa kanilang kamay.
Naglabas ng flame wreck si Karsten tungo sa tatlo tapos sinundan niya ito ng fire crystals. Pero agad na rumesponde ang mga kalaban sa pamamagitan ng pag-grip ni Karsten sa kaniyang likod. Ikinulong siya sa mga braso ng kalaban, at yung isang kalaban naman ay humandang maglabas ng black hollow, mabuti nalang napigilan ito ni Karsten. Ginamit ni Karsten ang kaniyang isip upang mamanipulate ang kilos ng tatlong Dark Source.
Pero may pang-apat pa na Dark Source ang umatake sa kaniya, sinakal niya si Karsten nang napakahigpit na halos hindi na siya makahinga.
May biglang dumating sa area namin at sinipa ang sumakal sa kay Karsten. Si Third pala. Siya ngayon ang kumakalaban sa apat na dark source habang ibinabalik ni Karsten ang lakas niya.
Binigyan ng elbow attack ni Third ang isang dark source hanggang sa bumaon ito sa lupa. Inatake naman ni Karsten ang iba gamit na ang kaniyang zodiac power ng Aries. Nagtutulungan sina Third at Karsten na kalabanin ang apat na dark source, water elemental master si Third at fire elemental master naman si Karsten. Ang dalawang pinakamalakas na elemento.
Pero ang napansin ko ay sila nalang dalawa ang naiwang naka-activate ang kapangyarihan, halos bumagsak ang mga estudyante ng Zodiac University. Hindi na maganda.
At ngayon ay naging anim na ang dark source na kumakalaban sa nina Third at Karsten. Sinakal kami pareho ng isang malakas na Dark Source at ginapos naman sila sa ibang kalaban. Hindi sila makagalaw.
"K-Karsten," sambit ni Third.
"You sons of bitches!" Biglang sigaw ni Lexi nang nilabasan niya ng wind attack ang mga Dark Source malapit sa amin.
Nakalaya sina Third at Karsten.
"Okay ka lang?" tanong ni Third sa akin.
Nyemas. Mukha ba siyang okay ha?
"O-okay lang," sagot ni Karsten.
"You know, I haven't used up half of my energy yet so bring it on!" Sigaw ni Lexi sa kanila. Nag stretching pa siya nang biglang umatake ang isang Dark Source sa kaniya pero nasangga niya agad ito.
Naglaban sila.
Nakita ko ang paligid, nanghihina at puno ng sugat ang mga school mates namin. Ang good news pa rin ay walang black hollow sa katawan ng mga nakahandusay na estudyante.
Biglang may lumitaw na black hole sa gitna ng quadrangle mula sa main building. Lumabas mula rito sina miss Friah, Principal Evans, sir Polaris, at mga teachers. Sa wakas ay dumating sila.
"How dare you barged into the school like this without my permission!!" Galit na sigaw ni sir Polaris sabay buga ng isang napakalakas na energy bomb. Halos sumasayaw ang lupa sa kapangyarihan ni sir.
"Find them and get rid of them," utos ni Principal Evans sa mga teachers.
××××××
Zodiac University :
Travel Back in Time© Axinng 2021
Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.
BINABASA MO ANG
ZODIAC UNIVERSITY: Travel Back in Time
Fantasia(Sequel) After their graduation day, they thought that they will finally have their peace and freedom but little did they know that the battle they had 5 years ago when they were declared as the newest Zodiac Circle members, was yet unfinished. This...