Chapter 20

147 13 0
                                    

--- SKY'S POV ---

Unti-unting nandilim ang paningin ko.

"Aw, ang boring naman kung papatayin kita agad," sabi niya. Inihagis niya ako tungo sa itaas at sinalo ako roon.

Para na niya akong ginawang laruan, nanghihina ang katawan ko.

Hinawakan niya ang buhok ko habang namamanhid ang katawan kong nakabitin lang sa pagkakahawak niya. She sarcastically laughed while looking at my face.

"Seriously? Are you gonna fight me with that level of ability? Wake up Karsten! We're not done yet," dagdag niya at itinapon ako tungo na naman sa ground.

Karsten.

I'm sorry.

I can't do something for you.

Nakikita kong umuubo na ako ng dugo. Pero bumaon na naman ang katawan ko nang nilabasan niya ako ng wind attack sa likod.

"Seriously, again, Karsten, ang boring mo naman maging kalaban," aniya.

Nilabasan na naman niya ako ng wind attack sa katawan.

"Karsten! Karsten!" dinig kong sigaw ng babae sa mga nanonood. Napalingon ako kung saan galing iyon, hindi ko alam kung kaninong boses iyon, kay Oe o Ara o Cass ba. Pero iba ang nakikita sa mga mata ko, si Third na nakatingin sa akin. Siya pa rin ang nasa isip ko, habang tinitingnan ko siya ay naiisip ko si Third na naghihintay sa akin sa Mongkugo sa present day.

"Maybe you should just die, wala ka namang silbi sa Zodiac University," sabi na naman ni Lexi na ngayo'y malapit sa akin at hinawakan ang ulo ko.

What should I do?

Kahit kailan ay hindi ko naman siya malalabanan gamit ang kapangyarihan ni Karsten na alam ko lang. Lahat ng tao ay may kanikaniyang technique sa paggamit ng sariling abilidad. Kay Karsten, hindi ko alam kung paano.

"Magpakatotoo ka Sky, tandaan mo kung sino ka," naririnig kong boses sa utak ko.

Hindi ko malalabanan si Lexi sa paraan ni Karsten, kailangan ko siyang labanan sa paraan ko.

Isa akong Ophiuchus.

Ako si Sky Nunez.

Nasa akin ang kapangyarihan ng apat na elemento.

Ipinikit ko ang mga mata ko't dinamdam ang aura ng paligid, tinatawag ko ang apat na elemento. At ngayon ay nararamdaman kong uminit bigla ang batok ko, nararamdaman ko ang kapangyarihan ng Ophiuchus.

Pagmulat ko sa mga mata ko ay biglang may lumabas na kidlat mula sa katawan ko kaya tumalsik ang katawan ni Lexi palayo sa akin.

"Tama na, tapusin na natin ito," sagot ko sa kaniya.

Pareho na kaming nakalutang ngayon sa ere. Nararamdaman kong napapalibutan ako ng puting usok at umiilaw din ang mga mata ko.

Inirapan na naman niya ako.

Papunta siya sa akin sa kaniyang mabilis na paglipad tapos binigyan ako ng atakeng pampisikal. Nilabanan ko rin siya na kada suntok niya ay madedepensahan ko iyon, kompara kanina, mas nakikita ko na ang mga kilos niya ngayon.

Naglabas siya ng energy bomb sa pagitan namin kaya pareho kaming tumalsik pero nagawa kong pahintuin ang katawan ko at umatake sa kaniya. Nilabasan ko siya ng thunder bolt. At nag astral projection para sanggain siya sa likod niya. Sinipa siya ng astral projection ko tapos ini-spike ko naman siya sa orihinal na katawan ko kaya ang katawan niya naman ang bumaon sa ground.

Itinuon ko ang kamay ko tungo sa kaniya tapos nilabasan ng fire explosion nang tatlong beses.

Huminto muna ako at tiningnan ang katawan niya, unti-unti siyang bumangon at tumawa sa akin. Tiningnan niya ako sa itaas habang pinapahiran ang dugo sa kaniyang bibig. Tumawa ulit siya.

Nakakatakot talaga siya.

Lumutang na naman siya habang nakatitig sa akin. Parang mas nasasabik pa siya ngayon.

"It's fun," nakangising sambit niya.

Ewan ko ba kung anong nasa utak niya, tama ba 'tong pinasukan niya? Baka dapat sana ay sa mental hospital siya ilalagay, hindi sa Zodiac University.

Biglang nag-iba ang aura niya, mas lalong lumakas. Bigla siyang gumawa ng destruction storm sa loob ng field na tinatatayuan namin, makokontrol ko ang hangin pero hindi sa ganito kalakas. Mamamatay kami pareho nito. Hindi lang kami kundi lahat ng tao sa training grounds.

"Destruction Storm Max level!" sigaw niya.

"Stop Lexi! You're killing everyone!" sigaw ko.

At totoo ngang binitawan niya iyon kaya wala akong ibang choice kundi ang gamitin ang pinakamalakas na apoy sa katawan ko.

Ikinulong ko ang katawan niya gamit ang water thread para hindi na niya makokontrol ang bagyo. At tinunaw ang kapangyarihan niya gamit ang apoy ko, Max level din.

At noong huminto ang bagyo ay inihinto ko na rin ang kapangyarihan ko, sabay kaming pabagsak sa ground dahil ako, medyo naubusan ako ng lakas sa ginawa ko kanina. Kailangan ko lang talagang mas taasan ang lebel ng kapangyarihan ko kaysa sa kaniya.

Nasa gilid siya ng bangin na nakahandusay ang katawan. Hindi siya gumalaw pero nararamdaman ko pa rin ang aura niya, it means buhay pa siya.

Sa hindi inaasahan ay biglang nag-crack ang ground sa paligid ni Lexi kaya siya nahulog tungo sa butas.

This concludes that Karsten is the winner.

KINALAUNAN

Nasa higaan ako ng aming dorm, higaan ni Karsten, nagpapahinga. Mabuti nalang at inaalagaan ako ng tatlo.

"Ang galing mo kanina Karsten!" puri ni Ara sa akin.

"Tama, sa sobrang lakas ni Lexi, natumbasan iyon ni Karsten, grabe na talaga," sabi naman ni Cass.

"Sigurado ka bang hindi ka pupunta sa clinic? Dinig ko, bumalik na si Miss Twinkle galing sa labas ng campus," Oe.

Tiningnan ko lang sila't napangiti. "Group hug guys."

Nag group hug kami.

"Third Luan and Karsten Shol, please proceed to the principal's office immediately," announce.

"Looks like magiging busy na naman ako," sabi ko sa kanila. Iba talaga si Karsten.

Habang patungo ako sa principal's office, naaalala ko si Lexi, what did she mean by that?...

FLASHBACK..

"You like him?" tanong niya sa kaniya mala-bossy na tono.

"H-ha?" ako pero nawawalan na ako ng boses sa sakit ng lalamunan ko.

"He's mine," dagdag niya at mas binaon pa ako ng ground.

END OF FLASHBACK..

Nalilito ako sa mga nangyayari. Bakit nandito si Lexi na mag-eenrol ulit 5 years from now? And now that I think of it, hindi ko siya nakita noong nandito ako sa ZU dati. Who is she?

"Yo!" tawag ng aking atensyon sa taong nasa gilid ko. Si Third.

××××××

Zodiac University :
Travel Back in Time

© Axinng 2021

Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.

ZODIAC UNIVERSITY: Travel Back in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon