Chapter 36

137 12 0
                                    

--- SKY'S POV ---

"T-Third." Bulong ko at napatikom ako ng aking bibig nang namalayan kong nasa tabi si Cyrus sa akin. Mukhang narinig niya yata ang sinabi ko.

Tumayo si Cyrus. Pinapalibutan siya ng maiitim na usok at glitters. He's walking so confidently like he never feared anything. Even though nasa harap niya ngayon ang Zodiac Circle ay nanatili pa rin siyang nakataas-noo. Ito siguro ang dahilan kung bakit siya ang naging hari ng Dark Source.

"What the heck is this?" Sigaw ni Vita.

"Nasaan tayo?" Anna.

Lahat sila ay napalingon sa paligid, nasa loob kami ng kaharian ng Dark Source sa loob ng isang hindi pamilyar na kweba. Mas malakas ang pwersa ng Dark Source dito kaya sigurado akong manghihina kaming lahat dito.

"Sky! Sky!" Tawag sa akin ni Ara.

Guys, I am so sorry kung nadamay pa kayo rito.

"Sky, what is going on? What happened to you?" usap sa akin ni Blu gamit ang telepathy. Tiningnan ko siya.

Blu, protektahan mo sila, protektahan natin ang Zodiacus. Si Cyrus ang naging hari ng Dark Source---

Biglang naputol ang telepathy namin ni Blu. Kusang sumara ang chakra ko, hindi ko maintindihan. Parang may kumontrol sa energy wave ng kapangyarihan ko.

"Bumalik na ang ala-ala mo," wika ng katabi kong si Cyrus. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatuon sa akin ang kaliwang kamay niya na umuusok ng black hollow. He's controlling me.

"Sky!" Sigaw ni Third. Sinubukan ni Third na lumapit sa amin ngunit hinarangan siya ng parihabang puti na nakapaligid sa kanila. Parang ikinulong sila sa loob ng parihaba at hindi makalabas.

Galit na galit na si Third kaya ginawa niyang suntukin ang barrier ng parihaba, pero matigas ito kaya hindi siya nagtagumpay. Pati na rin sina Grus at Crater ay pinagsusuntok ang barrier pero wala pa ring nangyari.

"Oo! Naaalala ko na ang lahat, Cyrus! At naalala ko kung sino ka talaga, kilala kita, hindi ka ganito Cy! Wake up!" Sagot ko sa kaniya at napatayo.

Humarap siya sa akin at tumawa. "Sobra pa ako sa gising, Sky. Ganito talaga ako, hindi mo ako kilala,---pero ikaw? Mukhang mas hindi mo kilala ang sarili mo, are you going to stay in this facade forever? You are a Dark Source, know where you stand."

Tumingin ako sa mga kaibigan ko at kay Third. Nagtutulungan silang sirain ang barrier.

"No, I am not, Cyrus. And I clearly know where I stand," wika ko. Ginamitan ko ng mahika ang barrier para masira ito. And the Zodiac Circle is now free.

"Sky, you are now my bride, bakit mo ba kinakalaban ang tadhana? Itinadhana kang maging Reyna ng kaharian ng ama mo," sabi niya.

"Y-you, you saw my father's face, didn't you?" tanong ko.

"I did." Dahan-dahan siyang napalingon kay Third. "And that's the reason why you have to be with me." Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa ulo ko at nilabasan ako ng black hollow. Nararamdaman kong umiilaw ng pula ang mga mata ko, nararamdaman ko ulit ang kapangyarihan ng Dark Source sa katawan ko.

"Stay away from her!!" Nilabasan ng water sprint ni Third si Cyrus pero marahan lang itong natamaan na hindi man lang natumba si Cyrus sa kapangyarihan niya. At ngayon ay galit na ang ekspresyon ng dalawa.

"Oh no, the heat is up," sabi ni Carina.

"Oh wow, I've been waiting for this moment, Third versus Cyrus," sabi ni Vita tapos nag cross-arm.

"Shut up Vita, may mamamatay sa kanila sa ganitong paraan," singhag ni Cass.

Kinalaunan ay unti-unting nag-iba ang kasuotan naming lahat ng Zodiac Circle, na kung saan nakasuot kami ngayon sa aming mga school uniforms sa Zodiac University with our rank badge. Kaming lahat ay Diamonds samantalang si Cyrus ay Platinum. Ngayon ko lang nakita ang badge ng Platinum, as in super ganda.

"What? Isang Platinum si Cyrus?"

"No way!!"

Unang umatake si Cyrus kay Third at si Third ay tumalsik sa malayo.

"Sulitin na natin ang pagdating dito, let's get ready to rumble..!" Sigaw ni Kim.

At ngayon ay nakikipaglaban na ang Zodiac Circle sa mga Dark Source sa paligid at naglaban naman ngayon sina Third at Cyrus. Nakatayo pa rin ako sa pwesto ko habang na tongue-tied na nanonood sa mga kaibigan kong nakikipaglaban. Why is this happening again? Akala ko ba tapos na ang labanan sa pagitan ng Zodiacus at Dark Source?

Third...

Cyrus...

Tumakbo ako para puntahan sila. Lumabas na sila ng venue dahil sa labanan. Hinanap ko sila dahil bigla silang nawala, pati ang mga Zodiac Circle ay nagsplit-up. Hindi ko na alam kung saang parte na ako ng kaharian tapos may humarang sa daraanan ko. Si Karsten.

"No Sky, hindi kita papayagan na pigilan sina Third at Cyrus. Kailangan mong makita na ang taong pinakamamahal mo ay mamatay sa kamay ng taong mahal ko. Watch him die, Sky Nunez," nakangising bungad ni Karsten sa akin. Bigla niya akong nilabasan ng fire wreck kaya agad akong umiwas.

"Karsten! Please!" Nagmamakaawa na ako sa kaniya. Hindi niya naiintindihan kung anong gusto kong mangyari sa puntong ito, at wala rin akong balak na magpaliwanag.

Sunod-sunod na fire bomb ang inilabas niya sa direksyon ko, gumawa agad ako ng shield barrier tapos nilabasan din siya ng fire wreck. Nagteleport siya tungo sa likod ko at binigyan ako ng fire punch pero nasangga ko iyon at nilabasan agad siya ng thunder bolt. Tumalsik siya malayo sa akin. Tatakbo na sana ako pero natamaan niya ako ng fire ball na sobrang laki. Wala akong ibang choice kundi kontrolin ang mga ugat sa lupa at ituon ito sa kaniya.

Gagapusin ko na sana siya sa mga ugat pero tinamaan ang braso ko ng isang matalim na bato, tumutulo na ang dugo ng sugat sa braso ko.

Ang ginawa ko nalang ay ikinulong ko si Karsten sa isang wind tornado at doon ko siya ginapos ng mga ugat. Pero nakalimutan kong may psychokinesis siya kaya sabay na tumama sa akin ang mga matatalim na mga bato na inihanda niya. Mabuti nalang hindi ganoon kalalim ang mga sugat na natamo ko.

Sobrang off-guard ako kay Karsten. Minamaliit ko lang ang kakayahan niya.

Ang mga ugat ay hinaluan ko ng mga kidlat na ngayo'y nakagapos sa kaniya. Mananatili na muna siya rito hanggang sa magiging okay na ang lahat.

Umalis ako.

××××××

Zodiac University :
Travel Back in Time

© Axinng 2021

Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.

ZODIAC UNIVERSITY: Travel Back in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon