--- SKY'S POV ---
Pinagmasdan ko ang mga teachers, staff, at sir Polaris na dumaan sa isang black hole papunta na ng venue ng graduation ceremony. As the black hole slowly fading, mas lalo akong kinakabahan sa maaaring mangyari. Malakas ang kutob ko na lulusob ang dark source bukas na kung saan wala ang mga pinakamalakas sa campus.
Nyemas, nakakabagot talaga kapag ako lang ang may alam sa kung anong mangyayari kinabukasan.
But despite of what miss Friah said, hindi ko pa rin mapapanatili ang mga paa ko sa ganitong sitwasyon. I may unable to escape the destiny but at least I have to minimize the damages.
Pumunta ako sa Bronze at Silver buildings para utusan sila na gagawa ng activity sa training grounds in the morning until noon. I have to seal the training grounds para walang makakapasok na dark source doon.
Ang Gold rankers naman ay tutulong sa pagprotekta ng buong campus.
ARGH! I AM NOT SURE KUNG GINAGAWA KO BA ANG TAMA!
Papunta na ako sa Dormitory nang nadatnan kong nag-uusap sina Third at Lexi.
"Why can't you accept me? I've been trying so hard to be the best just so you could notice my affection for you, yet you still reject me?" Dinig kong sambit ni Lexi kay Third. Mukhang nanginginig pa nga ang boses niya, parang umiiyak.
"Alam mo Lexi, hindi talaga ako sigurado kung bakit mo ako nagustuhan. Yes, you are amazing, you are perfect but that doesn't mean that you can always have what you want. I am sorry, this is the last time na sasabihin ko ito sa'yo. I cannot give the same affection you have for me to you." Seryoso na sagot ni Third kay Lexi. Tuluyan nang umiyak si Lexi kaya hindi nito napigilan na sampalin si Third nang napakalakas. Tapos umalis siya.
I can also feel Vita's aura nearby, pero nawala ito nang umalis si Lexi.
"Karsten," wika ni Third nang mapansin niya akong nakatayo sa 'di kalayuan niya.
Nag-cross arm ako habang papalapit sa kaniya. "Ano bang problema kay Lexi? She's an ideal girl, why did you turn her down?"
Kung makapagsalita talaga ako parang hindi ako ang girlfriend niya. Pero ano ba, na curious ako eh haha.
"Do you really wanna know?" agad na reply niya.
"If allowed, why not?"
Tiningnan niya ako sa mata, "dahil may hinihintay ako."
Natigilan ako. Teyka, ano bang ibig niyang sabihin? Parang alam ko ang pakiramdam na ito ah?
"Hindi pa rito magtatapos ang pagsasama natin. Magkikita ulit tayo. Hindi man kita makikilala, pero mararamdaman kita. Iyan ang huling sinabi ko sa taong hinihintay ko," dugtong niya habang mas lalo na tinitigan ako sa aking mga mata, doon ko nalang namalayan na dumampi na ang kaliwang kamay niya sa jawline ko.
I can feel my eyes bursting in tears, pero agad akong umatras sa kaniya at umalis sa harap niya.
Because those words, --are what he said to me back in Zodiac High, noong bago ako nag-drop out ng school. H-he still remembered it kahit na nawala na ang mga ala-ala niya sa Zodiac High.
Pagpasok ko sa dorm namin, sabay na tumingin sa akin ang mga girls.
Ngumiti nalang ako sa kanila. "Bukas... pwede niyo ba i-activate ang zodiac powers ninyo? Gamitin niyo ito upang proktektahan ang isa't-isa... A-at sana, protektahan niyo rin si Third," ani ko.
"HUH?" Sabay silang nagtataka sa sinabi ko.
"Woah woah wait, I really think Oe is right, may nagbago nga talaga sa'yo Karsten. You are really giving us goosebumps these days," react ni Cass.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at niyakap ko sila.
"Ano bang problema mo uy?" Oe.
"Okay ka lang ba Karsten? Tell us what happen," Ara.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Umiyak ako sa harap nila.
"Karsten, tell us." Hinawakan ni Oe ang magkabilang balikat ko.
"G-guys, malakas ang kutob ko na lulusob ang dark source dito bukas," direktang tugon ko.
"Huwag ka ngang magbiro nang ganiyan Karsten," Ara.
"--so please protect yourself, and take care of Third also," dagdag ko.
SA MADALING ARAW
Nagising kaming apat nang may narinig kaming malakas na pagsabog sa labas. At doon na mas lumakas ang kaba ko. I'm right. Sa graduation day nga talaga lulusob ang dark source.
"Guys, they're here, do not be afraid, fight!" sabi ko sa kanila na hanggang ngayon ay nanlaki pa rin ang mga mata sa biglaang pangyayari.
Agad akong nagteleport sa labas ng hallway. It's still 4 am kaya tulog pa ang mga estudyante, kaya ginising ko sila.
"Karsten? What is going on?" tanong ng kakalabas na si Gino sa kanilang dorm nang mapadaan ako nito.
"Dark Source," ikling sagot ko. "Please call the attention of bronze ang silver ranker to go to the training grounds right away," utos ko.
"Guys! Wake up! Emergency!"
Tuloy-tuloy pa rin ang pagsabog sa labas kaya mas naalarma kami.
Huminto na muna ako para mag astral projection. Tiningnan ko ang kalagayan ng labas, sira-sira na ito at ang daming dark source na nakatayo sa labas ng dorm building.
Agad akong napaluhod nang nararamdaman kong nanghihina ako. Parang nawawala ang kapangyarihan ko.
No, no, hindi maaari.
I-I have to protect them no matter what.
"Karsten! What should we do?" tanong nina Carina sa akin.
"You must activate your zodiac power! Protect each other and fight the dark source," tugon ko.
"Karsten, alam mo na ba dati pa na lulusob ang dark source dito?" tanong nila.
Tumayo ako't umiwas sa tanong nila. Agad akong nagtungo sa training grounds kung saan ko nararamdaman ang aura ni Gino at ibang mga estudyante.
"Gino!" tawag ko.
"Karsten, nandito na sa loob ang lahat ng bronze at silver. Ano na ang gagawin natin?" Gino.
"I will seal it."
Bago ko pa isinara ang daanan ng training grounds ay itinulak ko si Gino roon para masali siya sa ibang estudyante.
"Karsten! What are you doing?!" sigaw niya.
At agad kong isinara ito sa natitirang lakas ko. Nilagyan ko rin ito ng napakalakas na shield barrier para hindi ito basta-bastang mabubuksan ng dark source.
Hanggang sa napaluhod ako't dumudugo ang ilong ko, nanghihina ako. Bakit?
Napasangga ako ng aking kamay sa lupa at nakitang lumabas ang simbolo ng Aries sa braso ko. My Ophiuchus is slowly fading. Augh!
"Hehehee," rinig kong tawa ng taong nasa gilid ko. Isang dark source.
××××××
Zodiac University :
Travel Back in Time© Axinng 2021
Please do not forget to vote for this chapter and follow me. See you on next chapter.
BINABASA MO ANG
ZODIAC UNIVERSITY: Travel Back in Time
Fantasy(Sequel) After their graduation day, they thought that they will finally have their peace and freedom but little did they know that the battle they had 5 years ago when they were declared as the newest Zodiac Circle members, was yet unfinished. This...