Chapter 46

284 7 1
                                    

Hello!! Teka, dahil sa request ng aking baby eh eto po. POV ni Josh! Hahahaha!! Grabe, bet na bet ko siya eh. So eto na po.

Josh’s POV

[Ha-ha?]

“Wa-wala! Sige bye” I ended the call at hinagis ang phone sa kama ko. Damn! Kala ko mamamatay na ako dahil walang hangin sa dibdib ko. Anong nangyayari sa akin? Malala na ata talaga ako, lakas na ng tama ko sa babaeng yun. First time kong magsibak ng kahoy at mangharana.

At first time kong kabahan ng ganito sa isang babae.

Yeah, ibang iba sa naramdaman ko kay Callie, yeah right Josh Callie na lang tawag mo sa kaniya. Naupo ako sa kama ko at tinignan yung cellphone ko. Kelan pa ako natorpe at sa cellphone nagtanong sa isang babae kung pwede ko siyang maging girlfriend? Tsk tsk.

Makapasok na nga lang, naligo at kumain na ako saka umalis na bahay. Habang naglalakad, di ko pa din maalis sa isip ko yung ginawa ko sa kaniya. Grabe, ano bang pinakain sa akin ng babaeng yun at ganito na lang ang nararamdaman ko para sa kaniya?

Dahil ba sa pagtawag niya sa akin ng Mister Bunny? Dahil ba sa napakalas niyang sigaw at matinis na boses? Sa buhok na laging naka pigtail? Dahil sa ayos niya na parang bata or dahil ibang iba siya sa mga babaeng nakilala ko?

“Callie” nakita ko siyang tulala, anong nangyari sa kaniya? hindi siya lumingon sa akin kaya nilapitan ko na siya.

“Callie” sabay hawak sa braso niya. This time tumingin na siya sa akin at halatang umiyak siya.

“Josh” pagkatapos ay niyakap niya ako. Kahit hindi ako tumingin alam kong umiiyak siya.

“Hay. Bakit ka umiiyak? May problema ba? Anong nangyari?”  hinimas ko yung likod niya.

“Wala na ako. Niloko niya ako, ang sakit Josh sobra. Hindi ko akalain na magagawa niya yun sa akin”-Callie.

“Ano bang ginawa niya? Gago pala yun eh”

“He’s still in love with his ex. Remember Jasmine yung nakwento ko sayo dati. Hindi pala totoong patay yun and kagabi nakita ko silang naghahalikan and sinabi ni Artemyo na mahal niya pa din si Jasmine”-Callie.

“What? Eh gago pala talaga ang lalaking yun eh!! Pero tama lang yang ginawa mo, stop crying coz he’s doesn’t deserve your tears. Callie, makakalimutan mo din siya at makakarma din siya sa ginawa niya” nag ring na yung bell so it means kelangan na naming pumasok. Inalalayan ko si Callie kasi nanghihina siya. Grabeng pagmamahal niya para kay Aidan tapos eto pa gagawi niya?

Speaking of the devil ….

“Josh” awat sa akin ni Callie! Putek ng yan kating kati talaga yung kamao kong upakan ang Gagong Aidan na yan.

“Mr. Santos, Ms. Mercado take your sit now” bwisit!! Ang kapal ng mukha niya talaga!! Gaya ng sinabi ng professor namin eh umupo na kami. Habang nakikinig sa klase, nakita ko si Callie na paminsan minsang yumuyuko tapos sumisinghot. Hay, umiiyak na naman siya. Tsk tsk, hindi naman siya ganiyan nung nagbreak sila ni Kuya James. Iba talaga tong si Aidan.

Pagkatapos nung klase namin nagpunta muna ako ng locker ko para itago dun yung mga libro ko. Paalis na sana ako ng makita ko si Aidan …

At may kasama siyang babae.

Hawak niya sa pisngi yung babae, siya siguro yung Jasmine? Teka!! Nilapit niya yung mukha niya sa babae!! Di ko kasi makita kasi nakatalikod sa akin yung babae eh. Pagkatapos eh pinat niya sa ulo yung babae saka umalis! Putek, dapat maganti ko si Callie. Hinagis ko na sa loob ng locker yung libro ko, wala akong pakiealam sa ayos at pagkatapos nilapitan ko yung babae. Andun pa din siya, di natinag ha?! pwes.

My Valentine TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon