Kylie’s POV
“Tay naman!!” grabeeeeeeeee!!
“Bakit ka ba sumisigaw diyan? tinatanong lang kita. O siya ipagluto mo na sila at baka magising sila. Alis muna ako” hinalikan ako ni Tatay sa noo bago lumabas ng bahay.
Nobyo mo ba siya?
Waaaaaaaaaaaah!! Si Tatay echusero!! Nagsibak lang ng kahoy nobyo agad? Eh paano kaya pag ginawa ni Mishter Bunny tong bahay edi asawa ko na?? Hmmmmmmmmm, nice idea! Tamang tama ay may sira yung sa may bubong namin. Hihihi :”>
“Hoy!”
“Ay sira!! Bakit ka ba nanggugulat?!” sino pa nga ba? Edi si Mishter Bunny! >3<
“Hindi kita ginulat. Kala ko natuklaw ka ng ahas, nakatayo ka lang diyan”-Mishter Bunny.
“Natuklaw ng ahas o ng pag-ibig mo?” napatakip ako sa bibig ko!! Hala ka naman Kylieeeeeeeeeeeeeeee!! Kung anu ano sinasabi mo.
“Ba-baliw” tapos iniwan na niya ako! Waaaah! Nakakahiya, baka isipin niyang may gusto ako sa kaniya. T^T ..
Kasi naman Kylie, sa susunod mag-ingat ka sa sasabihin moooooooo!!
Callie’s POV
Ang ganda talaga dito sa probinsya nila Kylie, well dati pa naman nagagandahan na ako. Pero iba ngayon .. nasa may tabi kami ng ilog kung saan nagsagutan kami ni Artemyo, kung kelan naglabasan kami ng sama ng loob. Nakapaikot kami sa bon fire.
“Akalain niyo yun, parang kelan lang tayo huling pumunta dito tapos pagbalik natin ibang-iba na tayo”-May.
“Paanong iba?”-ako.
“Eh kasi dati ikaw at si Allen, ngayon sila na ni Ayshan. Tapos dati hindi kami ni Ken at ang mas maganda dun”-May.
“Kayo na ni Aidan” sabi ni Ken.
“Akala ko nga mamamatay na ako nun sa titig ni Arthem eh.”-Allen.
“Patay ka na nun sa utak ko” sabi ni Artemyo.
“Kasi napakaseloso! Hindi pa din nagbabago!”- kantyaw ni Allen.
“Ikaw ba makita mong ganun ako ka sweet kay Ayshan anong gagawin mo?”-Artemyo.
“Aba! Papatayin talaga kita hindi lang sa utak. Pero alam niyo guys na ang lakas manuntok niyang si Arthem? Kala ko nga nabasag yung panga ko nun eh”-Allen.
“Psh. Pasalamat ka pinigilan ako ni Jasmine nung kung hindi bugbog sarado ka talaga”-Artemyo.
Nakatingin lang kami sa kanilang dalawa. Nakaka OP, malay ba namin sa nakaraan nila? At si Jasmine, sobrang mahal talaga siya ni Artemyo.
“Nakuuuuuu~ parang may nagseselos dito!” sigaw ni Ayshan, pagkatingin ko sa kanilang lahat.
“Anong problema niyo?” pano kasi kung makatingin sila sa akin!
“Jelling ka noh?”-Ken.
“Hindi noh!”-ako.
“Selos?”-May.
“No.”-ako
“Eh nahuhurt ka?” tanong ni Ayshan. Nawala yung ngiti sa mukha ko.
“bakit naman ako masasaktan?”-ako. Ayoko namang sabihin sa kanila na OO, tutal past na naman yun eh. Mas mahalaga eh yung ngayon.
“Yes, bakit siya masasaktan eh siya yung mahal ko?” naramdaman kong inakbayan ako ni Artemtyo. Tumingin ako sa mga mata niya at nakita kong parang may gusto siyang itanong sa akin.