Chapter 23

364 8 5
                                    

Yeheeeey!! Bakasyon na! Kaso nga lang walang baon! Hahaha, nakakahiya kasi ngayon lang ulit ako mag uupdate. Sana may mga nagbabasa pa din neto! Yun lang ^_^

************************************************************************************************************

Sofie’s POV

“Baka ngayon pwede mo ng sabihin yung tungkol kay Artemyo?” tumigil siya sa pagliligpit ng libro at tumingin sa akin ng seryoso.

“Gusto mo ba talaga?” tumayo siya at nilagay ang mga libro sa cabinet. Andito kami sa bahay niya.

“Malamang! Tatanungin ko ba kung hindi?” minsan mga tanong din neto eh noh? Tsk tsk. Umupo sa katapat kong sofa. Nasa gitna namin ang isang maliit na lamesa.

“Oo nga naman. Hehe “ napakamot pa siya sa batok niya.

“Dali na kasi! Sabihin mo na!” binato ko siya ng unan. Pano naman kasi pabitin ba!!

“Aray! Huwag ka ngang mambato diyan. Bakit ka ba excited na malaman yung nakaraan ni Arthem? Siguro may gusto ka sa kaniya noh? Hahaha!” at tumawa siya ng napakalakas, maubo ka sana!

“Sasabihin mo ba o hindi?” sinamaan ko siya ng tingin. Buti naman at tumigil na siya kakatawa.

“Sasabihin na nga eh. “ umayos siya ng upo at sumeryoso ang mukha. Eto na, malalaman ko na kung sino ba talaga si Artemyo. Seryoso lang akong nakatingin sa kaniya. Huminga muna siya ng malalim saka nagsalita.

“Matalik kaming magkaibigan ni Arthem simula nung first year college. Tipong magkapatid ang turingan namin, kahit saan lagi kaming magkasama hanggang sa nakilala namin yung iba pa naming mga kaibigan. Lagi kaming napapaaway nun dahil ang angas ng dating ni Arthem, tipong tingin pa lang kala mo naghahamon na ng away” oo nga, kakaiba tumingin si Artemyo, tagus tagusan sa kaluluwa mo eh. Naalala ko na naman nung maysakit siya.. Bbbbrrrr ..

“Kaya kahit hindi namin gusto eh napapasubo talaga kami sa gulo, away dito,away dun. Laging ganun ang eksena kapag pauwi na kami, lagi kasi kaming inaabangan ng mga gagong yun sa labas ng university namin” a-ano sabi ni Allen? Ga-ga .. bigla naman siyang napatingin sa akin.

“Oh bakit ganiyan istura mo? Parang natatae lang” kinuha niya yung juice at uminom. Talagang hindi niya alam na nakapagmura siya? tssss. Professor ba talaga to?

“Wa-wala. Sige tuloy mo na” binaba niya yung baso saka sumandal sa sofa.

“Gaya nga ng sinabi ko, lagi kaming napapaaway. Eh ano bang malay namin sa pakikipaglaban? Kaya yun, lagi kaming umuuwi sa bahay ng pasa pasa ang mukha” hindi marunong lumaban? Eh bakit dun sa bar?

“Hahahahahaha!! Naniwala ka naman?! Hahahaha. Siyempre hindi kami papayag na magasgasan yung gwapo naming mukha kaya lumaban kami. Sarap ngang basagin ng mga mukha nila.” At talagang proud pa siyang sabihin sa akin?

“Teka nga” huminto naman siya sa pagtawa at tumingin sa akin ng seryoso.

“Bakit?”

“Uhm, gangster ka ba?” diba ganun yun, pag mahilig makipag away gangster?

“Oo, pati si Arthem” nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. teka totoo ba yung narinig ko??

“Si-si Artemyo?? Gang-Gangster?” waaaaaaah!! Nakakatakot pala yun, now you know Callie. Huwag na huwag mo na siyang gagalitin!!

“Oo nga. Psh, siya yung bumuo ng grupo namin. Ang Blacklisted. Kasi ang tingin sa amin ng mga tao dun sa University eh mga basagulero at walang inatupag kundi ang makipag-away eh pinanindigan na namin, kahit hindi naman kami ang nag-uumpisa ng gulo” Si Artemyo mismo ang bumuo ng grupo nila??

My Valentine TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon