Ayshan's POV
Grabe!!!! 10 years na wala pa din yung lalaking yun?? walang pinagbago!
Yari talaga saken yun.
"Asan na kaya yun?" 2 hrs. na siyang late. May nangyari kaya sa kaniya? Hay naku Ayshan!! wag ka ngang mag-alala sa kolokoy na yun! Eh pano kasi ---
"Hay bahala nga siya!" anong akala niya sa akin? Yung dating Ayshan na kakilala niya!?? Pwes nagkakamali siya! Lumabas na ako ng SB. Muntanga lang ako dun eh.
Bzzzt Bzzzt
Sino kaya to? Pagtingin ko si Josh pala.
From: Josh
Ayshan! Dagdagan mo yung bayad ha, wala sa usapan na bibitbitin ko to pauwi sa bahay nila =_=. Nakatulog kakaiyak.
What??? Anong ginawa nya bakit umiyak sa Kylie? Tsk tsk!! agad kong dinial yung number ni Josh
[hello?]
"HOY! anong ginawa mo kay Kylie at umiyak yan???"
[Wala akong ginawa.]
"Anong wala?? Eh bakit umiyak yan???"
[Bigla na lang umiyak habang natutulog siya, tapos tinawag niya yung papa niya"
"Papa? Tsk. Oh asan-"
[Mamaya ka na tumawag, nahihirapan ako dito eh. Buhat ko pa siya sige]
Toot Toot
Asar! San ba ako pupunta neto? Pasaway naman kasi yung lalaking yun eh.
"Ayen!" bigla akong lumingon sa tumawag sa akin.
Akala ko ako yung tinatawag, hindi pala.
Ayen. Siya. Siya lang ang tumatawag sa akin ng ganun.
Flashback
"Ayen!" tumigil ako sa pagdadrawing.
"Hay naku Allen! Kelan mo ba ako titigilan sa pagtawag sa akin ng Ayen??" nakakainis kaya.
"Kapag dumating yung araw na isusumpa mo na yung color pink." nakangiti niyang sagot
"What? seryoso ka??" biglang nawala yung ngiti sa mukha niya.
"Oo. Mukha ba akong nagbibiro?"
"Well, para sabihin ko sayo NEVER kong isusumpa yung Pink!"
"So parang sinabi mo din na huwag akong tumigil tawagin kang AYEN" then bigla siyang ngumiti.
"Kasi naman eh! Hindi ka ba nagsasawang mang-asar ha?? Bakit ba yun ang tawag mo saken???" iniwas niya yung tingin niya sa akin. Naku ayus ayusin mo yang dahilan mo!
"Para katunog ng pangalan ko. Allen-Ayen, diba? Soulmate na soulmate ang dating!"
>////////<
"E-ewan ko sayo" grabe naman kasi tong si Allen!! Bakit ba ang sweet niya? Tsk! Ok. Ok. I admit, may gusto ako sa lalaking to.
"Teka nga, ano ba yang dinodrawing mo" nagulat pa ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko. Nakapatong kasi sa drawing paper yung kamay ko eh.
"Yung plate namin." tumango tango siya saka kinuha yung lapis ko.
"Sige na, ako na tatapos neto. Binilinan din ako ng kuya mong tulungan ka eh, ang gawin mo na lang eh ipagluto ako. Dali gutom na ko"
"Kung maka-utos" nag peace sign muna siya bago ko siya tuluyang iwanan.
Okay. Ako na lutang at mukhang ewan dito.
Yung feeling na para lang kaming mag-asawa??
Feeling lang naman!! Pwede bang mangarap?? Kasi alam kong hindi niya ako magugustuhan.
Imposibleng mangyari.
Madaming nagkakagusto sa kaniya at ang tingin niya sa akin eh nakababatang kapatid lang. Barkada kasi sila ni Kuya Marcus ko. Palagi din siyang tambay dito sa bahay kahit wala si Kuya. Kapal nga ng fez eh
Pagkatapos kong maluto yung pagkain ni Senyorito eh pinuntahan ko na siya sa sala
"Hay sa wakas! Tagal ha??" tinabi niya yung drawing paper ko saka kinuha yung plate na may pagkain niya.
"Kung makakain ka naman kala mo espesyal yung niluto ko" pancit canton lang naman yung hinanda ko. Hindi ako marunong magluto. Sorry naman daw.
"Yung luto hindi special, pero yung nagluto, OO"
pareho kaming napatigil at napatitig sa isa't isa
"I mean ano- special ka. Special child! hahaha!!"
"tse! ewan ko sayo" okay na eh. bakit nag ganun pa??
End of Flashback
Kaya simula nun lagi na niya akong tinatawag na Ayen, o di kaya ay A.J. Pansin niyo ba pareho kami initials? Parehong A.J
May mga pagkakataon na para kaming may relasyon dahil sa kasweetan namin. Minsan naman parang aso't pusa! Ang hilig niya kasing mang-asar!
Tipong kulang na lang eh sabihan niya akong I LOVE YOU at BE MY GIRLFRIEND ayos na.
Kaso, kinailangan kong umalis papuntang ibang bansa para mag-aral. Yung totoo kong Daddy kasi andun, yeah. Half brother ko si Kuya Marcus pero ayos naman kami. Dahil sa matagal kong hindi nakita ang Daddy eh pumayag na din ako.
Saan na ba ako pupunta ngayon? Ayoko na. Sobra na akong napapagod maghintay. Pwede bang magrequest?
Sa susunod naman, sana siya naman maghintay sa akin?
"Shocks" bigla na naman sumikip yung dibdib ko. Yeah, he once promised me na susundan niya ako sa America. But he didn't.
Naghintay ako sa taong hindi alam kung pano tumupad sa usapan.
Kaya nagdecide ako na pag nagkita kami, iba na ako, ibang iba na sa Ayshan na kilala niya. Hindi na magpapaloko sa kaniya! Hindi niya maiisahan at .
"AJ!" someone pulled me then .
O///////////O
"Shit! I thought iniwan mo na naman ako. Kala ko kung saan ka nagpunta, nag-alala ako sayo. Sorry if I'm late and hindi na to mauulit, Sorry" he said while hugging me. This feeling, this heartbeat. The same five years ago. Damn! Am I still inlove with this guy?