Chapter 15

360 8 4
                                    

Allen's POV

"San ka nagpunta dre?Kala namin di ka na babalik eh"Si Tom,katropa ko.

"May nakita ka atang chick! ga*o to di nangsasama!"-Felix

"Hahaha.Mga ulol tigilan niyo ako." Umupo ako katabi ni Marcus,ang pinakatahimik sa grupo. Sila yung mga tropa ko,si Tom,siya yung pinachikboy samen,si Felix na palaging napapaaway at si Marcus na pinakatahimik sa grupo. Meron pang isa,

"Puta! Badtrip!"-at dumating na nga ang bubuo sa BlackListed,si Jump.

"Oh,mukang naiputan ka ng ibon sa ulo ha! hahaha"-Felix.

"Gagu ka tumahimik ka diyan ha"-Jump

"Oh,awat,chill lang dre,ano bang nangyari?"

"Nagasgasan yung motor ko dre!"-Jump.Onga pala,may motto yan "Gasgasan mo na ang kwagong muka ni Felix,wag lang yung motor ko" .Adik diba?

"Sino nakagasgas dre?Ano resbakan na natin?"-Felix

"Wag muna,kelangan nating magplano ng mabuti.Buset!!!"-Jump

"Oy oy oy,hayaan niyo na lang mga dre."Muka na naman silang isip bata,padalos dalos

"Wow!! Si PROFESSOR ALLEN nagsalita HAHAHA"Lumapit saken si Tom " PROF! madami bang chicks sa school niyo ha?"-Tom

"Tumigil ka nga diyan,mga bata pa yung estudyante ko oy!"

"PROF naman! makikipagkaibigan lang naman eh! hahaha!"-Tom

"Sa itsura mong yan Tom matatakot kaagad yung mga babae!"-Jump

"Ulul ka Jump,asikasuhin mo na lang yung nagasgasan mong motor!"-Tom

"Aba't gagu ka!!"Sumugod si Jump kay Tom pero naawat naman sila nila Felix at Marcus.

"BITIWAN MO NGA AKO MARCUS!!"-Tom

"PU*A.ISA FELIX,PAG AKO HINDI MO BINITIWAN IKAW MAYAYARI SAKEN!!"-Jump

"Mga bata,chill lang kayo.May sasabihin ako sa inyo" Sumingit na ko,baka kasi dumanak pa ng dugo dito. Isa isa naman silang umupo sa kaniya-kaniyang pwesto.

"Tsss.Ano ba yun?"-Jump

"Si Arthem" Sabay-sabay silang tumingin saken,seryoso at may galit sa mga mata.

"Ano namang pakielam namin sa TRAYDOR na yun?"-Felix

"Lalo mo lang pinasama yung mood ko Allen"-Jump

"May iba ka pang balita?Yung matutuwa kami?"-Tom

"Ikaw Marcus?May sasabihin ka?"Tumingin ako sa kaniya.

"Tssss." Umalis siya ng kwarto. Nice.

"Andun siya sa University na nilipatan ko"

"Yun! Di na pala natin kelangang hanapin pa ang TRAYDOR na yun!"-Felix

"Makikita niya kung ano ang resulta ng PAGTATRAYDOR niya saten! Damn!"-Jump

"Chill lang kayo,"

"Teka Allen,wag mong sabihing nakalimutan mo na yung ginawa ng gagong yun?!!"-Tom

"Of course not! Mga hindi kayo nag-iisip,palibahasa basag ulo kagad gusto niyo"

'Edi ikaw na nakapag-aral'-Tom

"Edi ikaw na mahinahon"-Felix

"Edi ikaw na nag-iisip"-Jump

"Mga gago,tumigil nga kayo.Siyempre kelangan nating paghandaan yung gagawin natin sa kaniya,sa ginawa niya saten,maraming nawala sa atin"

Nagtataka siguro kayo kung bakit galit na galit tong mga kolokoy na to kay Arthem?TRAYDOR kasi yung si Arthem.Yun lang ang dahilan,wala ng iba.

"Sige nga,ano yang plano mo?"-Tom

"First step,ipaalala sa kaniya ang ginawa niya sa BlackListed"

**************************************************************************************************************

Andito ako sa Supermarket dahil kelangan ko ng mamili,wala na kong makaen sa condo ko.Ship.

"Callie!" Oo,si Callie yun,di ako pwedeng magkamali.

"Oh Allen! Small world ha"-Callie

"Oo nga eh,hindi mo ata kasama yung kapatid mo?".

"Oo eh,iniwan ko sa bahay,kasama ni Arte-" O.O - Muka niya

"Sino kasama niya?" 

"Ah eh. Si ano,tsk si Ate! Oo,si ate.hehe" Iniwas niya yung tingin niya saken,naglakad kamin papunta sa snacks area.

"May ate ka pala?"

"Wala ha.Ay oo,ay hindi wala,ano yun,yung,katulong namin.hehehe" Muka siyang nagsisinungaling na ewan.Hmmmm

"Ganun ba.Buti may kasama ka sa bahay,mahirap na kasi pag ikaw lang mag-isa,lalo na't babae ka"

"Oo nga eh,"

"Kamusta na yung nagagawa niyo para sa presentation niyo?"

"Ok na naman,may nagawa na kami."-Kumuha siya ng 3 ice cream.

"Ang lakas mo palang kumain ng ice cream,iba't ibang flavor pa" 

"Hahaha! Oo nga eh,kasi naman para matikman ko lahat.hehe"

"Buti kahit malakas ka kumain ng ice cream maganda pa din figure mo"Totoo naman,hindi siya ganun kapayat,hindi din siya ganun kataba.Tama lang

"Hay naku,ikaw binobola mo na naman ako ha.hahaha" 

Inaya ko muna siyang kumain sa may kfc tutal malapit lang naman.Nagkwentuhan lang kami dun,ang lakas niyang kumain.Nag excuse siya sandali kasi oorder daw siya pero take out.Pagbalik niya.

"Wow! Anu yan Callie?May pyesta sa inyo?Hahahhaa" Bumili kasi siya ng 2 bucket meal.Ang takaw

"Wala no! Siyempre paghahati-hatian namin to nila Yaya at Ash,mabuti na yungmay extra diba? ^_^v" 

"Hahaha,kung sa bagay,kahit naman ata anung takaw mo maganda ka pa din"

O.O------> Ako at Callie

"Hahahahahahahahahahha!!! galing mo talagang magjoke Allen!hahahaha" Tawa siya ng tawa.Weeep! pati ako nagulat sa sinabi ko.

"Teka Allen kelangan ko ng umalis ha" Tumingin siya sa relos niya tapos saken "Isang oras na pala tayong nag-uusap"

"Oh?"Tumingin ako sa relos ko,7:30 pm na pala " Oo nga noh,sige,hatid na lang kita tutal dala ko na naman yung kotse ko"

"Ay naku wag na,ahm,malapit lang naman ako dito eh.Hahaha." Sinabayan ko siyang maglakad papalabas ng Kfc,

"Ash?" Napatingin ako sa tinitignan ni Callie.

Si ASH at Athem,magkasama?

**************************************************************************************************************

WAAAAH. sorry sa lame update! hahaha. please vote,comment and be a fan na din po :) thank you !! :**

My Valentine TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon