Chapter 26

342 7 3
                                    

Aidan’s POV

“Aidan” tumingin ako kay Kuya Arnold na seryosong nakatingin sa akin.

“What?” tinaas ko yung bote para uminom pero naramdaman ko yung pagpigil niya sa akin.

“Stop it. Nakakasampung bote ka na” I glared at him.

“Leave me alone” tinabig ko yung kamay niya at tinuloy ang pag-inom. Shit lang kasi!

“Gago” sabi niya saka umupo sa kaharap kong sofa. I know. Napakalaki kong gago.

“I said leave me alone!” putek! Hindi ba siya nakakaintindi?!

“Sa tingin mo madadaan mo ko sa sigaw mo Aidan Arthem Locsin? Look at yourself! So miserable!” miserable? Yah. Ganiyan nga ang itsura ko ngayon. Eh bakit ba? Dito ko lang malalabas ang galit ko sa sarili ko!

“Dati pa ako miserable. Until I met that crazy girl” she said goodbye. Yeah, ang OA ba? Lilipat lang ng bahay pero ganito na ako kagago ngayon. Well, you can’t blame me.

“And that is Callie? Tell me bro, siya ba ang dahilan kung bakit ka mukhang gago ngayon ha?” Seryoso niyang tanong.

“Yes” as expected, hindi na siya nagulat sa sagot ko. Tumayo siya at lumapit sa akin para tapikin yung balikat ko.

“I told you bro.” After that eh umalis na siya. Ako na lang naiwan dito sa sala.

Naiinis ako! Bakit bigla siyang nagbago sa akin? Damn! Akala ko ok na kami? Akala ko napatawad na niya ako? But with just that fcking call nagalit siya sa akin? Dahil sa nagulat ako sa reaksyon niya I immediately went to her house. Hindi ako nagdoorbell baka kasi maistorbo ko siya. Mukha akong aso dun na nakatingin sa bintana niya. So she’s telling the truth, nagrereview nga siya. Ok, tanggap ko yun. Nung pinatay na niya yung ilaw saka lang ako umalis. I want to text her. I want to call her pero baka magalit lang siya sa akin kaya umuwi na lang ako.

And then kanina. Nung makita kong magkasama sila ni Allen. Parang gusto kong manapak. That bastard! Anong karapatan niya para maging masaya?! Anong karapatan niya para hawakan si Callie?

Selfsih?

Yes I am. Selfish ako.

Lalo na at sa taong mahal ko.

I admit! Mahal ko si Callie. Pero anong karapatan kong ipagdamot siya? kung nakikita ko naman siyang masaya sa iba?

Blaaaag

Hinagis ko yung bote! Ang sakit! Tangina lang. Gusto ko siyang ipagdamot! Gusto ko ako lang lalapit sa kaniya! Gusto ko ako lang kakausapin niya! Gusto ko lagi ko siyang kausap! Makita! Makasama! Pero ang makita ko siyang masaya, at dun pa sa lalaking kinamumuhian ko.

Parang gusto ko ng mamatay

Sino ba ako para ipagdamot siya? Kaibigan lang niya ako! At hindi ko pa naaalis sa puso niya yung gago niyang ex! Mahal ko siya pero imposibleng mahulog ang loob niya sa akin! Anong iisipin niya kapag nalaman niyang mahal ko siya? malamang sa hindi lalayo siya sa akin at yun ang hindi ko hahayaang mangyari. Ok na sa akin yung ganito. Ang makita siyang masaya

Kahit unti unti akong namamatay.

******************************

Sofie’s POV

“Sofie ok ka lang?” tanong sa akin ni May. Hindi May, hindi ako okay.

“O-oo naman” nilipat ko yung page ng libro ko. Ang sakit ng mata ko, buong gabi akong umiyak. Sobra kasi akong nasasaktan.

My Valentine TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon