Ayshan’s POV
“A-ano sinabi mo?” humiwalay siya sa yakap saka ako hinarap sa kaniya.
“Sabi ko kahit kelan ang hilig mong mang-iwan.” –Allen.
“Aray! Ano ba!” bigla niya kasi akong pinitik sa noo >.<
“Aray aray ka diyan. Bakit ka ba umalis dun ha? Sandali lang akong-“
“Anong sandali? Eh halos dumikit na yung pwet ko dun sa upuan kakahintay sayo tapos sasabihin mong sandali ka lang?? eh kung binatukbatukan kaya kita diyan?” sayang! Nakailag siya!! Amp!
“Sus! Ako babatukan mo? Eh mahal mo kaya ako kaya hindi mo yun magagawa.” Aba! Aba lang talaga! Ang kapal ng mukha!!
“Whatever! Uuwi na ako, nawala na ako sa mood.” Nakakainis! So kelangan sabihin yung ganun?? Ha! Hindi niya ba alam na nakamove on na ako? >.> ahem! Ahem!!
“Teka! Anong uuwi? Hindi pa nga nagsisimula yung date natin tapos uuwi ka na??”-Allen
“Anong DATE? And for YOUR information, kaya ako nakipagkita sayo eh para kausapin ka”
“And about naman saan?” huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.