Allen’s POV
“Ms. Mercado” tumigil siya sa paglalakad pero hindi pa din tumitingin sa akin.
“Bakit po Sir?” lumapit ako sa kaniya.
“Sorry na amo oh, please?” 2 araw na niya akong hindi pinapansin.
“Tsk” saka siya humarap sa akin “Sa susunod kasi ilagay mo sa tamang lugar ang pagseselos mo, ok?” saka siya ngumiti sa akin.
“Opo. Sorry na talaga. Bati na tayo?” tapos niyakap ko siya.
“Uy Allen, ano ka ba mamaya may makakakita sa atin” aalis sana siya sa yakap pero mas hinigpitan ko pa.
“Walang makakakita sa atin noh. Tara date tayo?” kumalas ako sa yakap saka tumingin sa kaniya.
“Ha-ha? a-ano , next time na lang”
“Eh? Bakit? May gagawin ka ba?” wierd ha, parang may tinatago siya sa akin.
“Ahm, may pupuntahan kasi ako” tapos tumingin siya sa relos “and I must go now, baka malate ako. Bye bantay! Ingat na lang” tapos tumakbo na siya.
Bakit kaya ganun yun? Pakiramdam ko may hindi siya sinasabi sa akin. Tsk, hindi pwede to eh, dapat alam ko ang lahat sa kaniya. Maglalakad na sana ako ng biglang may nagsalita.
“Student-Teacher Relationship? Tsk tsk tsk” pagkalingon ko.
“Ikaw na naman?”
“Malamang magkikita tayo coz we’re in the same university SIR” then nagsmirk siya.
“Ano bang kelangan mo ha?” umirap siya saka tumalikod sa akin.
“Bowl, nasusuka ako kasi nakita ko na naman yang itsura mo” HA-HA? ano daw??! Aba’t sinusubukan talaga ako ng babaeng to ha!!
“Hey stop!!” pero parang wala siyang narinig at patuloy lang sa paglalakad. Peste, buti na lang walang masyadong tao dito.
“Hoy!! CRAZY GIRL!!” ang bilis maglakad! Nakalabas na kami ng university at ..
BEEEEEP BEEEEP
O_______________________________________O
O/////////////////////////////////////////////////O
What the Fck.
“Pwe! Asar!! Wa-wag mo na nga akong susundan.” Tapos pumara na siya ng taxi saka sumakay.
Hoy Allen!! Yung utak mo ayaw mag function! Peste!! Bakit?! NAHALIKAN ko lang naman ang baliw na yun! Mukha kasing ewan sa paglalakad at hindi niya nakitang may sasakyan na paparating, bobo lang? Then nung hinila ko siya yun na! Malay ko bang ang dali lang niyang hilahin! I mean, yung tipong kahit isang daliri ko lang ata eh mahihila ko na siya.
At ang malala pa neto, sa Clarkson din siya pumapasok!! Ibig sabihin sadyang magkikita nga kami =______=.
“Crazy” at mukhang nagulat siya sa ginawa ko. Ako din naman =______________=. It was all accident! Kaya .. ibaon na lang sa limot.
Bzzzt Bzzzt
“Hello?” nag-umpisa na akong maglakad. Peste, hindi ko kasi dinala yung motor yan tuloy commute ako =___=.
[Allen, punta tayo kina Marcus! ] pagkatingin ko kung sino yung tumawag, si Felix pala.
“Ano namang gagawin natin dun??”
[Wala naman. Nakakabobo na dito sa opisina eh. Tara dali!!]
“Baliw ka talaga. Sige, sunduin mo ko dito sa tapat ng University” tapos inend ko na yung call. Si Callie, parang may tinatago siya sa akin eh. May iba kaya yun?! HINDI PWEDE!! Dahil masisira yung plano ko, plano ng blacklisted. Lagi siyang nagmamadaling umuwi, kahit sa lakad ng mga kaibigan niya hindi na siya nakakasama.