May’s POV
Nakakainis!! Asan ka na ba Ken Go?!! Hindi pa magaling ng tuluyan yung paa ko pero eto ako tumatakbo
Para mahanap siya.
After kasi nung game eh tumakbo na siya palabas ng gym sa school nila Kuya, ni hindi ko na nga nagawang magpaalam kina ate Sage at ate Kim eh. May injury pa yun kaya kinakabahan ako baka kung saan magpunta yun.
Bigla akong napahinto sa pagtakbo ng nakita ko siya.
Si Ken na nakatingala sa makulimlim na langit.
Si Ken na unang beses kong nakitang mukhang may malalim na iniisip at higit sa lahat.
Si Ken na umiiyak.
Hindi ko alam pero sobra akong nasasaktan kapag nakikita ko siyang ganiyan, hindi kasi ako sanay eh. Isang Ken Go umiiyak, dahil lang ba talaga to sa natalo siya sa laban nila ni Kuya?
Teardrop
Isa isa ng pumatak ang luha ko ng makita kong tahimik na humihikbi si Ken, mas masakit sa nakita ko kanina na luha lang. Tipong sobra siyang nasasaktan sa nangyari at wala siyang ibang mapagsabihan.
“Ken” tawag ko sa kaniya habang unti unting lumalapit sa kaniya. Tumingin siya sa akin at halatang nagulat siya. Agad niyang pinunasan yung luha niya.
“O-oh Ma-May! A-anong ginagawa mo-mo di-dito?” huwag kang umiyak May. Kaya mo to.
“Kanina pa kasi kita hinahanap eh bigla mo kong iniwan dun sa gym”
“Sorry, nahihiya kasi ako sayo. Nakita mo pa yung pagkatalo ko, nakakahiya talaga.”
“Yaan mo na yun makakabawi din kayo sa kanila”
“Hindi na. Wala ng dahilan para makipaglaban pa ako sa kaniya, tanggap ko na na natalo ako at ..”
“At?” napatingin ako sa kaniya habang siya naman ay nakayuko.
“ at gawin kung ano ang napag-usapan namin”
“Napag-usapan?? Ano yun?” tumayo siya saka pinagpag yung nadumihan niyang short.
“Sa amin na lang yun, sige na umuwi ka na at baka umulan pa. Hindi kita mahahatid eh sige bye!!” tumalikod na siya sa akin saka nag-umpisang maglakad. Ano ba to? Ano ba yung napag-usapan nila ni Kuya? Pero may kutob ako na may kinalaman ako dun. Diba simpleng laban lang yun?
“Ken!!” kumaway siya sa akin pero patuloy lang siya sa paglalakad.
“Ken Go!! Isa!!” pero parang wala siyang naririnig, mabagal lang yung paglalakad niya kaya imposibleng hindi niya marinig yung pagtawag ko sa kaniya.
“KEN GO!! PAG HINDI KA PA HUMARAP SA AKIN MAGHAHANAP AKO NG IBANG LALAKING MAMAHALIN!!!”
O______________O
Ano ba yung nasabi ko?!!! Patay!! Tumigil siya sa paglalakad saka nagkuyom ang mga kamao. Humarap ka na Ken!!
“Hahahahaha!! Maghahanap ka pa? Eh may fiancée ka na? Sumbong kita sa kuya mo eh! Sige na umuwi ka na! Aalis na talaga ako! Bibilisan ko na yung lakad ko para hindi ko na maramdaman yung prisensya mo! kung pwede lang akong tumakbo para hindi ako matempt na hawakan ang kamay mo at isama ko sa pagtakbo! Kung pwede lang sana kitang yakapin ng mahigpit para mapadama ko sayo kung gaano kita ... “ humarap siya sa akin saka pinunasan yung luhang patuloy lang sa pagdaloy sa pisngi niya.
“kung gaano kita kamahal kaso hindi na pwede. Kasi talo ako. Talong talo” naguguluhan ako sa sinabi niya, eh ano naman kung natalo siya sa game nila ni Kuya? Laro lang naman yun at wala sigurong kinalaman sa akin. magsasalita pa sana ako ng biglang tumakbo si Ken! Kelangan kong makausap si Kuya about dito! kelangan kong linawin ang mga bagay na sinabi ni Ken.