Waaaaaah!! Overflowing ang kilig! Hahahaha, kainis talaga. Si SIWON kasi eh >////< Ahem! So eto na yung update! ^___________^ .
**********************************************************************************
Sofie’s POV
“HUY SOFIE! NAKIKINIG KA BA?!” Bigla akong bumalik sa reyalidad. Ano ba naman yan, hanggang ngayon yun pa din iniisip ko?! tsk!
“Hindi eh, ano ba yung sinasabi mo?” nakapangalumbaba si May habang nakaupo sa harap ko. Andito kami sa cafeteria ng school namin kasi vacant.
“Hay naku, ang sabi ko po kung sasama ka mamaya sa amin?” kinuha ko yung bote ng tubig at uminom.
“Saan naman?! Gagala? Eh may klase pa tayo ha?”
“Sabi na nga ba lutang ka eh. Hindi mo ba narinig kanina na half day lang tayo? Kaya last subject na natin yung next subject” bigla akong nabuhayan ng dugo! Yehey!! Last subject na mamaya at tamang tama sa pinakaboring na subject pa! Hahaha.
“Saan tayo pupunta mamaya?” kumuha ako ng chips niya at kinain. Kanina pa siya kain ng kain di man lang nang-alok. Tsk tsk.
“Hmmm sa mall. May bibilhin lang ako para sa kapatid ko kasi birthday niya. Gusto niyo pumunta na din kayo mamaya” bigla niyang inagaw sa akin yung chips! Waaaaaaaaah!!
“Hindi na. Hindi ko naman kaclose yung kapatid mo eh”
“Eeeeeeeh!! Sige na kasi pumunta ka naaaaaa!!” bigla niyang hinila yung kamay ko. hay naku eto na naman ang makulit na si May.
“Oo na sige na, tumahimik ka lang diyan” at tuwang tuwa naman siya sa pagpayag ko. After naming kumain ay pumunta na kami sa room namin dahil umpisa na ng klase namin. Great! Pagpasok na pagpasok ko ay nakita ko yung lalaking nang-iwan sa akin sa mall. Nakapasak na naman sa tenga niya yung earphones at nakatingin sa labas ng bintana. Emo? Emo? Umupo na ako sa upuan ko. Hindi papasok si Josh ngayon kasi busy siya sa kasal ng magaling niyang pinsan!
“Huy. Baka matunaw siya” bigla akong napalingon sa nagsalita.
“Hay naku May magdilang anghel ka sana” kinuha ko na yung maliit kong notebook sa bag ko. Naku sana nga talaga matunaw na yung Artemyo na yan, badtrip siya eh anong akala niya nakalimutan ko na yung pag-iwan niya sa akin sa mall? Akala ko pa naman na sasamahan niya ako hanggang sa huli. Naks! Hahaha, what I mean ay hanggang sa pag-uwi. Eh anong masama kung kakain kami kasama si Allen? Dapat nga si Allen pa magalit kasi siya yung nang-iwan sa mga kaibigan niya. hay naku, ma pride na lalaki! 3 araw ko na siyang hindi pinapansin
“KYAAAAAAAAAAAAAH!!! Hi sir!!” grabe?! Tiliian talaga kapag papasok si Allen?!!
“Hello” at may kasama pang kindat, yung iba kong kaklase halos mahimatay na at yung mga kaklase kong lalaki gusto ng makapatay!
“Sir! Bakit kayo yung andito eh hindi naman namin klase sa inyo?” sabi nung isa kong kaklaseng lalaki. Hahaha, badtrip na siya eh.
“I know. Pero pinakiusapan ako ng professor niyo na ako muna ang magturo sa inyo kasi may emergency siyang pupuntahan” kinalabit ko si May na katabi ko lang.
“May, may emergency daw na pupuntahan si Mrs. Ukeko? Baka naman manganganak na siya?” hahahaha! Pigil yung tawa namin ni May. Sobrang laki kasi ng tiyan na pero ang liit niya. hahaha. Ang bad ko tuloy.
“Baliw hindi, baka sumakit yung puson kasi meron!”
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!” Sorry hindi ko na napigilan! Hahaha, eh kasi naman 65 years old na si Ma’am tapos magkakaroon?! Hahahahaha.