Sofie’s POV
“Congrats guys!” Kakatapos lang kasi ng presentation namin, kala ko nga hindi kami makakakuha ng mataas na grade kasi diba yung issue kay Artemyo at Allen.
“Buti nakapagpresent tayo ng maayos, kahit na may PUMALPAK satin”-Josh. Napatingin kami kay Artemyo, siya naman sa iba nakatingin. Di ba nga may cast pa siya sa kamay? Tagal na eh no? Hindi ko nga alam kung panu niya nasapak si Allen eh. Ayun nga! Eh pumalpak siya kasi hindi niya nasagot yung tanong ni Allen, palibhasa hindi niya nareview yung report namin. Ewan ko ba!
“Hep hep! Tama na yan, wala ng sisihan ok? Ang importante is tayo pa din ang highest. So, san tayo magcecelebrate?”- May.
“Kumain na lang tayo!”-Ken
“Tama! Treat mo ha?!”-May
“Nagsuggest na nga ako pa magbabayad?Abuso?”-Ken
“Lq na naman kayo? Hahaha. Sige treat ko na” Inaayos na namin yung mga gamit namin.
“It’s my TREAT, pambawi sa KAPALPAKAN ko” Tumingin kami kay Artemyo.
“Yun! Hulog ka talaga ng langit pre!”Tinapik ni Ken sa balikat si Artemyo.
“Huy Josh, bat di ka naimik jan?” Nakaupo lang kasi siya sa may armchair tulala. Bigla naman siyang tumayo ng ayos.
“Wala. Una na ko.” Naglalakad na siya palabas ng room.
“Huy, hindi ka sasama? Sayang un libre!”
“Kayo na lang. Madami pa akong gagawin.”
“Eeeeeh. Sama ka na, celebration ng GROUP un” Humarap siya saken.
“Isang kondisyon”
“Ano?”
“Kiss muna”Tas ung nguso niya biglang tumulis!
“Teka, Aidan pa ki hmmmm hmmmmm “ Tinakpan niya yung bibig ko.
“Bat mo tinatawag yung kumag na yun?”
“Eh sabi mo kasi pakiss eh?!”
“Haaaay! Sayong kiss siyempre! Sige na sasama na ko! Hintayin ko kayo sa may parking lot ha” Nauna na siyang bumaba samen. Pagkatawag ko sa kanila sumunod na kami kay Josh. At dahil sa siya lang ang may kotse samen, kotse na niya yung ginamit, sakto naman kami, siguro?
“My Callie, dito ka sa tabi ko.” Si Josh nasa may loob na ng sasakyan niya. Sumakay na kaming 4, sila Artemyo sa likod ako naman sa tabi ni Josh. Gusto nila sa MOA daw kami kaya mejo matagal yung byahe namen.
*bzzzzt* *bzzzzt*
May nagtext saken, pagkatingin ko, si Artemyo.
From: Artemyo -____-
Hey, lumpat ka nga dito sa tabi ko. Kainis tong si Ken katabi ang likot.
Mareplyan nga.
To: Artemyo -_____-
Yaan mo na, ngaun lng nkskay ng kotse yan. Wla sa mundo nila niyan.
Sent.
*bzzzzt* *bzzzzt*
From: Artemyo -_____-
Tsss. Lumipat kn d2.
To: Artemyo -_____-
Eh! Miss mo kagad ako?Hahahaha :p
From: Artemyo -_____-
ASA. Dali na! Pag hindi ka lmpat ndi aq ssma.