Chapter 5: Already Met Her Friends
Now Playing: Don't Know What To Do // 블랙핑크
***
"Ngayon nalang ulit tayo nagkita-kita." sabi naman ni Vien sa amin.
Oo ngayon nalang kami nagkasama-samang apat simula ng umalis kami sa FEA at magsimula ng sarili naming buhay. Pero sobrang saya ko talaga na nagkasama ulit kami.
"Magstay ka ba dito, Khaiza?" tanong ni Vien kay Khaiza.
"Kung pwede sana." nahihiyang sabi niya.
"It's okay after nito pwede kang magstay sa apartment ko okay ba iyon sayo?" tanong ni Vien.
Napangiti ako doon kahit kailan talaga ang bait nitong si Vien hindi siya nagaalinlangan na magpatuloy sa bahay niya sa sobrang kabaitan niya napakabuti pa niya.
Habang nasa gitna kami ng paguusap lumapit sa amin ang apat. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko at hindi ko pinansin ang presensya ni Victon. Aaminin ko naging cold ako sakanya simula ng hindi na kami naguusap pati hanggang ngayon.
"Dito kana magstay, Khai?" sabi ni Victon kay Khaiza. Tumango naman si Khaiza sabay sagot ng "Oo." kay Victon at tsaka ngumiti.
Nagusap sina Vien at Kenjie habang yung dalawa na sina Jio at Ashiana ay magkasamang nagusap din at mukhang seryoso ang paguusapan ng dalawang iyon.
Hanggang sa apat nalang kaming natira sa table at isa sa amin ay walang nagsasalita eh bakit kasi nila kami iniwan dito. Nakakatawa to ah! Sobrang awkward. Hay.
Napatingin naman kami sa biglang umubo na si Victon kahit peke yung ubo niya para makatawag pansin lang.
"Okay lang ba kayo?" tinanong pa talaga niya iyan sa tingin niya ba okay lang kami. Nakita ko naman ang reaksyon ng dalawa sa harap ko parehas silang abala sa kani-kanilang cellphone.
Dahil walang kibuan kaming apat pwera lang sa amin ni Khaiza eh ipagsama ba naman kaming apat eh. Wala talagang mangyayari sa amin. Maya-maya lang pumunta na si Vien sa amin kasunod si Ashiana.
"Tara na girls. Yung gamit mo ba nasa kotse ko, Khaiza?" tanong ni Vien sakanya. Pagkasagot ni Khaiza kaagad kaming nagtungo sa parking lot.
Bubuksan ko palang yung pintuan sa shotgun seat ng may humawak sa braso ko pagkalingon ko dito si Victon.
"Can we see each other again, Leigh?" sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
"Busy ka di ba? Busy din ako. Wala kong pahanon makipagkita ulit sayo, Victon." binuksan ko na yung pintuan ng kotse at pumasok na sa loob nito.
"Anong sabi niya?" sabi naman ni Khaiza.
"Kung magkikita pa daw kami." sabi ko sakanya.
YOU ARE READING
Leigh Patrice: The Princess Maknae
Teen FictionBook 1 of 4 The Princess Maknae [Book 1 of 4] Queen of the Queens [Pt.2] Leigh Partice Quintaña | Side Story A lovely princess maknae by living her normal life in the world. What if she discovers that she's not coming from in that place? Her life w...