TPM 08

43 23 0
                                    


Chapter 8: Confused




Kanina pa sina naguusap-usap habang kami ni Khaiza ay tahimik lang. Si Vien at Ashiana lang ang nakikipagusap sa apat na lalaki parang nawalan tuloy ako ng gana.


Sino ba kasing nagimbita sakanila? Ano bang ipinunta nila dito? Ano na naman ito? Hay nako. Please lang.

"Hey, are you okay?" bumulong sa akin si Khaiza at lumapit.

"Syempre, hindi. Hahaha!" natatawang bulong ko din sakanya. I just wanna pretend that I'm chill inside but in outside sobra nalang yung kabog ng puso ko.

"Leigh, si Victon o!" tumango lang ako at hindi ko na muling tinignan pa kilala nila ako bilang makulit pero pagdating sa lalaking iniwasan at nilayuan ko nawawala yung pagkamakulit ko at bigla nalang hindi ako nagpapakita ng kung anong emosyon o reaksyon.

Maya-maya lang ay umalis na silang apat. Ayon mabuti naman!

"Why are you girls so quiet? Is anything alright? Are you two okay?" agad namang sabi ni Vien sa aming dalawa ni Khaiza.

"Okay lang kami, Vien. Don't worry we're fine." nakangiting sabi ni Khaiza kay Vien.

Pagkapunta namin sa counter at magbabayad sana sinabi sa amin ng waiter na okay na raw yung bill at binayaran na. Tinanong pa ni Vien kung sino at sinabing si Kenjie Monterreal.

Ang yaman talaga ng boyfriend nitong ni Vien. Sobrang bait din naman ni Kenjie less gastos kami hahaha lol si vien pa din naman magbabayad. E, wala pang sahod paumpisa pa lang kaya wala pa akong maibibigay. Wala pa akong naabot na pera kina Mommy.

For her medicine and her health buti sinagot ni Vien yung pagpunta ko dito sakanila para magtrabaho. I work for them as her assistant kapag wala siya sa trabaho at ako ang naghahandle ng mga employee niya kapag wala siya.


Laking tuwa ko nun ng i-hire niya ako. Napatingin ako sa pintuan ng huling lumabas ay si Victon. Ang layo na niya simula nung nauna silang nakalabas ng FEA nahihiya akong makipagusap sakanya at bumati man lang kahit na ganito yung sitwasyon namin ngayon.

Ang hirap ng ganito sa akin na yung nakasama ko noon na mahalagang tao sa akin ay nilayuan ko at iniiwasan ngayon ayaw kong mangyari ito dati sa amin pero hindi ko alam kung bakit.


Nauna na akong nagpaalam na pumuntang opisina ni Vien ng may mabangga akong matandang babae habang papalakad sa tawiran.

"Sorry po, lola. Tulungan ko na po kayo." agad na sabi ko ng makitang may bit-bitbit siyang malaking eco bag. Parang pamilyar pa nga si Lola sa akin. Hindi ko alam kung nagkita na ba kami o ano.

"Hija, Magingat ka. Maraming mga pangyayari na nakatadhanang mangyayari sayo hija, pero magtiwala ka lang sakanya lahat iyon ay nakaayon na." seryosong sabi niya sakin.


"Lola, ano pong sinasabi niyo? Hindi ko po kayo maintindihan." naguguluhang sabi ko sa matandang babae.




"Lagi kang magi-ingat, salamat sa pagbitbit ng gamit ko." ekasaktong pagkasabi niya nun ay naglakad na siya palayo nilingon ko pa siya pero hindi na siya nahagilap ng mga mata ko.




Bigla kong nilamig at nagsitaasan ang mga balahibo ko. Lola, hindi kita maintindihan pero ano ho bang sinasabi niyo.



Anong nakatadhanang mangyayari sa akin? Anong ibig sabihin ng mga sinabi sa akin ng matandang babae?

Napailing nalang ako para kasing nangyari na ito e, parang nakasalubong ko na ang matandang babeng iyon?

Pumasok na ako sa loob ng building at naglakad patungong elevator at hanggang ngayon iniisip ko pa din ang sinabi ng matandang babae sa akin.

"Ma'am Leigh, tawag na po kayo sa conference room may meeting daw po kayo." sabi sa akin ng babaeng staff dito.

"Okay sige, salamat." nakangiting sabi ko. Pumunta na akong conference room para sa meeting namin. Trabaho muna, ayokong magisip ng ikakadagdag sa problema ko.






'Maraming mga pangyayari na nakatadhanang mangyayari sayo hija, pero magtiwala ka lang sakanya lahat iyon ay nakaayon na.'






Patuloy parin sa isipan ko ang mga katagang iyon na sinabi sa akin ng matandang babae. Ano bang ibig niyang sabihin doon? Hay. Ewan ko. Hindi ko din alam kung anong sinasabi ni Lola sa akin.

Leigh Patrice: The Princess MaknaeWhere stories live. Discover now