TPM 04

50 25 0
                                    

note: hey! sorry for my late update about sa story na ito ni leigh kasi masyadong busy sa online class kaya wala kong update so for now si leigh muna ang uunahin natin bago kina khaiza, ashiana at vien. thank you for reading this story.

***

Chapter 4: She Saw Her Ex-Boyfriend

Nandito na ko sa tapat ng building nila Vien grabe sobrang taas naman at ang ganda ng kompanya niya. Iba talaga kapag mayaman pero swerte ko nalang kasi kaibigan ko yung may-ari plus mabait pa!

"May appointment po ba sila?" nanlaki ang mata ng babae ng i-angat niya ang tingin niya sa akin. Nagulat ata ng makita niya ko.

Ang ganda ko naman kasi char! Nginitian ko siya at sinabi sa akin yung opisina ni Vien.

"Thank you." nakangiting sabi ko.

"Your welcome, Ma'am." nakangiti ring sagot niya.

"Miss Vien!" tawag ko sakanya kaagad naman niya kong bineso at niyakap nako namiss ko tong babaeng to sobra!

"Anong Miss Vien? Vien na lang kapag tayong dalawa lang. Kamusta kana? Tara sa opisina tayo." aya niya kaagad sa akin sa opisina niya. Ilang araw ko kasing hindi nakasama si Vien through video call and chat lang kami nagkakamustahan.

Ang ganda niya!

***

Ipinaliwanag niya lang yung mga gagawin ko sa opisina niya bali doon niya ko inassign sa clothing brand bilang assistant niya kasi kailangan kong ipaalam sakanya yung mga kulang at mga walang produkto sa loob ng shop niya kaya kailangan niya talaga ng assistant. Sa tingin ko ayon ang magiging trabaho ko sakanya.

"So ito yung mga gagawin mo." pinakita niya lahat sa akin ng mga dokumento at yung mga listahan ng mga materyales katulad ngayon na may kulang pa pala silang stock ng damit na kailangan na ngayon.

Andami pero kakayanin ko iyan ako pa! Si Vien iyan at alam ko namang hindi niya ko pagagawan ng marami dahil alam niya kung ano lang ang kaya kong gawin.

Iniwan na ko ni Vien sa loob ng sarili kong opisina mamaya pa ang kanilang break time kaya nagsimula na akong kalkalin lahat ng gamit dito. Kailangan kong galawin ang ibang gamit dahil kailangan kong alamin bawat detalye kung sino yung mga investors ng clothing line ni Vien.

Nang magbreaktime na lumabas nako nitong opisina at dinala na yung sling bag ko pati nilock ko narin ang pinto. Nang makasakay na ko sa elevator panay ang bati sa akin ng empleyado ngumiti ako bilang pagbati at diretso lang sa pababa ng escalator pababa ng office lounge.

Habang naglalakad ako may nasangga ako kaya lahat ng gamit niya na nalaglag.

"Sorry." saad ko. Nagulat pa ako pagkaangat ko ng tingin sakanya.

"Wala yon okay lang." ngumiti pa siya sa akin yung ngiting unang beses kaming nagkita.

"V-Victon?" nautal ko pang sabi. Shit! Kailan ka pa nautal sa harapan niya, Leigh!

"Leigh? Hi. Long time no see." nakangiting sabi niya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya. Tumingin muna siya sa paligid niya at tsaka ako tinignan sabay lapit ng mukha niya.

"Hinahanap ka." saglit akong natigilan sa sinabi niya. Hinahanap?

"Joke lang andito ko para tignan yung sample na pinagawa ko kay Vien ngayon kasi yung usapan namin. Nandidito kaya yon?" matagal ko siyang tinitigan at pinagmamasdan ang kabuuan niya.

Wala paring pinagbago ang kanyang pagkilos nandoon parin ang kakulitan niya. Ang katawan niya lang ang may pinagbago pinursigi niya talaga yung pag-ggym niya. Umiwas ako ng tingin ng napansin niyang nakatitig ako sakanya.

Leigh Patrice: The Princess MaknaeWhere stories live. Discover now