TPM 13

41 22 3
                                    

Chapter 13: Confession For Her




Now Playing: Photograph 사진 // Kim Namjoo, Yook Sungjae










Kanina pa tumatawag itong si Victon nung tumawag pa ulit siya sinagot ko na itong tawag niya.

"Victon? Ano ba yon?!"

[Leigh, pwede ka bang pumunta dito sa shop ngayon?]

"Ano? Bakit? May nangyari ba?"

[Kung pwede pumunta ka muna dito ngayon, please.]

"Okay, sige papunta na ko dyan."

[Okay, I'll see you later.]



Ano bang nangyari at parang pinapapunta ako nito ni Victon sa shop ni Vien. Pumunta na akong lobby at inantay itong driver ko sinabi ko kay kuyang driver na diretso kami doon sa shop agad naman pinaandar ito patungo doon.



Nang pumasok ako sa shop ang tahimik at lahat sila abala sa pagtatrabaho. Mukhang wala namang problema si Victon napaka-talaga ng ugali niya! Hindi ka tatantanan hangga't gusto niya.




Victon Gamboa! Ano ba itong ginawa mo nantitrip ka ba? Parang sira naman e! Nagtatrabaho ako doon ng maayos tapos tatawag siya at mangugulo sana lang pala pinatay ko nalang cellphone ko.



"Ma'am Leigh?" lumingon naman ako sa tumawag sa akin si Marion. May binigay siya sa aking small white na card na may nakasulat.

"Ang tagal ko itong hinintay ang makita ka kaya lang hindi ka naman na ganon kalapit sa akin kaya ako na mismo gagawa ng paraan para malapit ulit sayo." -Victon.

Ano bang sinasabi niya? Hindi ko alam nangyayari ngayon kaya sumunod nalang ako sa mga paganito nila at wala akong kaalam-alam. Promise guys wala talaga. Hindi ko nga alam kung bakit niya ko tinawagan at kanina pa siya tumatawag sa akin panay ang decline ko.

Sumunod naman ay binigyan niya pa ako ng color light pink card at may nakasulat na naman.


"Clueless, babe? Hahaha! Sorry, I just want to feel that you have to see this kind of things that I want to show you how much I love you. Palagi kitang pipiliin, mahal ko." -Victon.

Aww! Victon and his words are so beautiful and precious. Love, sorry na. Mahal din kita. Ayan tayo naging marupok agad, Leigh napaka mo din talaga hahaha!


Oh my gosh! Ano ba yan! Nage-emote pa ako si kuyang maintenance naman pinatayan ako ng ilaw! Argh! Hindi ba sila nagbayad ng bill ng kuryente? Si Vien ang dami namang pera bakit napapatayan parin ng ilaw. Paano na ito? Binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko at idadial sana yung number ni Vien ng bigla nila akong piringan. Shit! Wala akong makita. Hoy! Ano ba ito malamang leigh, nakapiring ka nga. Wala ka talagang makikita niyan tapos nakapatay pa ang mga ilaw.




Hindi ko alam kung sino itong nasasandalan ko basta isa sa staff dito sa shop ang alam ko kasi wala naman akong narinig na boses pero alam kong isa sa staff dito. Pinaupo niya ko sa wing chair na parang rough yung texture niya kapag naupuan mo yung mga chair kapag may mga event na madalas niyong nakikita.



Unti-unti ng nagsibukasan ang mga ilaw at tinanggal na nila yung piring sa mga mata ko. Mabuti naman kung hindi magwawala ako ang over naman, Leigh hahaha!



Ang ganda naman dito yung mga decorations at yung may pa mga pasabitsabit pa sila ng mga kumikinang katulad ng metallic tinsel curtain in color silver tapos color gold na balloons sa taas ng ceiling then may mga polaroid pictures namin. Ang sweet! Grabe naman hindi ko akalain. First time ito na sinurprise ako ni Victon. Nakakatuwa lang at sobrang na appreaciate ko.


Leigh Patrice: The Princess MaknaeWhere stories live. Discover now