TPM 06

70 25 1
                                    


Chapter 6: Leigh Meet Victon Again







Now Playing: lowkey - Niki







***







Nang magumaga na ay ako na ang nagprisintang magluto ng almusal namin.





I made some four hot chocolate and then four waffles para hindi kaagad mabigat sa tiyan dahil kapag dating ng lunch sigurado naman akong with rice na naman ang magiging lunch naming apat. Duh! Ako pa ba hahaha! Alam na sobrang takaw sa kanin basta taste good ang ulam hahaha charot!









Ano ba yan! Napakahappy ko umagang-umaga. So habang tulog pa sila nagig story muna ko at pinicturan ko itong niluluto ko i add some tuna bread with maraming toppings hahaha! conyo ka girl! Nakacaption pa na "made some breakfast 4 us." may number talaga na four para bongga na!









Then nakita ko sa direct message ang reply ni victon "waw! enge naman ean haha" nagreact lang ako ng 'haha' react at tinawag na sina Vien. Mabuti nalang at ready to go na sila pagtapos nitong breakfast kaya nang matapos narin ako sa pagkain ko nagbihis na kaagad kasi nakapaligo naman na ako.









Nakasulat narin ang mga listahan ko dito at kahit isa wala pa akong nama-mark ang galing! Nakita kong naghuhugas si Khaiza ng mga pinagkainan namin at ako naman ay nagbalik ng mga ginamit namin kanina yung mga plato, kutsara and then yung waffle maker.









At nang matapos akong maghugas ng mga pinagkainan namin at ilagay sa lalagyanan nagprepare nako para sa pagpasok ko sa clothing line ni Vien.









Nagsuot ako ng sando top na color white at coat na black pinatungan ko nalang dahil malamig sa opisina niya sumabay ako sa sasakyan ni Vien dahil siya lang ang makakasabay ko papuntang kompanya.









Pagkababa namin ni Vien ng sasakyan dumiretso na agad kami sa elevator siya na rin ang nagclick ng button para makarating kami doon.








"Goodmorning, Ms. Vien." bati kay Vien ng isang empleyado niya.








"Goodmorning, Ma'am Leigh." bati rin sa akin. Nginitian ko sila at pumasok nako sa opisina ko.





So this is my first job in big company. I don't feel any bad vibes here kasi andyan naman si Vien at siya na ang bahalang mag-guide sa akin.









Tinext ko si Mommy at si Daddy para ipalam sakanila na nagsisimula na kong magtrabaho dito. Marami na kaagad na papel ang nakalagay sa lamesa ko.










Habang tinitignan ko yung isang email na parang huhulaan ka. Nacurious ako kaya clinick ko yung sa email ko.







"Wish you luck! You have a good start as you restart your life. But you must be aware of your sorroundings that you may encounter its possible that you have a bad or good things that you have encounter."
-anonymous.











Ay grabe naman to! Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa ginagawa ko dahil marami akong kailangang tignan na papel habang nagchecheck ng mga documents dito sa folder ay nagvibrate ang cellphone ko dahil sa new message sa group chat namin.








From Vien: 

After your work guys. Let's go out for dinner.

 
—seen by Ashiana, Khaiza, You...








Dahil hindi na makapagreply ang lahat kasi kanya-kanya kaming ginagawa kaya nagpokus nalang ako ulit sa ginagawa ko.








Sana naman wala siya doon. Ang awkward pa din kasi sa akin kapag nagkikita kami kasama ang mga kaibigan namin.










Nang maglunch na ay lumabas nako para kumain sa fast food dahil nagcacrave ako sa burger at fries kaya umorder na ako. Doon ako pumwesto sa dulo dahil marami ang tao.








"Wait, miss nahulog mo ata ito." napalingon ako sa nagsalitang iyon. Isang lalaking naka-plain tshirt na white ang nakadampot ng nahulog kong papel. Mabuti nalang at may nakakita nito. Kung hindi yari ako kay Mommy dahil ang laman ng papel na iyon ay reseta niya. Makakalimutin pa man din ako.








"Oh, salamat. Chase? Nakauwi kana pala? " Nandidito na pala siya. Ang huling balita ko sakanya ay nasa mama niya siya doon sa probinsya nila.







"Leigh? Kamusta ka? Long time no see." sabi naman niya at nginitian ko siya.





 

"Okay lang, Ikaw?" sabi ko naman sakanya. Pumasok nako sa fast food dahil kailangan ko ng kumain since nandidito rin naman si Chase inaya ko na siyang magusap kami sa loob ng fast food.





 

"Ito kakauwi ko lang dito. Pinabalik ako nila ate para sa negosyo nila dito dahil walang magaasikaso ng negosyo nila." paliwanag niya.





 

"Ah okay. Pakikamusta mo pala ako kay Tita." nakangiting sabi ko sakanya.









"Oo sige ba. Ikaw, hindi na kita nakilala. Ibang-iba kana ah. Akala ko artista hahahaha!" pabirong sabi niya.









"Ano ka ba! Ako lang to!" natatawang sabi ko sakanya sabay flip hair ko. Luh ganda ka sizst HAHAHAHA! Kahihiyan na naman nitong pinaggagawa mo Leigh Patrice!









Patuloy lang kaming nagusap tungkol sa buhay namin ganern! Itong si Chase ay boy bestfriend ko napagsasabihan ko siya ng mga problema ko sa buhay bukod kina Vien nawalan ako ng contact sakanya nung sa Far Eastern Academy ako. Magkaibigan ang mga magulang namin dati kasi magkapitbahay lang kami sa isang village eh ngayon lumipat na sila sa probinsya nila kaya hindi na kami nakakapagusap.







"May trabaho kana?" tanong niya sakin. Ininom ko muna itong hot coffee ko bago ko siya sagutin.








"Oo meron ayan sa malaking building na iyan dyan ako nagtatrabaho pinasok ako ng kaibigan ko." nakangiting sagot ko sakanya at tumango naman siya sakin.






"Ah atleast may trabaho kana mabuti iyan." sabi naman niya. Marami pa kaming pinagusapan nitong si Chase kaya anong oras narin ako nakabalik sa opisina ko.






***







Nakalimutan ko pala na nagcocommute lang ako dito bigla naman kasing bumuhos itong ulan na ito. Aish! Jinjja wala akong dalang payong.








Ipinandong ko nalang itong bag ko okay lang na mabasa siya basta hindi ako mababasa.








Papalakad na sana ko ng may tumayo sa gilid ko at nakabukas na ang payong niya yung parang sa korean drama niyo napapanood ganitong-ganito.






Pagkaangat ko pa nagulat ako ng si Victon ito. Anong ginagawa niya dito?







"Hatid na kita. Saan ka ba pupunta? Wala kang dalang payong." sabi niya pa sakin. Wow daming sinabi! Tsk.






"Taxi! Manong pasakay po." hindi ko siya pinansin at iniwan ko siya doon at nagpara na ng taxi para makasakay. Dahil late nako sa dinner namin nila Vien.







Nagtext nako at sinabing papunta na. Lagi nalang akong late! Hays. Mga 20 minutes lang kaming nakarating sa kakainan namin. Sigurado akong nandoon na sila at ako nalang ang inaantay.







"Thank you manong bayad po." bigay ko sakanya ng bayad ko.







Dali-dali akong bumaba ng taxi at pumasok sa restaurant. First dinner naming apat na magkakasama ako pa ang late! Letche. Ito kasing si Victon. Hayaan na mas importanteng itong dinner namin ikukwento ko nalang kina Vien. 

Leigh Patrice: The Princess MaknaeWhere stories live. Discover now