TPM 09

42 23 0
                                    


Chapter 9: Ex-Boyfriend





Wala si Vien dito sa conference bilang siya ang CEO at nagpadiscuss itong nagpapameeting sakanila nila kaya inagapan ko talaga akala ko kasi nandidito si Vien. Andoon pala siya sa main office niya dahil may gagawin daw siya hindi ko alam kung ano iyon.


Nang makita ko siya sa harapan ko ay bahagya akong nagulat. Bakit nandidito siya? Isa nga pala siyang brand ambassador ng clothing line ni Vien. Bakit nga pa ba ako magtatakha.

Nang magvibrate ang cellphone ko agad kong tinignan kung sino yung nagtext sa akin. Si Ashiana.

From: Ashiana L.
Where are you, right now?
Sabay na kayo umuwi ni Vien ha.
Nagprepare ako ng dinner para sa atin.

To: Ashiana L.
Okay sige, sabihan ko si Vien.

From: Ashiana L.
Ok, see you later.

Ano kayang ganap bakit may pa dinner itong si Ashiana Marie Lopez HAHAHA! Pero okay na yon atleast for the first time ever in her life nakapagluto narin siya nung nasa old school kasi namin kapag nasa loob siya ng dorm niya hindi iyan nagluluto nakain kasi ng katams eh katamaran like us haha!

Mabait yan si Ashiana kapag naging close kayo at kung makikilala niyo siya ng mabuti kaya lang sa amin lang siya malapit at nakikipaghalubilo kasi kami lang naman kilala niya sa FEA. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya sa iba dahil siguro hindi siya ganon kalapit sa mga tao. Ay bakit ko nga pala siya sa inyo ipinapaliwanag basta mabait siya. Hay. Makabalik na nga sa opisina tapos na yung meeting namin.

Pupuntahan ko pa si Vien sa main office. Anong oras naman kaya kami makakarating doon sa apartment ni Vien.

Nang tignan ko kung anong oras sa laptop ko ay muntik ko ng hindi mapuntahan si Vien nagtext naman siya sa akin at sinabing nasa lobby na siya at kakarating lang hindi ko kasi namalayan kung anong oras na kaya hindi ko siya napuntahan. Argh.

"Sorry, Vien." sabi ko sakanya pagkababa ko sa lobby.

"It's okay. Tara na." nakangiting sabi naman niya sabay angkla sa braso ko napangiti ako ng sabay kaming nagsuot ng shade nung makalabas kami ng lobby.

"Parang tayong artista hahaha!" nakangiti pang sabi niya. Natawa lang siya at binuksan na ang pinto ng kotse niya.

Si Vien ang nagdrive susunduin namin si Khaiza sa trabaho niya at mabilis lang kaming nakapunta doon at sumakay na din siya sa kotse.

"Saan ba tayo?" tanong ni Khaiza.

"Doon sa apartment ni Vien. May pa dinner si Ashiana." sabi ko naman sakanila kaya nagtungo na kami papunta doon.

***

Nang makarating kami sa apartment ni Vien agad akong pumunta muna sa kwarto namin ni Khaiza at nagpalit ng damit.

Pagkapunta ko sa dining room ay nakita ko siya. He's here. Si Victon.

Akala ko kaming apat lang hindi pala ako nasabihan ni Ashiana na may gathering sa mga kanang kamay ng Far Eastern Academy.

Nagaya pa silang mag-group selfie kaya ako na nagprisintang maghawak ng cellphone at mag-group selfie sa pangalawang take ng picture. Nang matapos iyon ay mukhang may balak pa itong apat.

Sinurprise din ni Ashiana si Vien dahil andidito rin si Kenjie ang akala din ni Vien ay wala si Kenjie.

"Leigh, okay lang kayo dyan?" tanong ni Vien sa amin.

"Okay lang kami." nakangiting sabi ko tsaka sila umalis si Ashiana, Jio at Vien pati si Khaiza at Xion ay nagusap narin doon sa balcony bago mag-main door.

"May dapat ba tayong pagusapan? May gagawin pa kasi ako." sabi ko naman habang naka-cross arm at nakatingin mismo sa mga mata niya.

"Leigh, sorry. I'm sorry kung nagpapansin ako sayo. Gusto ko lang mabalik yung dati kahit pagkakaibigan nalang nating dalawa." sabi ni Victon habang nakikiusap sa akin.

Gusto niya mabalik yung dati? Akala ba niya ganon lang kadali nun kung ang dami niyong pinagsamahan ng naging mahal mo.

"Sige kung ayon ang gusto mo kung gusto mong maibalik yung dati nating pagkakaibigan." walang emosyon na sabi ko sakanya.

Malungkot siyang ngumiti sa akin. Isa lang ang ibig sabihin nun tanggap niya kahit anong mangyari sa amin kahit hanggang kaibigan ang turing namin sa isa't-isa. We chase different paths but as Victon said we remain as friends and not a lovers. I'll accept the fact that if your totally end your relationship with someone maybe you'll end in a good term but as a friends not as a couple or lovers.

Nagpaalam si Victon pumuntang kusina at ako naman ay pumasok na sa kwarto ko. Ganon lang ang napagusapan namin ayoko ng mapunta pa kung saan ang usapan. Mas mabuti narin ito para kina Mommy at Daddy kaya ako nandidito para magtrabaho.

***

Simula ng mangyari nung paalis na kami nung outing kami nila Vien pagkatapos ng graduation namin. Naalala ko tuloy.

// The Day After Graduation //

Magkatabi kami ngayon ni Victon at nandito kami nakaupo sa tabing dagat.

"Ilang oras nalang aalis na tayo. Hindi na tayo magkikita niyan." sabi niya habang sinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"O, bakit? Itetext pa naman kita ah. Magcha chat pa din naman tayo. Tatawagan kita kapag may ginagawa ako. Babe, ano ba naman iyan. Hindi ako sanay na ganito ka. Please huwag ka ng sad. Ayaw kitang nakikitang ganyan." I hold his hand at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya dito at hinalikan niya ang kamay ko.

"Promise me, that." nakapout na sabi niya. Nakangiti akong pinisil ang pisngi niya. Ang cute niya kapag nagpalalambing siya sakin.

"Ayaw kong mangako, Victon. Sapat na kung nagkakausap at nagkikita tayo sa ngayon kaysa sa hindi. Hinahanap na tayo nila Vien." bigla naman niya kong hinila papalapit sakanya ng ikinagulat ko.

He kissed me with full of love and sincerity. Pinagdikit namin sa isa't-isa ang noo namin at niyakap ko siya ng mahigpit.

"I love you, Victon." mariin na sabi ko sakanya. Maybe this our last conversation. I said what I said. I already fell for him and I said my feelings to him.

"I love you, Leigh. Mahal na mahal kita sobra." mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin at parang ayaw niya na akong pakawalan ayon ang huling paguusap namin ni Victon bago kami maghiwalay na dalawa eksaktong pagkasabi niyang iyon ay ang pagalis namin sa resthouse. Nakahanda na ang mga gamit ko na nakalagay sa sasakyan. Magkaiiba narin kami ng sasakyan ng magpunta kami patungong terminal. Hindi ko na kasama si Vien, Ashiana at Khaiza. Kaya pagpunta naming terminal ay nagpaalam lang ako at hindi na sila tinignan pa.

Hanggang sa muli naming pagkikitang lahat at sa pagkikita naming iyon ay hindi na ganon kasaklap ang maging paalam namin sa isa't-isa.






Ayon ang memoryang hindi maalis sa isipan ko. Nakatatak na ata sakin yon pinunasan ko pa ang nagbabadyang luhang tutulo sa mga mata ko.




Enough na, Leigh. It's not worth for your time kung patuloy mo pa ring binabalikan ang mga memoryang yon patuloy ka lang din lalamunin ng kalungkutan.




Pinagpatuloy ko ang pagtype sa laptop at finocus ko na ang sarili ko sa gagawin ko sa mga hindi ko natapos na gawain sa opisina kanina.





Work, work, work! You need to work hard, Leigh for your family and also for yourself and that's all you need.









:)

Leigh Patrice: The Princess MaknaeWhere stories live. Discover now