Chapter 3: She Misses Her Friends
Maaga kong nagising para sa magiging trabaho ko pasado nako at sabi ni Tita pwede na raw akong magsimula bilang empleyado niya.
"Anak, galingan mo! Unang trabaho mo iyan dapat presentable ka okay lang na magkamali ka anak simula palang yan dahil marami ka pang haharapin na kailangan mong labanan. Fighting, anak!" nakangiting sabi sa akin ni Mommy. Kakalabas niya lang galing ospital at baon parin kami sa utang hanggang ngayon.
"Bye na po." nakangiting paalam ko at sinarado na yung pintuan.
Sana kayanin ko ito pero kinakabahan ako dahil ngayon ko lang maeencounter yung ganitong trabaho. Habang nasa loob ako ng sasakyan nakita ko sa instagram story ni Vien ang kuha nilang lima sa apartment niya.
Si Vien! Nako. Isa din yong promotor sa amin ni Victon. Naalala ko na naman tuloy yung nangyari kagabi. Pesteng videocall iyan! Dapat kasi hay nako!
Magdamag kaming nagkuwentuhan nila Vien then mga ilang minuto binaba niya ulit yung videocall dahil nagtext raw si Jio kay Ashiana para makapagkita yung dalawa.
E, di naging abala yung dalawa. Wala naman akong ginagawa nun dahil naghahanap lang naman ang trabaho na pwede kong applyan at doon sa mall yung isang fast food chain doon pwede kong pagapplyan kung sakaling hindi ko kayanin yung kina Tita.
After a few hours na paghahanda nila tumawag sa akin si Vien ulit tapos nagrequest siya na videocall daw and then clinick ko for videocall nga.
Ang bumungad yung mukha ni Victon. Nagulat ako siyempre hindi ko naman alam na nandoon pala si Victon ayoko siyang kausapin pero nung sinabi niya kay Vien na huwag ko raw ibababa iyon wala na kong nagawa.
Ang totoo nga niyan miss na miss ko na siya. Iniiwasan ko lang dahil tuwing naalala ko yung pagiyak niya sa resort naaawa lang ako.
[Kamusta kana?] tanong niya.
"Okay lang naman. Ikaw kamusta?" - ako.
[Ito maayos naman ikaw lang ang inaalala ko paano yung trabaho mo may nahanap kana ba?] - Victon.
"Meron na kay Tita. Yung negosyo mo ano lagay?" natawa pang sabi ko para hindi awkward.
[Okay naman] tipid na sabi niya.
"Bakit parang ang lungkot mo diyan?"
[Wala ka kasi dito. Sila may kanya-kanya tapos ako pang third wheel nila. Kailan ba tayo magkikita, Leigh?] Argh! Kung pwede lang ngayon Victon ginawa ko na kaya lang maraming gastusin dito sa bahay.
"Hindi ko pa alam kapag pwede na. Sa ngayon asikasuhin mo muna iyang trabaho mo." saad ko sakanya.
[Magiingat ka diyan. Yung vitamins mo lagi mong iinumin sa tamang oras. Sige na leigh, uuwi narin kami mamaya. I miss you]
"Sige na. Miss na din kita. Bye!" inend na niya yung vidcall.
Napangiti nalang ako ng malungkot at mukhang ayon na ang huling usap na namin yon ni Victon dahil magiging abala na kami sa mga buhay namin dahil lahat ng bagay ay temporary lang at walang permanente sa mundong ito.
O, di ba! Kung anu-ano ng sinasabi ko sainyo hahaha! Minsan may sapak talaga ako eh. Pagpasensyahan niyo na. Hahaha!
***
Nakarating nako sa opisina nila Tita medyo may kalakihan ang gusali nato. Leigh ito na ang hamon ng buhay mo. Laban lang! Natawa ko sa sariling pagiisip. Kailangan ko talagang pag-igihan para kina Mommy.
Tahimik lang ako naglakad patungo sa opisina ni Tita panay ang bati ko sa mga empleyadong makakasalubong ko. I need to wear this smile para magaan ang pakikitungo sa akin ng mga taong nakakasalamuha ko.
Kumatok ako sa opisina niya binuksan ko na yon nakita ko namang may binabasa siyang mga dokyumento.
"O, andito kana pala." nakangiting sabi niya. Ngumiti lang din ako nagusap na kami ng mga gagawin ko dito. Sinamahan ako ng taga-sabi ni Tita ng mga schedule niya tinour niya ko muna dito sa department nila then pumunta na kami sa magiging table ko.
"Goodluck. Kapag may problema ka magtanong ka lang sa akin sagot kita dito. Hahaha! Doon na ko sa baba." Siya si Jena yung nagassist sa akin.
Una ko palang dito pero mukhang hindi na maganda ang pakiramdam ko dahil puro utos sila ng utos malamang Leigh kaya nga nagtatrabaho di ba.
Mayroon pang nagsabi na "bago ka dito? oh ito ipamigay doon at pagbalik mo dito may iuutos sayo si ayon nakikita mo yun mamaya ha pagbalik mo." Like wtf! Eh sina mommy nga hindi ako ginaganito. Pasensya Leigh! Pasensya! Trabaho to wala kang magagawa kundi sundin argh!
"Hindi ka ba nakikinig! Mali ito ayoko nito!" Shutanginames! Nakakagigil na sila ah! Argh. Maling-mali ata ako ng pinasukan ng trabaho. Grabe ganito pala kapag newbie ka.
"Miss. Tama naman po yung sinabi niyo isang carbonara at isang vegetable salad di ba po?" sarkastikong pagkakasabi ko sakanya.
"Sinabi ko pang white pasta! Are you deaf? Ibili mo ko ng iba hindi yang carbonara na iyan hindi mo ba narinig yung sinabi ko na i hate pasta! My gosh!" umiling siya.
Ang rinig ko pasta! ngena siya white pasta pa nga pagkakasabi niya bakit di nalang siya bumili apaka-arte kala mo talaga! Ay nako talaga naman!
*inhale* exhale*
Kaya pa, Leigh?
"Hayaan mo na ganon talaga yon" pagtapik sa akin nung nakasalamin na babae ngumiti lang ako sakanya.
Nakakapikon lang talaga! Pumunta nakong cubicle bago pa ako maiyak. May ganito talaga kong side na kahit mapagsabihan lang or masigawan maiiyak na kaagad ako.
Nagka-trauma na kasi ako and everytime na ganon ang mangyayari i need to hide para umiyak, iiyak ko nalang ang mga yon biglang nagring yung phone ko. Nakita ko yung pangalan ni Vien kaya kaagad ko itong sinagot.
[Okay ka lang? Anong nangyari?]
"V-Vien first day ko ngayon dito kina Tita pero grabe na kaagad. Sinagawan ako."
[Di ba sinabi ko sa'yo hindi madaling magtrabaho. Bakit kasi hindi ka nalang dito sa akin. May vacant pa naman. Ano bukas?]
"Nakakahiya, Vien."
[Sus parang hindi naman tayo magkaibigan niyan. Sige na bukas ah. Tatawagan kita.]
"Sige--sige."
[Okay bye. See you tomorrow!]
-End Call-
And Vien save me again from this trouble. Siya na talaga ang guardian angel namin at shining armor naming tatlo. Isang tawag niya lang sagot na niya kaagad. That's why I admire her. Malaki ang pasasalamat ko dahil naging kaibigan ko siya napakaswerte ko at may Vien kaming mahihingian ng tulong sa oras na kailangan namin.
Napangiti ako ng may chat galing sa gc namin nagreact ako ng heart pagkabasa ko nun. Mahal na mahal talaga kami ni Vien.
Girls, malapit ko narin kayong makita. Excited nako makipagchikahan sainyo dami kong kwento sainyo! Kaya trabaho lang muna tayo. Bumalik na ulit ako sa trabaho ko ngayon ito muna ang gagawin ko ang pangsamantalang magtrabaho sa kompanya ni Tita.
Vien, Ashiana, Khaiza, malapit na tayong magkita ulit.
YOU ARE READING
Leigh Patrice: The Princess Maknae
Teen FictionBook 1 of 4 The Princess Maknae [Book 1 of 4] Queen of the Queens [Pt.2] Leigh Partice Quintaña | Side Story A lovely princess maknae by living her normal life in the world. What if she discovers that she's not coming from in that place? Her life w...