note: late late late update na naman hope you want this new update. take care guys, xoxo.
***
Chapter 7: Bonding with Girls
"Leigh, tara na. Nagaantay na yung dalawa sa café shop." bungad na sabi nitong si Vien sa akin.
Nauna na si Ashiana kasama ang inaantay naming si Khaiza na kababalik dito sa amin magandang simula kay Khaiza ito dahil magkakasama ulit kami sobrang saya na naman.
I wore a vintage check wool twill kit with merino wool top and small quilted check lambskin lola bag and a black heels shoes with a pair of black socks all in a brand of burberry.
While Vien's wearing a necklace that Kenjie gave to her. She wore a ruffle strap square neck vest and black high waist pants and sporty white vegan shoes with a black shades and her amber smooth and patent leather shoulder bag at ang kanyang six bears zero one gentlemonster shade na hindi nawawala sa outfit niya.
Nagsuot na kami ng face mask bago pumuntang café shop sa pagkikitaan naming apat.
"Andito na pala sila. Hi Vien, Leigh." nakangiting sabi ni Khaiza sa akin.
Were here at 숨도 Sum Island. Ang ganda ng interior design dito grabe para na kaming nagibang bansa ang antique lang ng mga gamit dito.
Pagkadating namin doon ay may nakaserve ng pagkain. This is my favorite part kapag nagki-kitakita kaming apat pagkain talaga charot haha syempre kasama na doon yung paguusap namin they were like my sisters to me. Nagsimula na kaming kumain at nagusap about sa life at sa mga gawain namin hanggang sa nabuksan ang topic tungkol sa mga boys kay Kenjie, Xion, Jio and Victon.
"Naguusap pa rin ba kayo ni Jio, Ashiana?" tanong ni Khaiza kay Ashiana. Lahat kami ay inaantay ang sagot ni Ashiana panay kasi ang kain niya at siya lang ang hindi nagkukwento sa amin.
"Hindi na kami nakakapagusap." tipid na sagot naman nito sa amin sabay iling pa niya. Bakit naman kaya? Nagkaproblema ba sila? Kawawang, Jio.
"Vien, eh ikaw kayo ni Kenjie kamusta naman?" tanong ulit ni Khaiza.
"We're okay we still chatting naman." nakangiting sabi ni Vien sa amin.
Uminom ako ng tubig dahil panigurado ako susunod na tatanungin ni Khaiza. Alam ko na iyan tatanungin ko din siya kung nagkita at nagusap na sila ni Xion.
"Balita ko nagdate kayo ni Victon, Leigh?" medyo nagulat ako ng narinig ko yun. Anong nagdate sus! Hindi kaya. Nagaaway nga kami, nagdate pa nga.
"Saan mo naman nakuha yang balita na iyan. Hindi kami nagdate no! Ay nako Khai-khai kung ano na naman iyang tsinitsismis mo sakin hahaha!" natatawang sabi ko.
"So, hindi kayo?" tanong pa ni Vien. Isa pa nga itong maganda ang lovelife.
"Hindi no." sabi ko naman. Ayaw ko ng pagusapan ang tungkol sa amin ni Victon kahit na ganito yung sitwasyon namin ngayon hindi ko siya kinakausap at iniiwasan ko din siya. Alam niya naman iyon. Nakapagusap naman na kami. Okay naman. Iba na kasi yung sa FEA at yung sa ngayon.
I don't want to talk about Victon. You know I just want to forget it. Basta napagusapan na namin lahat at ayaw ko ng mapagusapan ulit argh! Okay, okay. That's past.
"E, kayo ni Xion. Nakapagusap na ba kayo?" tanong ko kay Khaiza. Umiling naman siya.
"Hindi." malamig na sagot nito sabay inom ng kape niya.
Ipinagpatuloy ko lang yung pagkain ko dito at nakinig lang sa tsismis nitong si Vien at Khaiza. I mean sa pinagkukwentuhan nila. Nakakatuwa lang dahil kumpleto na ulit kaming apat sigurado madami na namang gagawin nito. Panigurado.
"Guys they here, look!" sabi ni Vien sa amin.
Agad akong napalingon sa main entrance para makita kung sino yun. Watdapakeningshet! Anong ginagawa nila dito? Wala namang sinabing apat na lalaki din no! Letchugas. Ano na te! Bakit andidito sila? Anong gagawin nila dito at aba-aba may pagtabi pa sa pwesto namin. Anak ng tupa naman o!
"Long time no see, Four Queens." sabi nilang lahat at nakaupo na sakanya-kanya nilang pwesto at nagpaserve sa waiter ng oorderin nila. We will be stuck again about these four men. Huwag naman sana. Lalong lalo na kay Victon. Nako po! Paano na ito?
YOU ARE READING
Leigh Patrice: The Princess Maknae
Teen FictionBook 1 of 4 The Princess Maknae [Book 1 of 4] Queen of the Queens [Pt.2] Leigh Partice Quintaña | Side Story A lovely princess maknae by living her normal life in the world. What if she discovers that she's not coming from in that place? Her life w...