TPM 10

51 23 1
                                    

Chapter 10: Her New Worker


Nang matapos ko ang ilan sa documents ay lumabas na ako para kumuha ng snack. Pumunta ako sa kitchen area at kumuha sa ref ng makakain ko.




May nakita akong maliit na jar na may blueberry jam then may nakasabit na card na nakasulat na 'For Leigh' hindi ko alam kung sino ang naglagay nito dito sa ref pero salamat kasi kailangan kong kumain ng ganitong oras dahil sa gutom hahaha!

Baka si Vien or Ashiana naglagay nito atleast nakatanggap ako ng ayuda hahaha charot! Maka-ayuda akala mo naghihirap na. Jusme. Joke lang! Hindi naman. Nagbubudget din ako para sa sarili ko. Hindi nga lang talaga halata hahaha!

Tinapos lang itong midnight snack ko. It's twelve midnight akala ko nga maaga pa pero pagtingin ko sa cellphone ko ayon twelve midnight na nga.

Nilagay ko na sa case yung laptop at nagcr na ako para gawin ang night routine ko nang matapos ako ay humiga na ako at humiga na sa kama, pinatay ko ang sa off switch ang lampshade at natulog na.





***


Bigla akong bumangon dahil sa napaniginipan ko parang totoo talaga isa raw akong nawawalang prinsesa. Ewan ko pero parang totoo talaga na nandoon ako. Napailing nalang ako sa naisip kaagad akong bumangon para maghilamos at magtoothbrush and then i have to take a bath then nagsuot lang ako ng white plain shirt and black cotton coat with my light brown hanging pants.

"Vien?" takhang sabi ko ng makita ko siyang naka-aipron.

"Morning." tipid na sabi niya at ngumiti sa akin.

"Goodmorning ang aga natin today ha!" nakangiting sabi ko sakanya. Tumawa lang siya at abala na ulit sa ginagawa niya. Ano kayang niluluto niya? Lumapit ako ng kaunti para tignan ang niluluto niya. Tag-two pieces na souffle pancake sa apat na platito nakalagay with the macchiato hot coffee plus wheat bread with a strawberry jam.

Ang galing talaga ni Vien gumawa ng mga ganitong pagkain. Ang sosyal tignan. Baka Vien namin yan char! Kakatok pa sana ko sa kwarto ni Ashiana at sa kwarto namin ni Khaiza. Si Ashiana ay kinatok ko pa at kagigising lang niya mukhang tinatamad pa nga bumangon kasi wala na high blood nga siya doon sa ginawa ni Furn ata iyon basta ayon ang pagkarinig ko sa pangalan niya.

"E, papasok ka pa ba?" tanong ko sakanya.

"No, not maybe." sagot naman niya. Okay lang sakanyang hindi pumasok sa trabaho dahil mayaman naman itong si Ashiana.

"Did you cook these, Vien?" tanong ni Ashiana ng nasa dining area na kami.

"Yeah. Why? May kulang ba? Hindi masarap? Hindi niyo ba nagustuhan?" tanong niya naman.

"Oks lang." sagot naman ni Khaiza sabay tango pa.

"It's delicious." sabi ni Ashiana sakanya.

"Leigh?" lingon naman ni Vien sa akin.

"Syempre naman, Oo. Ang sarap ng luto mo sa susunod belgian waffle naman ha. Nakakamiss! HAHAHA!" nakangiting sabi ko.

Nagtawanan naman sila at tinaas ko yung mug ko na may laman na macchiato hot coffee. Cheers sa napakasarap at simpleng pagkain namin ngayong breakfast made by our only Vien Danielle. Yas! Ghorl! Pak. Char!

Nag-ig story ako at pinost itong pagkain na nasa platito ko para siyang pang aesthetic na nakikita ko sa pinterest. Ang ganda lang! Nauna ng umalis silang tatlo kaysa sa akin. Akala ko nga si Ashiana hindi aalis ng apartment pero may lakad yung babaeng yon eh. Tignan mo yun hay kaloka!


After that simple breakfast with Vien, Ashiana and Khaiza ay may naka-abang na itim na audi car sa harapan ng apartment ni Vien.

"Ms. Leigh?" tanong ni Kuyang driver sa akin.

"Ah opo, ako po si Leigh. Ano po iyon?" saad ko.

"Sabi po ni Ma'am Vien sunduin ko daw po kayo at ako po ang driver ninyo papuntang trabaho niyo. Tara na po at baka malate pa po kayo niyan." sabi pa niya. Wow! May driver na ako. Salamat Vien! Hindi na ako mahihirapang magcommute nito. Sa wakas! Thank you talaga Vien!



Nakangiti akong nagpasalamat sakanya bago ako pumasok sa building ng kompanya.


"Goodmorning, Ma'am Leigh." nakangiting bati sa akin ng mga nasa lobby.

"Goodmorning, Okay lang ba kayo diyan?" tanong ko naman sakanila.

"Opo, Ma'am Leigh." sagot naman nila.

Nasa elevator na ako at pinindot na ang twenty-six floor papuntang opisina ko.

"Goodmorning, Ma'am Leigh!" tawag sa akin ng isang employee.

"Yes, ano po iyon?" nagaalangan pa siya kung sasabihin niya sa akin o hindi.

"Yung bago pong Global Ambassador nitong clothing line natin nandidito na po siya kanina pa po nagaantay sainyo. Gusto niyo po Ma'am papasukin ko na po sa office po ninyo or dito nalang po?" sabi naman niya sa akin.

"Hindi na dito nalang pakisabi." sabi ko naman sakanya at agad niyang tinawag yung bagong Global Ambassador nitong clothing line ni Vien.


"Ma'am si Sir, andito na po." pagkalingon ko ay literal na nanlaki ang mata ko sa nakikita ko ngayon. What? Huwag mong sabihin siya yung bagong Global Ambassador. No way.

"Goodmorning, Leigh. Kailan mo ko susukatan?" nakangiti namang sabi niya sa akin at ang dalawang kamay niya ay nakapameywang pa.

"Ah, let's talk inside." masungit na sabi ko dito at pumasok na sa loob ng opisina ko.

I have no choice si Vien ang pumili nitong New Global Ambassador ng clothing line niya. Aarte pa ba ako? Susugod pa ba ako sakanya at sasabihing ibahin niya? Hindi ko naman pwedeng gawin iyon.

Isipin mo Leigh, trabaho lang ito at walang personalan. Tama walang personalan, trabaho lang. Argh! Pero bakit kasi siya pa! Siya na naman! Nakakainis! Makikita ko na naman yung pagmumukha niya hays. Oo na, kahit na gwapo siya pero ganon pa din naman siya. Oo, Si Victon Gamboa siya ang New Global Ambassador. Tsk! Ayoko na! I swear!

Vien, akala ko ba friends tayo? Bakit mo naman ako ginaganito o! Grabe ka ha. Magusap tayo mamaya, Vien.


"Here, here's the agreement for your contract with Avenue of Men and Women Clothes Wear." at binigay ko sakanya ang contract paper na about doon sa Global Ambassador thing na binigay sa akin ni Vien.

Talaga ba? As in? Siya ba talaga? Wala na bang iba diyan? Vien naman! Charot. Nako naiimagine ko na ang nakakatakot na warning sign face ni Vien sa akin. Andwae-andwae! Nakakatakot nga talagang magreklamo sakanya kaya pagbubutihin ko nalang.

Oo na. I'll try my best to work for him for Vien's Clothing Line and for my work. Of course, trabaho lang walang personalan. That's my motto right now. Lalo na't siya ang pinili ni Vien as The New Global Ambassador of Avenue of Men and Women Clothes Wear. I am so doom! Oh, well might as well Mr. Victon Gamboa.

Leigh Patrice: The Princess MaknaeWhere stories live. Discover now