TPM 17

28 21 0
                                    


Chapter 17: Visiting My Parents





Wala akong ginawa maghapon kundi ang tumunganga dito sa harap nitong desktop.





Work! Work! Work!



Maraming gawain ngayon sa opisina kaya kailangan ko ng matapos ang lahat lahat ng ito at maipakita at maipasa ko na kay Vien ng maaga.



Nang matapos ko na lahat lumabas na muna ako para mag lunch kanina pa ako nakatunganga sa desktop at hindi pa ako nagbebreak time dahil nga sa tinapos kong mga papel dito sobrang tambak eh maramirami pa yon.


Pupunta pa kami kina Mommy namimiss ko na sila gusto ko talagang makadalaw sakanila kaya lang wala akong time dahil sa trabaho ko kailangan kong magipon ng magipon para sa magiging bahay ko.


Maaga akong nagoff sa trabaho dahil susunduin ako ni Victon para pumunta kina Mommy bumili narin ako ng pasalubong para sakanila.


"Babe, nandito na tayo." nakangiti niyang sabi sa akin at hawak ang pisngi ko kaya naman agad akong nagising doon nakatulog pala ako buong biyahe hindi ko na namalayan simula sa pagsundo niya sa akin sa opisina hanggang dito samin.


Ganon parin yung itsura ng bahay namin. Ang ganda na dahil nagpagawa si Mommy ng garden may parking lot narin kami dito sa loob malapad ang ngiting sinalubong sa akin ni Mommy kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit.

"My, namiss kita sobra!" nakangiting sabi ko sakanya agad naman niya kong binigyan ng halik sa pisngi.

"Buti naman at napadalaw kayo dito sa atin, anak. Masaya ako na nakapunta kayo dito at kasama mo pa si Victon. Tara na pumasok na kayo sa loob." sabi pa ni Mommy sa akin.

Pumasok na si Mommy sa loob ng bahay hinantay ko pa si Victon na matapos niyang ipark yung sasakyan bigla niyang hinawakan ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay nagkatinginan pa kaming dalawa dahil mahigpit yung pagkakahawak niya sa kamay ko nginitian ko siya nandyan nga pala si Daddy at sa cellphone lang sila nagkausap ni Victon.

Dumiretso na kami para kumain ng lunch andaming prinepare ni Mommy na pagkain nagmano naman ako kay Daddy at ganon din si Victon pinanghila pa ako ni Victon ng upuan at nag 'thank you' naman ako sakanya nakahanda na lahat ng pagkain sa lamesa at handa na para kumain ng tanghalian.

Habang kumakain ay naguusap sina Daddy at Victon hindi na ako nakisali sa paguusap nila panay ang tanong ni Mommy at Daddy kay Victon habang tahimik lang akong kumakain sa gilid at pagkatapos non inaya naman ako ni Mommy na pumuntang garden.

"Anak, kamusta ka naman yung trabaho mo?" sabi ni Mommy sa akin pagupo pa lang namin. Ang ganda talaga dito sa garden sa labas ng main gate namin.

"Okay naman po kahit madaming gawain." nakangiting sagot ko kay Mommy.

"Thank you, anak ha." sabi ni Mommy sa akin sabay hawak sa kamay ko.

"My, wala yon lahat gagawin ko para sainyo ni Daddy." sabi ko pa.



"Sana alagaan ka ng mabuti ni Victon huwag na huwag ka niya lang sasaktan anak kapag nakikita ko kayong masaya natutuwa ang puso kapag nakikita kong ganon kayo sa isa't isa. Alam mo naman na sa una palang pabor na pabor na ako sakanya simula nung nasa dati niyo kayong eskwehalan at nung nagkasakit ka hindi ka niya pinabayaan kaya naman kahit papaano panatag ang loob ko sa lalaking yon dahil may nagaalaga sayo habang wala ako sa tabi mo nung panahon na iyon." nakangiting sabi niya.


"Mommy naman. Okay lang po yun. Ako lang to, My!" turo ko pa sarili ko sabay tawa ni Mommy sa akin.

"I know how much Victon cares for you at sana kayo na talaga, anak." seryosong sabi ni Mommy sa akin na nakapagpangiti sa akin.


Sana nga, Mommy. Sana pagtibayin pa ni Lord yung relationship namin ni Victon lalo na't nagsisimula ulit kami. Sana talaga.




***



Pumasok na kami ni Mommy bago pa bumuhos yung ulan kanina pa makulimlim ng makarating kami dito. Nakita ko namang naguusap sila Daddy kaya naman hinayaan ko na muna sila.

Umakyat na ako sa taas para makapagpalit narin ng pambahay kumuha ako ng damit na susuotin ko sa may cabinet. Narinig ko pang tumunog yung pintuan ng tignan ko yon ay si Victon.

"Babe." tawag naman niya sa akin pagkalapag niya ng mga gamit namin panigurado naman ako may extra clothes siyang dala kaya hindi na ako nagapura pa na magsabi sakanya.


Nauna na akong pumuntang banyo at susunod na lang siya pagkatapos kong mag half bath ay nagsuot ako ng kulay white na oversize shirt.


Sumunod na si Victon na gumamit ng banyo agad akong pumunta sa study table ko dito at kinuha ang toner na nilalagay ko sa mukha ko forda skin care routine muna ang ferson hahaha!

Nakita ko na nakalagay pa sa balikat ni Victon yung tuwalya ay bakit naman may paganyan ka babe! Ngumiti pa siya sa akin sabay halik sa noo ko.

"Ang pretty talaga ng babe ko." nakangiti pang sabi niya habang nagboblower siya ng buhok niya.

"Tsk! Ako pa ba! Salamatimnida!" natawa pang sabi ko.


After nito humiga na ako sa kama at kinuha ko na yung cellphone ko. Tinignan ko muna yung mga chat sa akin at nakita ko doon yung kay Chase yung iba naman group chat sa trabaho.


From: Chase Fallero
Hi, Leigh.
Gusto ni Ate makipagkita sayo.
Kailan ka pwede?
Excited na siyang makita ka.



Nagisip pa ako kung anong irereply ko sakanya.


"Babe? Si Chase at si Ate Cherra gustong makipagkita sa akin." sabi ko sakanya at inaantay ko ang sagot niya.

"Yeah, sure. Ihatid kita gusto mo?" tumango naman ako kaya ngumiti siya sa akin at nagnod.


"Thank you, babe." nakangiting sabi ko.


"Wala yon, babe. Ikaw pa lakas mo kaya sakin." pabiro pang sabi niya. Nireplyan ko na si Chase.



To: Chase Fallero
I'm free tomorrow.
Kitakits!






Nilapag ko na yung cellphone sa bed side table ko at pinatay ko na yung lamp. Nakakaexcite makita si Ate Cherra bukas panigurado madami yon baon na kwento sa akin.




Magkakakilala kami nung nakatira pa kami nila Mommy sa probinsya at nagkahiwalay kami at hindi na nakapagusap nila Ate Cherra nung lumuwas na ako at para makapag aral sa Far Eastern Academy at sa wakas makakapagusap at kita na kami ni Ate Cherra.



Nakita ko si Victon na nakaidlip na at nakayap ang mga kamay niya sa bewang ko kaya naman hinawakan ko ang pisngi niya at kiniss ko siya sa left cheek niya ang himbing na ng tulog niya. Ang gwapo pa din kahit tulog. I love you, Victon.



Goodnight.

Leigh Patrice: The Princess MaknaeWhere stories live. Discover now